KINABUKASAN pagkagising ko, wala na sa tabi ko si Hideo. Yakap-yakap ko na rin ang unan niya. I barely moved and stretched. Nang dumako ang paningin ko sa labas ng bintana, mataas na rin ang sikat ng araw, but I’m not sure what time is it. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni habang nakatitig sa kisame. Inaalala ko ang nangyari kagabi habang nasa dalampasigan kami ni Hideo. Hanggang ngayon, parang nararamdaman ko pa rin ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ko. Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ko ang sinabi niyang mag d-date raw kami mamaya. Pero hindi pa ako sigurado kung anong oras. Basta ang alam ko lang at sigurado ako ngayon, I’m too excited. Ito ang magiging first date namin.
I bit my lower lip and smiled wider. Nagdesisyon na rin akong bumangon sa kama ko at naglakad papunta sa banyo. Habang nakatayo ako sa tapat ng lababo, I was staring at myself. God! Parang malayo na ang hitsura ko ngayon sa hitsura ko dati bago ako mapunta rito sa isla. My hair is messy. I look pale. Ilang araw na ako rito sa isla ni Hideo, pero hindi pa ako ganoon na nakakalabas sa umaga kaya hindi ako makapagpa-araw. Hideo and I have a date later so I have to be beautiful. Pero paano ko naman gagawin ’yon? E, wala naman akong make up dito. Wala rin akong mapili na damit na puwedeng isuot mamaya. I let out a deep sigh and picked up my toothbrush. Bahala na nga mamaya.
Lumabas na rin ako ng kuwarto ko. Nasa itaas pa ako ng hagdan nang mapangiti ako ng malapad nang makita ko si Ulap na nasa sala.
“Hi!” bati ko rito habang pababa na ako sa mataas na hagdan.
Lumingon naman ito sa direksyon ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Why? Kung tumitig ito sa akin para namang ito ang unang beses na makita ako nito. O baka nagtataka lang ito kung bakit bumaba ako ngayon sa sala e, samantalang narito si Hideo.
“H-hi!” bati rin nito sa akin.
“Wow! Mas bagay sa ’yo ang bagong gupit mo ngayon,” sabi ko nang mapansin kong medyo umiksi ang buhok nito. “And, mas guwapo ka pala kapag wala kang balbas sa mukha.” Dagdag ko pa habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
“Thanks!” tipid na sabi nito.
Mayamaya ay unti-unting naglaho ang ngiti ko habang seryoso pa ring nakatitig sa akin si Ulap. Opps! Nag-feeling close naman kasi agad ako sa kaniya. Hindi porket nagkausap na kami noong isang araw at pinayagan ako nitong lumabas ng bahay habang wala si Hideo, ay magkaibigan na agad kami.
“S-sorry!” sabi ko na lang at nagbaba ng tingin.
“Here’s the files you need.”
Muli akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Hideo. Galing ata siya sa opisina niya at may bitbit siyang brown envelop. Iniabot niya iyon kay Ulap.
“Ikaw na ang bahala riyan. Ikaw na rin ang kumausap sa mga tauhan natin sa warehouse.”
“How about you? Akala ko ikaw ang pupunta mamayang gabi para kausapin ang mga tao natin doon?”
Napatingin ako muli kay Hideo nang marinig ko ang sinabi ni Ulap. May lakad pala siya mamayang gabi e! So, that means, hindi matutuloy ang date namin?
“I can’t go there tonight.”
“Why?”
“I have something important to do tonight.”
Napatitig ako sa mukha ni Hideo nang sabihin niya iyon kay Ulap. Nang magbaling ako ng tingin kay Ulap, nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito.
“Where are you going?”
Hindi agad sumagot si Hideo, sa halip ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at binalingan ako ng tingin. “Just do your job,” nang muli niyang tingnan si Ulap pagkatapos ay naglakad palapit sa sofa at doon umupo. Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng center table ay may kinalikot doon. “Go on! Ibigay mo na lang sa ’kin bukas ang mga files na hinihingi ko sa ’yo.”
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romans"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...