Unrevealed: Regrets

20 1 0
                                    

Elmrix

"Alam na ba 'to ng pamilya mo?"

Napahinto ako sa pagbibilang ng pera. Nag-angat ako ng tingin sa kaibigan kong si Daniel at umiling.

"Bakit hindi mo pa sinasabi?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Para saan pa?"

"Para malaman nila kung anong kalokohan ang pinasok mo during the past few years?"

Pasinghal kong nilapag ang perang matiyaga kong binibilang kanina pa. Lagi na lang niyang binubuksan ang usapang ito kapag magkasama kami. Ano bang problema niya?

"Tumigil naman na tayo..." Kalmadong saad ko. At may trabaho na ako ngayon. CEO pa nga.

"Pinanggagastos mo pa rin ang pera. It doesn't make any difference."

"Anong gusto mong gawin sa pera, kung ganoon?"

Ngumiwi siya. "Ibalik natin sa totoong may-ari?"

I'm definitely not as dumb as he is. I need money to survive. Ayokong umasa sa kuya ko.

"You're joking, right?" Natatawa kong sabi. "Gusto mo bang makulong?"

"Sino bang may gustong makulong?" He shrugged his shoulders. "I'm just... guilty."

"Too late for that. Nakapagnakaw na tayo, hindi ba?"

Napabuntonghininga ako.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit pinili kong gawin ito. I have many choices, and yet, mas pinili kong maging... masama.

We stopped a long time ago pero araw-araw pa rin akong binabagabag ng konsensiya ko. Nakakapraning. Pakiramdam ko ay dadamputin ako ng mga pulis anumang oras.

"Palibhasa ay nakahanap ka na ng trabaho." Sabi niya, parang may halong inggit pa. "Bakit hindi mo ginawa iyan noon pa man?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Walang tumatanggap sa undergraduate na katulad ko..."

"Huh? Hindi ba't natanggap ka na bilang bodyguard noon?"

I shook my head. Hindi ko pa ba nasasabi sa kaniya o inatake na naman siya ng pagiging ulyanin?

"Hindi nga?"

"Si Kuya ang natanggap doon..."

Kumunot ang noo niya. "Kaya mo naisipang magnakaw?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Siguro..."

"Galit ka siguro niyan sa kuya mo."

"Why would I? Choice ko 'to. Hindi naman niya ako inutusang magnakaw."

"Pero inagaw niya ang oportunidad mo upang mamuhay nang normal..."

Napakurap ako. Ayoko man ay bahagya akong sumang-ayon sa kaibigan ko.

I really wonder...

If I became her bodyguard instead of my brother, would it change something?

Bumalik na lang ako sa pagbibilang ng natira naming pera. Maya-maya ay mag-eempake na ako ng mga gamit ko dahil hindi na kami babalik dito sa hideout.

I want to restart my life again. Pakiramdam ko ay ako na lang ang hindi nakakausad. Everyone's making their own progress lately. I feel... left out.

Everything was settled. Wala nang gulo at kapahamakan sa paligid kaya't ramdam kong hindi na nila ako kailangan.

How depressing.

Matapos magbilang ay pinaghatian na namin ni Daniel ang pera. Natira lamang namin iyon sa pagnanakaw sa grocery store nitong nakaraang tatlong buwan. That was our last—at talagang hindi na kami uulit pa sa susunod.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now