𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

1.5K 46 8
                                    

Nasa mesa ako ngayon at kumakain ng almusal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa mesa ako ngayon at kumakain ng almusal. Nakagayak si Jerahmiel at mukhang aalis ulit siya gaya ng nakagawian.

"Melinoe."

Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako.

"Pupunta lang ako sa palasyo. Pero mamayang hapon nandito na rin ako. O, mas maaga pa ro'n. Hintayin mo 'ko," aniya.

Napakunot ang noo ko, "Bakit nagpapaalam ka na sa'kin ngayon? Dati basta ka lang umaalis at dumadating nang walang sabi-sabi."

"Dahil meron na tayong blood contract."

"Ah, oo. Dahil ininom mo ang dugo ko nang hindi ako pinapatay, ako na ngayon ang master mo."

Bumuntonghininga siya sabay tango. Napansin ko naman na nagsusuot na siya ngayon ng guwantes na gawa sa leather. Sa pagkakatanda ko, parang hindi naman niya 'yan ginagawa noon.

"Sige. Dito lang ako. Magsasabi naman ako pag kailangan ko nang umalis," sambit ko.

Binuksan na niya ang pinto at lalabas na sana siya. Ngunit bigla siyang napahinto at lumingon sa'kin.

"Gusto mo bang pumunta sa syudad?" tanong niya sa'kin.

Nagtaka naman ako, "Akala ko ba pupunta ka sa palasyo?"

"Hindi naman 'yon gano'n kaimportante. Ano? Sasama ka ba?"

"Gusto ko, pero ayaw kong may makakita sa'kin."

Sinara niya ang pinto, pagkatapos ay nagpunta siya sa kuwarto at pumasok doon. Ilang sandali lang ay lumabas din siya at may dala-dala siyang balabal na gawa sa balat ng oso. Nilapitan niya ako at nabigla ako nang kaunti nang isinuot niya sa'kin ito.

"Ayos na ba 'yan?" tanong niya.

"Ah, oo. Puwede na 'to."

Mas mainam na ito muna ang isuot ko dahil baka may makakilala sa maskara ko kapag may nakakita sa'kin.

Napakunot naman ang noo ko nang mapansin ko ang pagtitig niya sa'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka ba. . .naiilang sa suot mo?"

Napakunot naman ang noo ko sabay tingin sandali sa sarili ko.

"Anong ibig mong sabihin? Wala namang mali sa suot ko."

Nakaputing bestida lang naman ako na hanggang binti ang haba at wala itong manggas.

"Masyado kasing. . .manipis."

Napabuntonghininga ako nang may ingay. "Wala akong pakialam at wala ka na ring magagawa dahil ito lang ang damit ko."

Napailing na lang si Jerahmiel. "Bahala na nga."

Kinuha niya rin 'yong kulay itim na balabal na nakasabit sa gilid ng pintuan at kanya itong sinuot.

"Tara na," aya niya sa'kin pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng cabin.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon