Chapter 1

13 2 0
                                    

Chapter 1
Jersey

"Titig ka naman nang titig sa'kin. Matunaw ako, ah." He glanced at me as he shot a killer smile before he diverted his gaze back in front.

I scoffed inwardly as I flipped my hair to the side. Umirap ako sa sinabi niya.

Days right after that pageant, we started became friends. Actually, kahit bago pa maganap 'yong pageant na iyon ay nagkakasama naman kami sa barkada dahil best friend niya si Jepoy, iyon nga lang masyado siyang suplado at lagi niya akong dinededma kahit pa no'ng naging magkaklase kami sa Grade 9.

That's when we got close as he started teasing by calling me “love”. Hindi ko alam na dahil sa patimpalak na iyon ay mas lalo lang tuloy akong nahumaling sa kanya nang palihim—mas lalo akong humanga kahit sa simpleng ngiti at sulyap ng kanyang mga mata.

At kahit sa ilang beses na kaming pinagkakanulo ng mga kaklase ay hindi siya kailanman gumawa ng galaw para ligawan ako. Basta ang tanging alam niya ay crush ko siya at siguro naniniwala siyang hanggang doon lang iyon, hindi na lalagpas.

"Ma-in love ka lalo sa'kin niyan," nangingiti niyang saad habang nagti-take down notes sa sinusulat ni Ma'am na formula sa black board.

Sometimes, I do wonder how is it feels like to be called “love” by him with genuine feelings attached. I always envisage myself having a romantic relationship with him. I just reallyreally... like him so much that it may seems like I already crossed the borderlines of friendship through my way of dumb dreaming and obsessing him.

Nilingon ko siya saka inismidan. Pumilantik ang kilay ko.

"Excuse me..." I drawled, acting cooly. "Crush kita noon at hindi na ngayon 'no. We're now in Grade 10. Feelings vary through time, you know."

Umirap ako. Lies, Zamarah. That's it. That's what the most utmost thing you should do always!

Pero tama nga naman. Hindi ko na siya crush dahil gustong-gusto ko na siya para sa sarili ko.

He gave me a lopsided smile. "Parang kahapon lang 'yong noon na sinasabi mo. Last year, Grade 9 tayo."

"Huwag kang feeling." Nagtaas ako ng kilay. "Curious lang ako kasi ang sipag mo ngayon mag-aral," pag-irap ko pa.

He pouted snobbishly, cocking a brow. Somehow, looking amused.

"Course, Math 'to." Kinindatan niya ako. "Pinapaalahanan lang naman kita, miss Quarteros. Mahirap na, baka lalo ka lang ma-in love kakatitig sa'kin."

My heart raced abruptly nonstop. Minsan masyadong overconfident din ang isang 'to.

I just rolled my eyes, trying to suppress any ridiculous reaction that may come out from me. Sa lakas ng kalabog ng puso ay mabuting napigilan ko ang kung ano mang nagpapahabag sa akin. Masyadong pa in love talaga ang lalaking 'to.

He leaned closer a bit. "Cute mo, love. Namumula ka," pabulong niyang sinabi.

My heart is palpating profusely. I puckered my lips and tried to tap his cheeks away so I could calm my senses. Pinatong niya ang kanang braso sa likod ng arm chair ko. Matalim ko siyang sinipat doon at bago pa makapagsalita ay tuluyan na kaming napuna ng aming Math teacher.

"Mr. Montecarlo and Ms. Quarteros, are you done with your activity?"

Agad na dumako ang tingin ng mga kaklase ko sa gawi namin.

"Tapos na ako, Ma'am," proud at nakangiting sinabi ng mokong bago bumaling sa akin na may multo ng ngisi sa labi.

I mentally snorted. Bukod sa mala-suplado niyang mga mata, nakakalusaw din ang mapula niyang labi na parang nanunuya.

Love in the Midnight Sky (Midnight Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon