BestFriend

123 4 1
                                    

This is not actually a horror story. This is a sad but creepy lovestory.

Sa isang University sa Cavite ay may nakilala akong isang napakaganda pero weirdong babae. Ang hindi ko lang kasi maintindihan sakanya eh sa dinami-rami ng estudyante dito, eh ako lang ang kaibigan nya. Sa ganda nyang yun ako lang ang kaibigan nya? Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun. Pero bago ko makalimutanan ang pangalan ko ay Gianne Feliciano. Pwede na ring Ian. Sisimulan ko na ang kwento...

Ang kwentong ito ay tungkol sa bestfriend kong si Janna Santos. Napaka matalik ko syang kaibigan. At sa sobrang close namin ay napagkakamalan kaning mag boyfriend and girlfriend dahil sa totoo lang eh talo talaga namin ang magsyota at di mo aakalain magbestfriend lang kami. Nagsheshare kami ng problema sa isa't- isa, nagtatawanan, nagtatawagan, at in times of troubles nagtutulungan kami dahil mahal namin ang isa't-isa.

Isang araw sa wedding reception ng kuya nya ay pumunta ako. Napakaganda ng napakasalan ng kuya nya. Pero sa kabila ng mga kasiyahang ito, nalaman ko sa mismong araw n ito, broken family sila. Nalaman ko rin na ampon pala si Janna kaya't iniwan sila ng kanyang stepfather. Napakababaw kung iisipin pero may napakalaking epekto ito sa Pamilya nya, lalong- lalo na kay Janna. Nang dahil sa mga pangyayaring ito; ay nilayuan sya ng mga kaibigan nya. At dun nagsimula ang pagiging loner nya.

Isang gabi, tumawag sakin ang parents ko. "Anak may financial problem tayo at kailangan mong umuwi." sabi ni mama. Kahit labag sa kalooban ko, dahil pumasok agad sa isip ko si Janna eh kailangan ko paring umuwi para damayan sila. 

Kinabukasan ay nagkita kami ni Janna sa canteen. Gusto ko man siyang iwasan dahil alam kong malapit na ang pag alis ko eh di ko magawa. Kinausap ko sya at sinabi kong aalis ako pansamantala. nagpromise akong babalik ako para sa kanya at tatawagan ko sya gabi-gabi ngunit di sya pumayag. Kung kaya't napagdesisyunan kong umalis na lang ng biglaan.

After 1 week, bamalik na ako ng Baguio. Pag kauwi ko ay agad kong tinawagan si Janna at sinabi kong maayos lang ako. Gabi- gabi ko syang tinatawagan hanggang sa naging napaka busy na ng mga sumunod kong araw at paminsan- minsan ko na lang natatawagan si Janna.

After 3 months kong naging busy tsaka ko lang naalala ang bestfriend ko kung kaya't tinawagan ko agad sya. Pero walang sumasagot kay sinubukan kong tumawag sa Telepono nila  upang dun sya kamustahin, pero kuya nya ang sumagot. Kimusta ko si Janna pero ang sabi ng kuya nya,

"Dude matagal ng patay si Janna." sabi ng kuya nya. Isang buwan na pa lang nakakalipas ang pagkamatay ni Janna dahil sa isang car accident. Lasing daw sya nung gabing iyon at hindi nya napansing may karatulang "Sharp Curve, Slow Down" at siya ay bumangga sa napakalaking puno. Dead on Arrival na raw nung dalhin sya sa ospital. At pagkatapos ng kwento ng kuya nya ay nagpaalam na ako .

Iniyakan ko ang nanyari kay Janna dahil kasalanan ko ang lahat kung bakit siya namatay.

Maya- maya pa ay tumawag sa akin si Janna. Sinagot ko ang tawag nya.

Buong- buo ang boses nya sa cellphone. Pero,

Paano sya makakatwag? Hindi ba't patay na sya?

Sa sobrang takot ko, binaba ko ang cellphone. 

Tapos, nagring ulit ang cellphone ko at tumatawag ulit si Janna.

Sinagot ko ito ulit.

Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na galing sa cellphone ko ang boses nya,

kundi sa isang paligid sa kwarto ko.

Naninigas ang katawan ko at hindi ko maigalaw ng maayos

hanggang sa may maramdaman akong yumayakap sa likod ko.

Yumayakap....

At nakita ko ang mukha ni Janna at sinabi nya sa akin na

"wag kang umiyak bes. Di mo kasalanan ang nangyari sakin. Andito lang ako sa tabi mo lagi at babantayan kita. I love you bes."

at naramdaman ko ang halik nya sa aking pisngi. Umiyak ako ng sobra hanggang sa magalaw ko ulit ang katawan ko.

 Tumakbo ako papunta sa kwarto ng mga magulang ko at dun na nagpalipas ng gabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon