Chapter 8: I don't like how I felt towards you.

2 0 0
                                    




"Emma!" Tawag ni Prince sa asawa pagkababa niyo sa kanyang sasakyan.

Lumingon si Emma at nagulat ng makita si Prince.

"Bakit di ka dumiretso sa ospital at ipagamot 'yang sugat mo?" isinilid agad ni Emma sa kanyang bag ang bitbit na supot ng pandesal.

"Hinanap kita," sagot ni Prince at naantig ang puso na nakitang kumakain ng pandesal si Emma. Nakota n'ya ng tinagi ito ni Emma sa kanyang bag. "Wala ka pang dinner?" Tanung n'ya.

"Nakalimutan ko kumain, sobrang busy kasi sa shop. Dami kung inayos nadelivery ng ukay para bukas," sagot nito at ngumiti. "Sige na. Alis kana at ipagamot ang sugat mo. Uuwe na ako sa bahay," dagdag pa nito at tinutulak pa si Prince pabalik ng sasakyan nito ng pamansin n'yang kasama ni Prince ang babae sa prisinto.

"No," nagmatigas si Prince. "Hindi kita hahayaan umuwi mag-isa ng ganitong oras."

"Sanay na ako umuwi mag-isa. Ngayon pa ba ako kakabahan e wala rin naman silang makukuhang pera sakin. Saka sa suot kung ito tingin mo iinteresan pa ako?" Natatawang sabi ni Emma.

Hinawakan ni Prince ang kamay ni Emma at kinaladkad papunta sa sasakyan. Binuksan ni Prince ang pinto sa harapan ng Ford.

"Can you please move to the back sit?" Tinitigan ni Prince si Jen.

"Sa likod nalang ako," turo ni Emma sa open back ng sasakyan.

"No," sabi ni Prince at tiningnan si Jen. "Please move."

"Pwede naman s'ya dun-"

"Please Jen," sabi ni Prince na pinipilat magpakahinahun.

Padabog na bumaba si Jen at lumipat sa likod katabi si Aina at Des.

Bago pa man paandarin ni Prince ang sasakyan e sinuotan muna ni Prince si Emma ng seatbelt.

"Daan muna tayo sa fastfood. Ano gusto mo kainin?" Tanung ni Prince kay Emma. "Rice meals? Burgers and fries? Ano?"

"Wag na," sagot ni Emma na nahihiya. "Punta nalang tayo sa hospital para mapatingnan ang mga sugat mo."

"I am fine. No need to worry about me," assure ni Prince kay Emma. "Sa bahay ko nalang gagamutin 'to."

"Ipapahanda ko kay Kuya Alex ang mga gamot sa bahay," kinuha ni Emma ang kanyang cellphone at nag chat sa kapatid.

"Next time please 'wag mo naman kalimutan kumain. Saka pag ganitong oras pwede mo naman akong tawagan o e text na magpapasundo ka," sobrang pag aalala ni Prince. It was wrong to felt that sa taong alam n'ya na hindi naman talaga n'ya asawa pero hindi n'ya maiwasan kahit gusto man n'ya.

Dumaan muna sila sa Burking King at bumili ng pagkain para kay Emma. Pagkatapos ay dumiretso na sa bahay nila kasama sila Jen.

"Laki ng bahay girl," bulong ni Des kay Jen.

"Kaya lang mukhang mapapalaban ka sa asawa para mapasayo," bulong at biro ni Aina.

"Kasal lang sila sa papel," taas kilay na sabi ni Jen. "Nanigurado ako kanina."

"Asawa pa rin," sabi ni Aina.

Pinagbuksan sila ni Alex ng pinto na gulat na gulat sa nakita.

"Ay naku! Ano 'to?! Ginawa mo bang punching bag mukha mong bata ka," natatarantang sabi ni Alex na bitbit-bitbit ang first aid.

"Si Tala?" Tanung ni Emma sa kapatid.

"Tulog na po mam," sagot ni Myrna, ang yaya ng bata. "Kumain kana mam?"

"Oo, bumili kami ng burger at chicken nuggets kanina pauwe," sagot ni Emma. "Pasensya na nagising pa tuloy namin kayo."

"Okay lang mam. Emergency naman," pangiting sabi ni Myrna.

Agad umupo ang tatlong babae sa sofa at napatingin sa paligid. Dumating naman sina Lee at Jem.

"Kuha ko kayo ng kape," volunteer ni Emma.

"Well, that's good. I want one," sabi ni Jen.

Ngumiti si Emma sa kanya.

"Gusto mo ng anong-"

"Kailangan ko bang tagalogin para maintindihan mo? Kasi tingin ko hindi ka nakapag-aral at mangmang," pagtataray ni Jen kahit wala naman ginagawa si Emma.

"Can you not speak to her like that?" Tanung ni Prince at hinawakan ang kamay ni Alex para tumigil saglit sa paggagamot nito sa sugat sa noo at tinitigan si Jen.

"I was trying to ask some coffee pero di naman na-"

"Baka nakakalimutan mo nasa bahay ka n'ya kaya be nice," paalala ni Prince.

"Magkakabahay ba s'ya kung hindi dahil sa'yo?" Nakangiting tanung ni Jen na sinasadyang ipahiya si Emma at patawa-tawa na halatang ginagawang katatawanan si Emma.

"Hoy! Gaga baka kalbuhin kita dyan animal ka!" Galit na galit na sabi ni Alex na gustong-gusto ng batuhin si Jen ng first aid kit. "Wala kang karapatan letche ka na ganyan-ganyanin ang kapatid ko ha!"

"Kalma ka lang," sabi ni Lee at Jem na hinawakan ang mga balikat ni Alex para pakalmahin ito.

"Magdadala lang naman kayo ng mga babae dito mga wala pang respeto," sabi ni Alex at padabog na nilapag ang first aid kit na bitbit nya sa coffee table. "Gamutin n'yo sarili n'yo mga gago!"

Nawalan na ng respeto si Alex kay Prince. Tama naman kasi si Jen, hindi magkakabahay ang kapatid n'ya kung di dagil kay Prince pero hi di pa rin tama na ipahiya ang kanyang kapatid at ipamukha ito.

"Ako walang respeto?" Tanung ni Jen na napatayo sa kinauupoan. "Hoy bakla! Know your place! Baka nakakalimutan n'yong dalawa na kasal lang sila dalawa sa papel."

Natigilan si Emma at napatingin kay Prince.

Hindi n'ya inakala na marami na palang may alam na pinakasalan lang s'ya ni Prince sa papel.

"Stop!" Pigil ni Prince.

"Kukuha na ako ng kape," sabi ni Emma na umiiwas sa usapan.

"You are crossing the line, Jen," warning ni Prince.

"Di ba sabi mo na charity mo lang ito kaya nagpakasal ka sa kanya?" Tumatawa si Jen. "Natinig mo charity ka lang ni Prince."

Tumigil si Emma at humarap sa lahat.

"Papel lang ang hawak ko sa kasal namin, oo. Pero wala ka pa rin karapatan para maliitin ako sa harap ng mga tao dito sa loob ng bahay na pag-aari ko rin," inis na sabi ni Emma. "Wala akong pakialam kung ano ang relasyon mo sa asawa ko pero 'wag mo kalimutan legal ang kasal namin. Kaya ikaw ang lumugar." Dahan-dahan lumapit si Emma kay Jen. "Kahit papel lang ang kasal namin pwedeng-pwede ko pa rin gamiton 'yon para ipakulong kayo ni Prince. Hindi naman kasi gawang recto ang papel namin. Kaya hinay-hinay lang."

Nawala ang tapang ni Jen sa sinabi ni Emma.

"Pakihatid nalang 'tong tatlo at pagod na pagod na rin ako. Kailangan na rin ni Emma na magpahinga," sabi ni Prince at ipinasa ang susi kay Jem.

"I'm sorry sa sinabi ko Prince," sabi ni Jen at akmang hahawak sa braso ni Prince pero umiwas ito.

"Tama na Jen," sabi ni Prince at hinawakan na ang kamay ni Emma.

"Umakyat na kayo at ako na magsasara dito," sabi ni Alex at iniabot ang first aid kit kay Emma.

My Lover, My Husband, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon