YES, dammit! Georgina just stood there, unable to bat an eye. She was too rigid to even make a twitch. Narinig niyang lahat ang conversation ni Lorenzo at ng kausap nito.
Dinig na dinig niya at malinaw ang binanggit nitong pangalan. Rick Sebastian.
What and why the hell?
Beinte y cuatro oras siyang umiyak sa nalaman tungkol kay Rick mula kay Brianna at sa isang feature article na ipinadala rin sa kanya ng kaibigan bilang patunay. Totoo ang magaganap na renewal of vows nito at ni Bethany. Nakabandera iyon sa entertainment section ng isang entertainment magazine.
She poured her pain out the other night. And the next day as well. Well, a bit of all of it. Hindi madali sa kanyang tanggapin na labis siyang nagpakatanga sa lalaking inakala niyang lubos siyang mahal. Masyado siyang naniwala kay Rick, sa matatamis nitong salita, sa binitiwan nitong pangako. Sukat na isantabi niya ang moralidad at dignidad alang-alang sa maling pagmamahal.
Ngunit sa namagitan sa kanila ni Lorenzo kagabi, waring binura niyon ang lahat ng pait na bumabalot sa kanyang puso. Binura ng matamis nitong "I love you" ang nalalabing yurak sa kanyang dignidad. Nagawa nitong ibalik nang paunti-unti ang liwanag sa kanyang pagkatao. Upang tulungan siyang bumangon sa pusali na kinasadlakan.
Si Lorenzo Javier Montalbo.
Ang lovable, malambing, sweet guy-next-door, literally a guy-next-door, na laging nasa tabi niya upang pangitiin siya. Upang pagandahin ang araw niya sa panahon na lumalabong ang kalungkutan dahil sa pambabalewala sa kanya ni Rick.
Upang mahalin siya.
Na buong akala niyang totoo.
Na ngayon lamang ay nalaman niyang isa rin palang balat-kayo. What a big reveal! Karma was "bitcher" this time.
Hindi pa pala tapos ang kalbaryo niya. Nag-uumpisa pa lang iyon at hindi niya alam kung kaya pa niyang tanggapin ang mga susunod. Ngunit sisiguruhin niyang wala ng kasunod. Sapat na ang maraming beses na hindi niya pinairal ang kanyang utak.
"G-Georgina, listen up, sweetheart." Lumapit sa kanya ang lalaki, ingat ang bawat hakbang. "Ang narinig mo kanina...."
Georgina remained rooted to the spot. But she could not stand strong any longer. Habang tinitingnan niya si Lorenzo, ang gulat nitong mukha, pakiwari niya ay unti-unting pumapanaw ang lakas sa kanyang mga tuhod. Nanlalambot siya. At bago pa man siya tuluyang mabuwal, nadama niya ang matigas na palad ng binata sa magkabila niyang balikat.
"I'll explain everything, Georgina. Please let me explain."
"W-Why?"
She wanted to shed a tear. It was not for Rick anymore. She would not cry her heart out because of the asshole she loved for more than three years. Mas masidhi ang sakit ngayon. Sa ikatlong pagkakataon, pinaglaruan siya ng tadhana. It always came in fucking three's. Sana nga iyon na ang huli.
Una, nang nalaman niya noong may asawa si Rick.
Ikalawa, nang makumpirma niyang pinaniwala lang siya ng lalaki sa kasinungaling siya ang pipiliin nito sa huli.
Ikatlo, nang kasabwatin nito si Lorenzo para sa plano nito. Whatever that plan was.
"Georgina, I'm so sorry. Please, it's not what-"
"Let go of me."
Hindi siya nagpupumiglas. She let the resolve in her voice mean that she wanted not to be touched. Tila nakuryenteng bumitiw si Lorenzo. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. Nakabadha sa mukha ang takot at pagsisisi.
He should be. He fucking should be.
"I'm sorry, Georgina."
Tumango siya. "I'm sorry for me too, Lorenzo. Really. Awang-awa na nga ako sa sarili ko, eh." Pigil ang emosyong saad niya.
BINABASA MO ANG
The Good Mistress
RomanceSa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit...