CHAPTER 26

883 26 4
                                    

“WHAT do you think you are doing?”

Gulat na napalingon ang lalaki nang mula sa likuran nito ay may isang lalaking nagsalita.

Seryoso ang hitsura ni Cloud habang nakatitig sa lalaking nasa gilid ng speedboat at may hawak na telescope. Tinatanaw nito ang kinaroroonan ng yate na kinalululanan nina Hideo at Ysolde.

Bigla namang napalunok ng laway ang lalaki at napaupo sa sahig. “G-guilherme!” nauutal na sambit nito sa pangalan ng binata.

Bigla namang ngumiti ng nakakaloko ang binata. Mayamaya ay tinanaw nito ang yate na may ilang metro din ang layo mula sa speedboat na sinasakyan ng mga ito ngayon. “You are spying my boss,” anito. “Kilala kita, tauhan ka ni Signorelli. At sigurado akong siya ang nag-utos sa ’yo na sundan at tiktikan si Hideo.” Nagpakawala pa ito nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y namaywang habang seryoso na naman ang tingin sa lalaki.

“H-hindi. Walang kinalaman dito si boss—”

“Even if I kill you right now?” biglang hinugot ng binata ang caliber 45 na nakasuksok sa baywang nito. Itinutok nito iyon sa lalaki.

Mas lalo namang napasalampak sa sahig ang lalaki dahil sa labis na pagkagulat at takot nito. Sunod-sunod na napalunok ito ng laway habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin sa baril at sa binata.

“Kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo ngayon o bukas, o sa mga susunod na araw... gagawin mo ang sasabihin ko sa ’yo.”

“A-a-ano?” nauutal at nahihintatakutan pang tanong nito.

“Hindi mo sasabihin sa boss mo kung nasaan naglalagi ang boss ko. Dahil kapag nalaman ni Signorelli kung nasaan si Hideo, you know it’s the end of your life. Nagkakaintindihan ba tayo?” seryoso at mariing saad ni Cloud.

Hindi naman sumagot ang lalaki. Tila nagdadalawang-isip ito kung susundin ba ang mga sinabi ni Cloud. Kung hindi nito sasabihin sa boss nito kung saan naglulungga si Hideo, mananagot ito. Panigurado ang lalaki na may paglalagyan din ito sa boss nito. Pero kung hindi naman nito susundin ang utos ni Guilherme, panigurado rin ito na hindi na ito sisikatan pa ng araw. Kilala nito ang binata. At alam ng lalaki na may isa itong silita.

“Nagkakaintindihan ba tayo bata?” ulit na tanong ni Cloud sa lalaki.

“O-oo. H-hindi ko sasabihin kay boss.”

Bahagyang yumuko si Cloud upang pantayan ang lalaki. Tinitigan ito ng matalim. “I know where to find you.”

“Oo nga. Wala akong sasabihin kay boss.” Kabadong sabi pa nito.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata sa ere ’tsaka ito tumuwid sa pagkakatayo. “Okay! Now, jump.” Utos nito.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Huh?”

“I said jump.”

“Sasakyan ko ’to—”

“Wala akong pakialam. Lumangoy ka.”

“Pero—”

“Tatalon ka o ipuputok ko ang bala ng baril ko sa ulo mo?” tanong nito at muling itinutok sa lalaki ang hawak na baril.

“I-ito na! Tatalon na.”

Pagkatayo pa lamang ng lalaki ay kaagad itong tinadyakan ni Cloud dahilan upang mahulog ito sa dagat. Ngumiti pa ng nakakaloko ang binata at isang beses na pinaputukan ang dagat dahilan upang mas lalong matakot ang lalaki.

“Start swimming. Malayo-layo rin ang lalanguyin mo.” Anito pagkuwa’y tumalikod na at pinaandar ang speedboat.

Magkahalong inis at galit naman ang nararamdaman ng lalaki habang sinusundan nito ng tanaw ang sasakyan nito kanina na ngayon ay natangay na ng binata. Nagtataka pa rin ito kung paanong nakasakay sa speedboat na iyon ang binata gayo’ng wala namang ibang sasakyan doon. Imposible ring lumangoy ang binata para makasakay roon e, samantalang hindi naman ito basa.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon