Summer's p.o.v
Weeks have passed.... Palagi akong nandito sa tinutuluyan ni Almirah.
Ang paalam ko kina Dad ay magbabakasyon lang ako.
Sa loob ng ilang linggo, inaalagaan ko lang si Almirah.
I knew she needed me kaya hindi ko siya iiwan. Naging mabuti na rin naman ang lagay niya. Nakakapaglakad lakad na siya ng hindi nahihilo o natutumba.
Pero madalas pa rin siyang walang kibo at tulala.
Kinakausap niya naman ako pero hindi ganun kahaba tulad ng dati.
She doesn't even touch me or do anything to me.
Siguro dala na ng guilt niya. But I understand that. Basta nandito lang ako, hindi ko siya iiwan.
"Maliligo ka na ba?"
I asked her as she stood near the balcony. Kanina pa kasi siya sa labas at kakapasok niya pa lang kanina.
Tumango lamang siya saka nag proceed sa banyo.
Ako naman ay kumuha ng towel at damit niya na binili ko dahil wala nga siyang damit nung dumating siya rito.
Usually, hinahanda ko na lang dito sa labas yung mga gamit niya kaso nakalimutan niya ata yung towel.
Kaya kumatok ako sa pinto at naghintay ng tugon.
"Bukas yan."
Mahinang sambit niya mula sa loob.
Napalunok ako ng wala sa oras nang bumungad sa akin si Almirah na nasa loob ng bathtub.
Wala siyang saplot at nakapikit habang nakasandal ang ulo niya.
Hindi ko naman kita ang lahat okay? Kasi natatakpan na yung ng tubig at bula.
Nakakatulala lang talaga yung ganda niya.
Naikagat ko ang labi ko habang nakatitig sa kanya.
Ano ba yan Summer -_-"
Di ba pwedeng ipagpaliban yang kamanyakan mo?
Nagulat ako nang dumilat siya at sinalubong ang titig ko.
Kita ko rin ang pagkagat niya sa kanyang labi saka namumulang umiwas at nilubong ang sarili hanggang sa kanyang baba.
Para siyang bata na nahihiyang tinago ang sarili.
Ang sarap niyang pisilin sa mukha.
"S-Sorry Mirah... Di ko napigilan .... Uhm here kunin mo na lang tong towel dito."
Sabi ko saka sinabit nga yun sa may sink.
Kaagad na akong lumabas saka napapahid ng pawis sa mukha.
Feeling ko ang init pero ang lamig naman ngayon. Hay naku! Almirah kasi eh.
Paglabas ko nagulat ako sa pagsalubong sakin ni Limery.
"Oh? Ba't namumula ka?"
Tanong niya saka ako umiwas at tumungo na lang sa balkonahe.
"May nangyari ba?"
She asked while walking behind me.
"Urgh.... Wala, I think I'm going crazy."
Sabi ko.
"Si Almirah ba?"
"Who else? Siya lang naman gumugulo sakin ng ganito."
Sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."