A/N: pakiplay po yung nasa multimedia para mas feel ang pagbabasa. Salamat.
Ang barkong "Vicerylle" ay kakaiba dahil hindi ito katulad ng ibang barko na masyadong prestihiyoso. Ang barkong ito ay simple lamang. Nabuo ito sa IST pier. Noong simula, medyo nag-aalangan pa ang mga manggagawa doon kung paglalayagin nila ito o hindi dahil parang hindi ito tatangkilikin at mukhang mabilis ding masisira.
Ika-12 ng Pebrero taong 2012 nagsimulang maglayag ang barkong "ViceRylle" sa pamumuno nila Vice at Karylle. Sila ang naatasan na magpaandar dito. Tulungan sila at magkasama nilang pinaandar ang nasabing barko.
Sa bawat pier na hinihintuan nila, may mga pasaherong sumasakay. Hindi nila ito inaasahan ngunit nagpapasalamat sila sa pagtangkilik ng mga ito sa kanilang barko. Habang palayo nang palayo ng tinatahak na landas, parami rin nang parami ang mga pasahero nila. Maraming magagandang alaala ang nabuo sa barkong iyon at patuloy nila itong dinadagdagan.
Dahil sa kasikatan ng barkong "ViceRylle", dumami ang mga maglalayag at mangangalakal ang dumadayo sa IST pier. Sumikat ang pier na iyon pati na rin ang mga barkong doon nakadaong. Nagawaran ng iba't ibang parangal ang pier at ang mga barko lalo na ang barkong "ViceRylle".
Hindi nagtagal ay napadaan ang barko sa bahagi ng dagat na medyo may kalakasan ang alon at nataong may bagyo pa.
KARYLLE: Ano'ng nangyayari, Vice?
JM: May bagyo yata. Narinig ko sa radyo, nandito sa karagatang Pasipiko ang bagyong Ysmael.
KARYLLE: Hayaan mo na. Titila din yan.
JM: Hindi natin pwedeng hayaan 'to Karylle. Tulungan mo naman akong mag-isip ng paraan.
KARYLLE: Ikaw lang naman ang kapitan di ba? Di naman ako inimbita dito para maging kapitan.
JM: Hindi ako ang kapitan dito. Walang kapitan. Tayong dalawa ang in-charge dito.
KARYLLE: Wala tayong kapitan. Edi hintayin nalang natin matapos yung bagyo.
JM: Karylle naman! Tulungan mo nalang ako. Ako na ang tatayong kapitan.
KARYLLE: Tinatamad ako.
JM: Bahala ka na nga! Wala na akong pakialam sa barkong 'to. Gawain nalang natin yung trabaho natin para hindi tayo makagalitan.Dahil sa bagyong iyon, naramdaman ng mga pasahero ang grabeng lamig sa barko. Kapansin-pansin din ang hindi pagkibuan ng dalawang head ng barko kaya nagpasya ang mga pasahero na manahimik muna at magpatuloy sa kanya-kanya nilang buhay.
Pagkatapos ng halos isang buwan ng lamig at bagyo, muli nang nasilayan ng mga pasahero at ng barkong ViceRylle ang tirik na araw. Senyales na tapos na ang bagyo at may bagong umaga na silang haharapin. Nagdiwang ang mga tao dahil bukod sa EDSA People Power Revolution anniversary, ay nagkabati na sila Vice at Karylle.
Naging masaya ang mga sumunod na araw sa barko. May maliliit na alon na humahampas sa barko ngunit patuloy pa rin ito sa paglayag.
Ika-21 ng Marso taong 2014, ito ang araw na hindi gaanong kinasabikan ng mga pasahero. Ito ang araw kung kailan ikinasal si Karylle sa kanyang nobyong si Yael. Malungkot man pero kailangan nilang magpatuloy kahit wala si Karylle sa barko.
Ilang araw ding hindi kasama si Karylle sa barko dahil sa honeymoon nila ng kanyang asawa. Ito ang dahilan kung bakit parang walang gana si Vice sa pagbiyahe.
Pagkatapos ng honeymoon ay sumama na ulit si Karylle sa barko. Ngunit kapansin-pansin ang pagbabago. Hindi na sila naaatasan ng staff na laging magkasama sa deck. Malapit pa rin naman sila sa isa't isa ngunit ang closeness nila ay hindi na tulad ng dati.
Dumating na ang puntong humina na ang kakayahan nila Vice at Karylle na paandarin ang barko. Nabahala naman ang mga pasahero dahil dito. Kung dati ay panay bati sa kanila nila Vice at Karylle ngayon, masyadong madalang na. Swerte na nga kung tutuusin kung mabanggit man lang nila ang pangalan ng barko.
Bumagal ang barko at parang wala nang pakialam ang mga head nito. May ilang mga pasaherong bumaba na at nilisan na ang barkong "ViceRylle" ngunit may iba pa ding nanatili at patuloy na umaasa na muling babalik ang saya na dati na nilang nasaksihan sa barkong iyon. Kahit alam nilang medyo imposible nang mapaandar ito ulit, patuloy na gumagawa ng paraan ang iba.
Mistulang walang pakialam na ang mga staff sa pier pati ang dalawang "kapitan" sa barko. Ito ang dahilan ng labis na pagkalungkot ng mga pasahero.
Patuloy na gumagawa ng paraan ang mga nanatiling pasahero para mapaandar muli ng maayos ang barko. Imposible man at mahirap, pinipilit nilang paandarin ito sa pamamagitan ng pagsasagwan. Hinihiling nila na sana, wala nang aalis sa barkong iyon para lahat sila ay magtutulungan na paandarin ang barkong napamahal na sa kanila at itinuring na nilang pangalawang tahanan. "Sana balang-araw, tumingin dito sa ibaba sila Vice at Karylle. Dito sa ibaba, makikita nila ang mga pasaherong patuloy na sumusuporta sa kanila at umaasang babalik ang lahat sa dati."
Ikaw na nagbabasa ngayon, anong klase ng pasahero ka? Yung umasa, napagod, at tuluyan nang bumitaw? O yung umaasa, napapagod ngunit di bumibitaw, at patuloy na nagsasagwan para maibalik ang dating andar at saya ng barkong Vicerylle?
WAKAS...
BINABASA MO ANG
Before the Storm
FanfictionThis story is for my siblings na Vicerylle babies... para sa mga umasa, nagtiyaga, nasaktan, napagod, at sumuko... para sa mga umaasa, nagtitiyaga, nasasaktan, napapagod ngunit hindi pa din sumusuko.