"Saan ka punta?" Tanung ni Prince ng makitang nagmamadaling lumabas si Emma sa kwarto nila ni Tala.
"To the moon," sagot nito sabay tawa.
"Loko ka rin noh?" Nainis na sabi ni Prince.
"Joke lang," nakangiting sabi ni Emma na pinipigalan ang sarili na matawa pa lalo. "Hindi ka naman mabiro."
"Saan ka nga punta?" Ulit na tanung ni Prince.
"E di sa shop. Maraming deliveries kasi saka may mga darating akong bales ng ukay," matinong sagot ni Emma.
Napatiningin mula ulo hanggang paa si Prince kay Emma. Nanibago s'ya sa dating ni Emma. Nakasuot kasi ito ng black spag strap top, maong na shorts at sneakers na converse.
"Malling tayo," pagyaya n'ya sa asawa.
"E-di-display mo ang mga sugat at pasa mo sa mukha sa mall?" Tanung ni Emma at itinali ang buhok na pina ponytail.
"No!" Sabi ni Prince at kinuha ang crunchies ni Emma. "You are not going to tie your hair like that."
Napataas ang kilay ni Emma.
"At bakit naman?" Curious n'yang tanung.
"Basta."
Sumunod si Emma kay Prince pababa ng hagdan.
Ayaw ni Prince na magtali ng ganun si Emma, it is his weakness pagdating sa babae or mostly men like to see the beauty of a womens neck. Nakaka attract kasi ito tingnan.
"Si Tala?" Tanong ni Prince sa yaya ni Tala.
"Nasa sasakyan n'yo na po Sir kasama si Mam Alex," sagot nito.
"Okay, thank you."
"Hindi ako pwede mag mall ngayon. Marami-"
"You have deliviries and meet up's, I know. Kaya dadaanan natin lahat ng e-di-deliver mo dahil on the way pwede natin e daan sa customers at ang meet up's e isabay natin sa malling. Time management my darling."
Natigilan si Emma at nakatitig lang kay Prince na naglakad palayo. Gulat s'ya sa sinabing my darling ni Prince. Agad din naman s'ya sumunod papunta sa sasakyan ni Prince.
"Kasama ka?" Tanung ni Emma kay Alex.
"Hindi. Pa drop lang ako sa Comedy Bar. Pinapatawag ako ng may-ari," sagot ni Alex at pumasok agad kasama si Tala.
"Pinapaalis ka na dun?" Tanung ni Emma na halong nag-aalala ang boses matapos makasakay sa frontseat. "Hindi naman siguro di ba?" Lumingon ito sa kapatid na nakaupo sa likod n'ya.
"Pag pinaalis nila ako dun e di wala na silang star of the night noh," sagot ni Alex.
"Seatbelt mo," sabi ni Prince ng pinaandar na ang sasakyan.
"Pagpinaalis nila si Kuya dun magtatayo ka ba ng comedy bar?" napatitig si Emma kay Prince at ganun din ito sa kanya. Hinihintay n'ya ang sagot nito dahil hindi s'ya mapakali, na baka mawalan ng trabaho ang kanyang kapatid.
"Well," umpisa ni Prince and lean his body towards Emma, stretch his arms to pull the seatbelt and lock it. ".... magandang idea magkaroon ng Comedy bar."
"Kikita ka kapag si Kuya kinuha mo. Swear hindi ka lugi," natawa si Alex sa kapatid at hinampas ito sa balikat.
"Hoy! Pino promote ako at hindi pinapaalis," Alex announce at napatili.
Napatunganga si Emma. Nagulat s'ya sa narinig n'ya.
Alex waited enough para sa promotion na iyon. Kaya sa saya ni Emma hindi n'ya mailabas ito.
"Congats," sabi ni Prince na natuwa rin sa narinig.
"Hindi ko alam kung iiyak ba ako o kung magtatatalon sa tuwa," sabi ni Emma.
"Celebrate tayo later. Punta kayo sa bar ha," sabi ni Alex.
"Sure. We will come," pinaandar agad ni Prince ang sasakyan.
Like what Alex planned, nagpa drop off s'ya sa bar. Tinabi naman ni Emma si Tala sa frontseat dahil walang maghahawak nito sa likod.
"we need car seat for her," suggest ni Prince. "She must not seat with you in the front and mas safe s'ya pag nasa carseat si Tala."
"Lipat nalang ako sa likod," sabi ni Emma na sumang-ayon naman kay Prince. "Aksaya lang sa pera ang carseat. Pwede naman ako sa likod kasama si Tala."
"No," kontra ni Prince. "Di ko sa tabi ko. And I could afford a carseat. Saka it's for Tala's safety."
"Ikaw bahala. Pagkinontra kita e bibili ka pa rin naman," she rolled her eyes.
"Daddy will do everything for my Tala," nakangiting sabi ni Prince na sumaglit sa paghawak sa pisngi sa bata na napangiti rin sa kanya. "I promise you that."
Natigilan si Emma sa narinig n'ya mula kay Prince. She didn't expect na tatawagin ni Prince ang sarili na Daddy and promise somthing to Tala. Masaya s'ya dahil inaako ni Prince ang responsibilidad na dapat ay kay Jaycee. Matagal na rin n'yang gusto na may tawagin ang anak na ama at hindi s'ya nagkamali na pakasalan si Prince dahil mula nung ikinasal sila, hindi sila nito pinabayaan.
Bago sila magpunta ng mall e umikot-ikot muna sila para ihatid ang mga bulk orders naa ukay sa mga suki ni Emma. Nang matapos diretso na sila sa mall.
"Kaya mo buhatin 'yan?" Tanong ni Emma kay Prince sa apat na malalaking plastic bag na kailangan bitbitin sa waiting shed sa gilid ng mall kung saan ang baba-an at sakayan ng mga pasahero ng jeep. "Sobrang bigat n'yan," dagdag ni Emma na nakatingin lang kay Prince na noo'y nakatingin sa mga plastic bags.
"Kaya," pabulong na sagot nito.
"Sabihin mo lang kung hindi kaya kasi ako na magbubuhat," she knows na mahihirapanm si Prince bitbitin 'yon dahil hindi ito sanay na magbuhat ng mabigat.
"Kaya ko," nainis na sabi nito at agad pinagdadampot ang mga supot.
Palihim na natatawa si Emma na nakatingin kay Prince habang naglalakad ito at hirap na hirap sa bitbit n'ya. Tagaktak na ang pawis nito ng makarating sila sa pwesto n'ya.
Hingal na hingal si Prince ng ilapag ang mga plastic bag.
"Wa...waater."
"Manang pabili nga po ng tubig," nag abot ng bente si Emma sa kakilalang side walk vendor.
"Dala mo na naman anak mo. Baka magkasakit na naman 'yan ha," saway nito sa kanya sabay abot ng tubig.
"Sandali lang po kami ngayon. Pag lagpas ng isang oras at hindi pa dumating ang iba e alis na ron po kami."
Hinablot ni Prince ang tubig sa kamay ni Emma at diretso itong ininum lahat. Uhaw na uhaw s'ya at halos hihimatayin pa.
"Pogi ng kargador mo ngayon ah," nakangiting sabi ni manang. "Naka jackpot ka yata," may panunukso ang tingin ni Manang kay Emma. "jackpot na jackpot ka d'yan gwapo na hindi pa maarte. Tinutulungan ka pa. Hindi tulad nung dati."
"So this is the way you date guys?" Tanong ni Prince. "And then si Manang ang judge?"
"Hindi noh. Saka joke lang ni Manang ang sinabi n'ya," natatawa si Emma kaso kung ano-ano iniisip ni Prince. Resulta na siguro 'yon sa pagbitbit nung mga paninda n'ya.
"Pasado ba ako manang?" Binaling ni Prince ang kanyang tingin sa sidewalk vendor.
"Pasadong-pasado!" Napa thumbs up si Manang.
"Pag may iba s'yang dinala na lalaki dito sabihin mo sakin ha. Bawal na may kasamang iba itong asawa ko," habilin ni Prince.
"Hoy!" Saway ni Emma.
"Hoy ka rin!" Ganti ni Prince.
"Asawa? Kasal kayo?" Gulat na gulat si Manang sa narinig.
"Opo, matagal tagal na din po," proud and loud pa talagang sumagot si Prince sa matanda.
"Congratulations. Sa wakas makikita na kitang laging blooming at hindi na nakasimakot na akala mo pasan ang daigdig," napalakpak si Manang sa tuwa.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Husband, and Me
RomanceTurn between two men ang naging ganap sa buhay ni Emmalyn. Sino kaya sa huli ang kanyang pipiliin? Ang unang minahal? O ang lalaking pinakasalan lamang n'ya dahil sa mabigat na dahilan?