Ano bang nasa puso mo? Gusto mo ipabukas ko para malaman natin?Minsan may mga nararamdaman tayo na hindi natin maintindihan. Siguro kung nakakasagot lang ang puso natin napagod na yan kaka-explain, baka pa nga sermon. Minsan ang bigat nya na akala mo naman may isang kaban ng bigas, minsan naman akala mo may pakpak kasi ang gaan, pero madalas para lang syang tambay... pa easy easy lang.
Minsan rin dahil sa kanya iiyak ka, hahagulgol na parang wala ng bukas. Minsan rin naman sya yung dahilan ng pag ngiti mo na para ka ng baliw.
Sabi sa isang qoutable qoute, "If you dont know which way to go, it is wise to follow your heart". But not all the time wise to. Minsan ito pa ang dahilan ng sakit na nararamdaman mo, dahil sa pagsunod mo sa puso mo naramdaman mo yung kasiyahan pero di ka naman ininform na hanggang kailan yung saya na yun. Kakasunod mo sa puso mo, yun pala naligaw ka na. Naiba yung mundo mo at nabago ka. Sana yung puso parang sasakyan sa highway, may traffic lights na gabay para makita mo kung "go", "wait" or "stop". Para naman hindi ka dire-diretso kung mamaneho at iwas na rin sa aksidente. Minsan naman kakatingin mo sa diretsong daan na tinatahak mo late mo na nalaman na pagod ka na kaka-drive ng walang patid. Napagod ka na nga, hindi ka pa nakarating sa pupuntahan mo. Kasi kailangan mo naman pala talagang lumiko pero di mo nagawa. Nasa daan ka lang, nasa gitna ng lahat, hanggang maguluhan ka na at hindi na talaga makarating sa paroroonan.
Maliit lang na bahagi ng katawan ng tao ang puso, pero malaki ang ginagampanan nito para manatiling buhay. Sana nga lahat na lang katulad ng puso, hanggang tumitibok ito may buhay pa at sa huling tibok nito, dun lang matatapos ang lahat.
-mtrr
ⓓⓐⓣⓔ 04.29.15
BINABASA MO ANG
Puso
RomancePag nakakita ka o nakarinig ng puso pagmamahal agad ang nasa isip mo? di ba?