Chapter 25: The Other Side.2

11.2K 115 7
                                    

Dedicate sa anak ko

25

Kaisipan ni Myca

"Aalis na nga pala ako sa Saturday." sabi bigla ni Aldrin.

"Huh? Ang bilis naman, Thursday na ngayon eh." malungkot kong sabi.

"Okay lang yun, babalik ako sa summer." sabi niya. "May two days pa naman eh, ienjoy na lang natin yung natitirang oras."

"Mamimiss talaga kita." sabi ko.

"Haha, ako rin naman eh." nakangiting wika niya.

"Tara punta tayo sa mall." sabi niya, tumango ako at sumama sa kanya.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagtungo sa mall.

Naglakad lakad muna kami at bumili ng ice cream pagkarating namin dun.
Pagkatapos ay pumunta kami sa department store, tapos naghanap kami ng mga damit.

"Ito oh, para partner tayo." sabi niya, at kinuha yung damit na pang couple. Napailing na lang ako.

"Tara, bilihin na natin to." sabi niya.

"Nakakahiya Aldrin." sabi ko sa kanya.

"Anong nakakahiya? Tsss paninindingan na natin ang pagiging tayo natin para mas magselos yung Jake na yun haha." tumatawa niyang sabi kaya mas lalo akong napa-iling. Baliw rin talaga to eh.

"Sige." napapayag niya rin ako di kalaunan, wala rin namang masama sa ginagawa namin eh.

Pagkatapos naming bumili ng damit, kumain muna kami ng lunch at umuwi na rin.

"Isuot mo yan bukas ah." sabi niya.

"Oo na nga." sagot ko. Ilang beses na niya yang sinabi eh.

Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Anak may bisita ka." sabi sakin ni mommy.

"Sino po mommy?"

"Hello Myca." bati niya sakin.

"Jake, anong ginagawa mo dito?"  gulat na tanong ko.

"Gusto lang kitang makita." nakangiting sabi niya. Waah wag kang ngumiti!! Nagwawala na naman puso ko eh.

"Bakit?" tanong ko.

"Tara, labas tayo." sabi niya bigla.

"Huh? Eh kakagaling ko ....." hindi niya ako pinatapos.

"Punta tayo sa park. Malapit lang naman yun dito eh." sabi niya.

I sighed at sumama na lang din sa kanya.

Naglakad na kami papunta doon.

Pagdating namin dun, umupo lang kami.

Wala kaming ginagawa, hindi nga kami nag-uusap eh.

"Kayo na ba talaga?" biglang tanong niya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Wag mo na lang pansinin yung tanong ko, kalimutan mo na nga lang yun." sabi niya. "Hatid na kita."

Hindi ako sumagot. Just great, dinala niya ako dito tapos iuuwi kaagad. Pinagod pa ako ng lalaking to eh. Tsk tsk.

Nang dumating na kami sa bahay ay agad akong pumasok sa loob pagkatapos kong magpaalam kay Jake.

Even Though [Exo-K's Sehun] {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon