First and Last?

44 1 0
                                    


Sabi nila "first love never dies, but true love can bury it alive". Totoo naman, pero pa'no kung ang first love at true love mo ay tingin mo iisa?

Masaya magmahal lalo na kung first love to. Magugulat ka na lang kasi yung mga napapanood mo sa mga movies totoo pala, yung hihinto yung oras sa moment na nakita mo sya, yung ngiti nya magpapaliwanag sa araw mo, yung boses at tawa nya yung pinakamagandang narinig mo, in short yung sya mismo nagpapasaya sa buhay mo. Nakilala mo sya, minahal mo lahat ng sa kanya. Natanggap mo lahat at kaya mong gawin lahat para sa kanya. Umikot buhay mo sa kanya for the longest time. Nagtiwala ka at nagmahal ka ng totoo. At lahat rin naman yun naibalik sayo. Masaya magmahal, parang naiiba yung mundo mo at lalong nagkakakulay.

Pero hindi lahat ng relasyon, napupunta sa forever. "First & last love", sarap sana pakinggan pero mahirap magawa. Napaka-ideal kasi nun kung iisipin mo. Gustuhin mo man, pwedeng hindi mo rin makuha. Magmahal ka man ng totoo, pwede ka pa ring masaktan. Wala namang assurance lahat, pag pinili mo ang isang bagay may isang daang pagkakataon ka na tinanggihan. Gaano ka man katalino, hindi mo pa rin maiisip ano bang mangyayari sayo. Oo, may free will tayo, pero yung tadhana natin nakasulat na sa libro ni God. Yung love story natin tapos na naman talagang iplano ni God. Yung taong nakalaan satin nasa tabi tabi lang naman talaga, maaaring nakilala natin pero pinalagpas lang, nakilala natin at pinanindigan o hindi pa talaga natin nakikilala, nasa future pa.

Hindi lahat ng relasyon masaya, kaya wag kang umasa na forever happy lang, pero ang kinaganda ng relasyong totoo... kahit gaano man kahirap ang sitwasyon, umiyak man kayong pareho kung talagang mahal nyo ang isat isa lahat malalagpasan nyo ng magkahawak kamay.

Siguro nga sya nga first love mo... pero hindi ang truelove/forever mo. Minsan kasi, nadadala lang tayo sa idea na sya na kasi nga ramdam mo sa puso mo na mahal na mahal mo sya. At saka mo maiisip na baka sya yung taong nilaan ni God para makita mo yung true love mo. Pwedeng sya rin yung ginawang instrumento para maging malakas ka para pag dating ng taong magpapatunay sayo na may forever, handang handa ka na.

Okay lang naman masaktan, gano man kasakit yun kasi nga first time mo na inlove at na heartbroken. Alam mo namang naging masaya ka sa relasyon na yun at natuto ka. Tingin mo ba kung hindi nangyari lahat ng yun, ganito ka katibay ngayon? Yung taong minahal mo, blessing yan from God. Kasi hindi Nya ipapahiram sayo kung alam Nyang hindi mo kayang ihandle at walang maidudulot na maganda sa buhay mo. Kung nasaktan ka man ng sobra, give your heart a break. Lahat ng nawala sayo, ibalik mo sa sarili mo. Kung tingin mo, kulang ka na... punan mo. Mahalin mo muna ang sarili mo, buuin mo muna sarili mo. Kasi hindi mo magagawang magbigay ng pagmamahal kung ikaw mismo kulang o wala.

Pwedeng sya yung first and last love mo... pwede rin namang hindi. Depende na lang sa mangyayari sa future. Hindi mo hawak ang oras, wala kang mata sa kinabukasan para makita lahat. Kaya mabuhay ka sa ngayon, enjoyin mo yung moment... mag last man to o hindi. Alisin mo lahat ng negatives na nararamdaman mo at maging positive lang. Maniwala ka lang at magtiwala sa magic ng love.

-mtrr
ⓓⓐⓣⓔ 05.02.15

"Hon"

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon