Three (3)

120 4 4
                                    

IRENE BAE TAN


Lumipas ang araw, un na ata ang huli kong natanggap na chat sakanya, I mean kay Madam SDS. Madalas namang active ang status ng messenger niya, pero wala parin.

"Di ka na yata sinusundo ni Jisoo, Rose Ann?" Tanong ko pero nginisian lang ako ng gaga.

"Busy daw sila ngayon sa division. Nagchachat naman kami, minsan videocall din." Tumango ako saka nagpatuloy sa pagtatype sa laptop ko. Kaya siguro hindi nag memessage dahil busy.

"May hinihintay kabang chat o tawag?" Kapag kuway agaw pansing komento ni Yeri at talagang kinalabit pa ako.

"Wala naman." Tipid na sagot pero tumawa lang sila ng pagkalakas-lakas. Mga abno.

"Panay ang tingin mo sa cellphone mo. Hindi ka naman ganyan noon, ngayon lang." Napatigil ako, at sinulpayan si Wendy na nakangisi na ngayon.

"Ung parcel ko kasi, darating na." Palusot ko pero hindi ata bumenta kasi mas lumakas pa ang mapang asar nilang tawa.

"Ichat mo na. Hindi ka namin sasabihan ng child abuse, promise." Gatong pa ni Joy.

"Wala namang ichachat. At wala akong load."

"King inang load yan. Ang lame ng excuse." Simpleng komento ni Jennie pero maski ako ay natawa. Naalala ko, nakaline pala ako.

Nagtuloy pa ang pang aasar nila, at dahil dakilang pikon ako, nanahimik nalang ako sa tabi. Nakikitawa, nakikisabay nalang din ako minsan pero hindi ko maitatangging inaantay ko nga naman talaga ang chat niya. Ang cliché ano?

"Ma'am Tan, pinapapunta ka sa Division Office." Sabi ng isa sa admin staff namin, tapos lahat na ata ng co-teachers ko ay napatingin sakin. Isama mo narin ung mala asong ngitian ng mga tropa ko.

"Ngayon na daw ba, Ma'am? May klase pa kasi ako."

"Ako na magbabantay ng klase mo. Gora kana." Hindi ko na napigilan ang sarili kong irapan sila, saka sila humagalpak ulit ng tawa.

"We gotchu, girl." Gatong pang muli ni Joy. Tsss. Lintik lang ang walang ganti. 😎

"Sabay ka nalang daw sa sasakyan ni Sir Dela Cruz, dun daw kasi ang deretso niya." Tumango ako, bago ko inabot ang bag at phone ko.

"May ginawa kaba? Bat ka pinatawag?" Tanong ni Sir habang bumabiyahe kami. Hindi naman gaano kalayuan ung office lalo na at red plate naman tong sasakyan.

"Wala po Sir. Hindi din po ninyo alam?" Ngayon, kabado bente na talaga ako.

From : BiTCHESSAest'15

Rosé : Ate @renebaebae?

Jennie : bawal magcellphone habang nagtuturo.

Rosé : di kita kausap @jennierubyjane.

Yerimi : napapansin ko lang, magkaaway ba kayo @jennierubhjane @Rosé?

Ligaya : mag ex ata yan sila, beetch!

Seulgi : anong klaseng nickname yan @Ligaya?

Ligaya : so hinahamon mo ako?

Seulgi : sabi ko nga maganda.

Hininto ko na ang pag browse ng nakapag park na kami. Kinakabahan ako na ewan, pero may part naman sakin na okay lang kung magkikita naman kami ni SDS.

Don't get me wrong, ganito talaga ako di mapakali kapag alam kong may nagtatampo or what. Basta.

"Sir mauna na po ako." Tumango lang siya at nagmamadali ding umakyat sa kabilang building, ako naman ay mabagal na kumatok sa main door ng office.

BEYOND ATTACHED ¦ LisRene ¦Where stories live. Discover now