Chapter 9: I am your husband.

1 0 0
                                    




Binitawan lang ni Prince ang kamay ni Emma ng masara na ang pinto sa kwarto n'ya.

"I'll take a bath first bago mo gamutin mga sugat ko," pumasok na sa paligoan si Prince.

Naupo si Emma sa King sized bed at napatingin sa loob ng kwarto ni Prince.

Nakita n'ya ang malaking frame na ang picture nakalagay e 'yong sa wedding day nila. She never knew na sinabit pala ito ni Prince sa room n'ya. At araw-araw bago matulog at pagkagising e ito ang huling nakikita ni Prince.

Napatayo s'ya sa kinauupoan at pumasok sa walk in closet na kasing laki ng kwarto ni Tala. Nakita n'ya na may dresser table ito at completo ang pampaganda. Nakita rin n'ya ang mga damit pambabae na nakasabit, pati sapatos at bags.

"You can use it if you want," sabi ni Prince na hindi namalayan ni Emma na tapos na pala maligo.

"Sorry," nahiya n'yang sabi. "Tinitingnan ko lang sila."

"It's for you," lumapit si Prince sa kanya.

"Nagbibiro ka lang yata. Baka para kay Jen 'yan," natawang sabi ni Emma at akmang lalabas na sana pero pinigilan s'ya ni Prince.

"It's really for you," ulit ni Prince. "I observe kasi na hindi ka mahilig sa revealing clothes kaya I choose those clothes na I know you will like."

"May mga damit pa-"

"Sige na try to dress your self," nakangiting sabi ni Prince at ngumiti sa kanya. "Hintayin kita sa labas," dagdag pa nito at agad lumabas sa walk in closet at isinara ang pinto.

Inisa-isa ni Emma ang mga damit na naka hanger. Tinitingnan at isa-isang nilapat sa kanyang katawan kasabay ng pagharap sa salamin. Sobrang ganda ng mga casual at formal na dapit na pinamili ni Prince. Hindi n'ya alam na maganda pala ito pumili at nalaman pa nitong mas gusto n'ya ang ganun damit.

Pinili n'ya ang army green colored high-waist trousers paired with a white back rib tops. Sinuot din n'ya ang slip-on loafers na color white. She gaze at her own reflection sa mirror, she felt so good looking at herself na ganun ang ayos. Napangiti s'ya but with pain deep within, so painful dahil sa lahat ng dumaan hirap sa buhay n'ya nakalimutan n'yang ayusan kahit minsan ang sarili.

"You good?" Tanung ni Prince sa kanya ng sumilip ito sa pinto.

"Oo," sagot ni Emma na nahihiya.

"Pwede bang pumasok?" Tanung ni Prince.

"Okay."

Pagbukas ni Prince ng pinto, nag blush ang mga pisngi ni Emma. Hindi kasi s'ya sanay na nakikita ng ibang tao na nakaayos ng ganun kaya naiilang s'ya.

"You just don't look good but amazing," biglang nabighani si Prince ng makitang nakaayos si Emma.

"Salamat. Nakakahiya," humarap ulit sa salamin si Emma para tingnan ang sarili.

Lumapit si Prince sa kanya at tumayo sa kanyang likuran. Inayos nito ang kanyang mahabang buhok at pagkatapos ay humawak sa baywang ni Emma. He was tall so he leaned and place his chin on her shoulder. Together they watch their reflection on the big mirror attached on the wall.

"You should dress up your self for yourself Emma. Make yourself happy and the rest let me handle it," bulong ni Prince. "Andito lang ako, para sa'yo at kay Tala. As long as kailangan n'yo pa ako."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Emma na nalilito.

"Hayaan mo akong tulungan ka sa mga problema mo, mapa Jaycee man 'yan o family n'ya. I want you to know you have me, you have all of me. Your problem is my problem. I am your husband."

Tumitig si Emma kay Prince sa salamin. Kinabahan s'ya bigla at nanlalamig.

Dahan-dahan gumalaw ang kamay ni Prince, galing sa pagkakahawak nito sa kanyang baywang ay yumakap ito sa kanya.

"Kasal lang tayo sa papel at napag-usapan natin na si Tala lang dahilan kung bakit magpapakasal tayo," pinaalalahanan ni Emma si Prince dahil baka limut na nito ang dahilan kung bakit nagpakasal silang dalawa.

"I didn't mean na sabihin kay Jen ang lahat. I was careless," nadismaya si Prince sa sarili at pinagsisihan na sinabi n'ya kay Jen ang usapan nila ni Emma. "But I promise... babawi ako."

"Okay lang naman kasi totoo naman. Dapat lang naman malaman ng girlfriend mo ang totoo."

Prince smirked and sighed. Napabitaw s'ya kay Emma and fixed his hair backwards.

"She's just a friend," sabi ni Prince at tumalikod kay Emma. "Can we not talk about her and let's go cure my face," pang-uutos nito.

Walang pagdadalawang isip na sumunod si Emma kay Prince. Agad s'yang humiga sa kama at hinigaan ang kanyang dalawang braso. Umupo si Emma sa gilid n'ya at sinimulan ng gamutin ang mga sugat ni Prince sa mukha.

"Ito ba nagustuhan ni Jaycee sa'yo? Ang pagiging considerable mo sa lahat ng bagay at tao? Na kahit alam mong mali e tinatama mo pa rin?" sunod-sunod na tanong ni Prince kay Emma habang nakapikit ang kanyang mga mata at nakikiramdam lang sa paligid.

"Anong mali ba ang ibig mong sabihin?" Nagugulohan si Emma sa tinatanung ni Prince sa kanya.

"Yong mahabang pasensya muna bago magalit. At pagnagalit e sinisiguradong tama ang sinasabi."

"Syempre considerate ako pagdating sa ganyang bagay dahil asawa lang kita sa papel. Kaya 'yong mga personal na bagay na nangyayari sa buhay natin dalawa, e labas na rin tayo dun. Kaya 'wag ka mag-alala dahil kahit ilang babae pa ang mahanap mo o maging karelasyon wala akong dapat ikagalit dahil karapatan mo 'yon. Basta 'wag na 'wag lang akong bastusin."8

"Paano naman kung sabihin ko sa'yo na ayaw kita magkaroon ng boyfriend, na ayaw ko may iba kang nakakasamang lalaki?" Bumukas ang mga mata ni Prince at tumitig kay Emma na noo'y nakatitig na sa kanya na natigil sa panggagamot sa kanya.

"Isa lang naman ang lalaki sa buhay ko, si Jaycee."

Napangiti si Prince at bumangon, tinukod ang kanyang kamay sa kama at ang isang kamay ay inilagay sa kanyang nakatiklop na tuhod habang nakaharap kay Emma.

"Isa?" Kunot-noong tanong ni Prince. "Dalawa na kami sa buhay mo. I'm your husband, remember?"

"Hoy Prince! Di tayo talo!" Natawang sabi ni Emma at hinampas si Prince sa dibdib.

"For 7 months na magkasama tayo sa iisang bahay parang wala lang tayo. Pero kanina I realize ng dumating ka sa station na whatever happens to me, ikaw at ikaw ang bibigyan ko ng problema," napaisip si Prince. "I think I need to be mature and give you and Tala half of my time. Para na rin ma feel ni Tala na may father s'ya or family."

Natawa si Emma sa sinabi ni Prince. Hindi kasi n'ya inaasahan na aabot sa puntong maiisip iyon ni Prince. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa e dati pa ayaw n'ya magkaroon ng serious relationship, anak or family?

"Hindi ka tatagal ng isang araw sa pagiging tatay ni Tala. Mahirap mag-alaga ng anak. Lalo na sa tulad mo ni walang experience," sabi ni Emma at idinampi ulit ang bulak sa mga sugat ni Prince.

"Hinahamon mo ba ako?" Tanung ni Prince.

"Hindi. Pinagsasabihan lang kita," sagot ni Emma.

My Lover, My Husband, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon