LIBRENG SABAW

186 3 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

(Exclusively written for Kwentong Enteng YouTube channel)

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Emong. Taga-Sorsogon ako noon bago ako nakapag-asawa. Karpintero ang trabaho ko. Hindi kalakihan ang sinasahod pero nakakapagbigay naman ako sa aking mga magulang. Wala naman akong bisyo. Hindi rin ako nag-iinom, at mas lalong hindi rin nambababae.

Nang halos wala nang nagpapatrabaho sa akin noon, napilitan akong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Hanggang sa may magpautang sa akin para makabili ng secondhand na dyip. Maayos pa naman ang kondisyon ng dyip at kaya pang bumyahe nang malayo.

Sa awa ng Diyos, maayos naman ang kita ko roon kaya buwan-buwan pa rin akong nakakabayad ng aking utang para walang masabi iyong pinagkakautangan ko.

Alas-kuwatro ng umaga ako umaalis sa bahay at ang huling byahe ko naman ay alas-syete ng gabi. Ayaw kong magpagabi masyado sa daan dahil may kalayuan pa ang uuwian ko. Mahirap na. Baka ‘yong kinita ko sa maghapong pamamasada ay maging bato pa. Uso rin kasi ang holdapan sa mga jeepney driver. Ewan ko ba kung bakit may mga ganoong klase ng taong ayaw magbanat ng buto.

Madalas na nagiging pasahero ko noon ay si Manang Elsa. Siya ‘yong may-ari ng malaking karinderya sa bayang iyon na madalas tambayan ng mga byahero. Bukas ang karinderya niya mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. Kilala ang karinderya niya sa masasarap nilang ulam at sa libre at unli-sabaw na ibinibigay ni Manang Elsa.

Tumayo ako sa may bukana ng dyip para magtawag ng pasahero.

“Tatlo na lang! Sakay na!”

Ako ang driver at ako rin ang barker sa sarili kong dyip. Nang mapuno na ng pasahero, pinasibad ko na iyon para makarami ng kita.

Kinabukasan, kagaya ng nakagawian, hindi na ako nag-aalmusal sa bahay. Habang naghihintay kasi ng pasahero ay doon na ako kumakain sa karinderya ni Manang Elsa para walang masayang na oras. Mura lang naman ang mga lutong pagkain doon at isa sa gustong-gusto ko ay ang libreng sabaw ni Manang Elsa. Malasa kasi iyon at mukhang hindi tinipid sa rekado. Hindi rin kasi ako mahilig magkape.

“Sabaw pa, Suki?” nakangiti niyang tanong sa akin.

“Eh, kung pwede pa ho,” nahihiya ko namang sabi.

Kung libre, bakit naman ako tatanggi? Masarap kayang humigop ng sabaw lalo na’t masyado pang malamig sa labas kapag alas-kuwatro pa lang ng umaga.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya na may dalang isa pang mangkok ng sabaw. Malapit ko na iyong maubos nang may mapansin ako.

“Ano ‘to?”

Kinutsara ko iyon para matingnan nang mabuti.

Parang hibla ng buhok.

Nakangiwi ko iyong tinanggal mula sa mangkok. Bagama’t may natitira pa ay tila nawalan na ako ng ganang ubusin iyon.

Napatingin ako kay Manang Elsa na panay ang pagkakamot sa ulo habang nagpupunas ng mesa.

“May kalamansi po ba kayo?” tanong no’ng lalaki sa isang mesa.

Napalingon naman sa direksyon ng lalaki si Manang Elsa.

Napansin ko ang bahagyang paglukot ng mukha niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng lalaking customer.

Bakit naman siya magagalit, e, kalamansi lang naman ang hinihingi.

“Wala. Wala kaming kalamansi rito!” masungit na sagot ng matanda.

“Gano’n po ba? Mas masarap kasi itong sabaw ninyo kung may kalamansi at—”

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon