Chapter 11

26 3 0
                                    

Dahil sa success ng concert, naghanda ng celebratory dinner ang ShowBT para sa SB19. Bilang guest ng concert ay invited din si Sassy. Thankful ang mahalima sa mga nangyayari sa kanila, seems that their hardwork are really paying off now.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan rin sila, siyempre hindi mawawala ang mga kwelang pakulo ni Stell. Sinasabayan rin ng bihirang kulit ni Pablo at parang batang asta ni Ken. Si Josh naman ay sa iba nakatuon ang atensyon. Hindi yo'n nakatakas kay Justin.

Magkakasama kasi silang anim sa iisang table. Paminsan-minsyang nakikitawa lang si Sassy at hindi na sumasali sa usapan, hindi alintana ang mga matang nakatutuk sa kaniya kanina pa.

"Josh, baka matunaw." Kunwaring bulong ni Ken pero rinig naman ng mga kasama.

Naconscious tuloy si Sassy nang mapansing sa kaniya na nakatutok ang atensyon ng mga tao. Inabutan naman siya ng juice ni Justin na halos kaharap niya lang.

"Ay hindi nagpapatalo." Komento naman ni Pablo.

Hindi na tuloy nakapagpasalamat si Sassy at baka tuksuhin na naman sila. Pero hindi niya maitatanggi sa sarili ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa simple gesture na ginawa ni Justin.

"Salamat sa pag-grab ng spotlight sa'kin. Langgamin sana kayo." Pabirong tampo ni Stell.

"Masama bang iappreciate ang magandang view?" Bolang pagdadahilan ni Josh.

That earned yells of cheers from the "audience".

"Wala kang rebut, Jah?" Biro ni Stell kay Justin.

"Magkalaban ba kami?" Tanong naman ni Jah at halatang walang gana sa biruan. Mukhang sinapian na naman ang pureboy. Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain at hindi na ulit tumingin kay Sassy o sa mga kasama nila.

"Hoy, walang ganon." Wala pa man ay parang nang-aawat na si Pablo bilang leader ng grupo.

"Stop it, guys. It's no fun." Pigil din ni Sassy sa namumuong tensyon sa paligid nila.

Sa totoo niyan ay nalungkot siya sa inaasta na naman ni Justin, akala niya ay okay na sila. Mukhang hindi naman pala.

"Si Ken kasi eh." Paninisi ni Stell.

"Anong ako?" Painosenteng reklamo ni Ken. Palibhasa ay palaging pinagbibigyan.

Buti na lang ay tumigil na sila hanggang matapos kumain. Nabaling kasi sa ibang topic ang usapan. Napag-usapan nila ang concert experience, kung gaano sila kasaya at thankful dahil sa A'tin at sa lahat ng naging parte ng concert.

May mga inihada rin palang alcoholic drinks ang staff para sa kanila. Kahit ang iba ay hindi naman sanay uminom ay sumubok dahil minsan lang naman silang magcelebrate ng ganito.

Tuloy ang saya ng gabi nang naisipan pa nilang mag-enjoy sa lively music na parang nasa club lang, kahit nasa building lang naman talaga sila ng ShowBT.

Mukhang nasanay na rin si Sassy na makipaghalubilo sa mga kasama at nakisabay na sa kanila. Nagstay naman si Justin sa table nila kanina dahil wala pa rin siya sa mood. Hindi rin siya umiinom dahil allergic siya sa alcoholic drinks.

"Sure ka lang, okay ka ha?" Pangangamusta ni Josh sa kaniya at parang nagbibilang pa ito kung ilang beses nang lumagok si Sassy ng vodka.

"No biggie. Para ka namang bodyguard kung makabantay." Sagot naman ni Sassy sa kaniya.

"Baka magalit pa sa'min management mo eh." Pagpapaalala ni Josh.

"Hindi 'yan." Tanggi ni Sassy.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now