"Gusto kita."
Sabi ko. Pero nanatili lamang siyang nakatingin sa ibang direksiyon.Matagal ko na siyang gusto pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Graduating na kase kami at alam kong baka di na kami magkita sa kolehiyo.
"So? That's it? You pulled me here just to say that? Tss."
Sabi niya sa isang malamig na tono.Ni isang sulyap di niya ako binigyan. Bigla nalang siyang tumalikod at iniwan ako.
Hays. Alam nyo yon? Ang saket eh. Sobrang nakakahiya din yon.
Naiwan akong tulala. Ewan ko ba, nagsimula lang naman sa paghanga to eh. Sinubukan kong umiwas pero di ko kaya. Pag ako naman umiiwas siya naman yung lalapit. Mas lalo lang din lumalalim ang paghanga ko sa kanya. Kaya sabi ko sa sarili ko na hayaan ko nalang muna si hearty tumibok kahit parang gusto niya nang tumalon pag malapit siya kaya ayun ilang beses akong nagdalawang isip magtapatsa kanya noon pero--
"Hey, Cha! Wala ka nanaman sa iyong sarili. Atsaka Where's Harvey? Siya tong nagtext sakin na sabay namin tong sasabihin sayo tapos wala siya? ... Hey! Are you listening to me? ." Sabi ni Julia Bestfriend ko. Actually kaming tatlo ni Harvey talaga. Ewan ko ba kung nasaan na naman yon.
"Ha? Ah, O-Oo s-syempre naman. S-sige tuloy mo na yung sinasabi mo."
Sagot ko. Damn, nauutal pa ko. Lintek na alaala naaalala ko nanaman. Tss."Okay. So I was saying, may reunion daw tayo! Nag text sakin si Harvey! Nagkita daw sila ni Selene na siyang mag o-organize ng party. Ano? Game? Punpunta ba tayo?." Sabi nya sa isang excited na tono.
Bigla akong natahimik damn it. Naalala ko nanaman. Damn, memories.
"Cha, I'm sorry. Naalala mo nanaman ba? Sorry talaga. Alam mo namang pinaka masayang batch yon natin diba? Kaya nae-excite ako. Although di ko sure kung excited ka sa itsura mong yan." Sabi nya ulit. Nang naramdaman na di ako nakasagot agad.
"No, Don't worry. I'm okay. Pupunta tayo. Ano ka ba, ilang taon na ang nakalipas." Sabi ko sa medyo masiglang tono para di na sya mabahala.
"Pero, Chanel. Seryoso ako. Di naman naten kelangan pumunta may next time pa naman. Kainis din kase yung lalaking yon!." Sagot nya. Tss. Lagot. Naiinis on yan.
"Julia, I said pupunta tayo. Okay lang ako. Bahala na." Sagot ko na final at wala nang idudugtong pa.
BINABASA MO ANG
Why Can't You Love Me Back?
Teen FictionLahat ay may layang magmahal ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay natutugunan. Paano kung magmahal ka ngunit hindi ito masuklian? Itutuloy mo parin ba ito?.