Chapter 6

2K 45 6
                                    

Chapter 6

"Anything?"
He smirked.

"Anything that's not against my reputation" I said. He laughed. Umiwas ako ng tingin dahil natutulala na nanaman ako sa muka nya. Hindi pwede.

"Why would I invest in your company?" He ask.

"Not just dad ask you to do so, I want to do what my dad's said. I know he has a plan. I know you are too," I said.
Alam kong hindi basta-basta lalapit si dad sa lalaking ito. Matapos ang ginawa nya sakin kahit na kasalanan ko 'yun.

"I will think about it"
He said and continue reading some papers. Umaangat nanaman ang dugo sa ulo ko.

"Fine then I'll take my leave-"

"Sir si ma'am Xien po"
Sabi nong babae kanina habang hawak ang telepono. Nakita ko naman ang paglingon ni Akiro saakin. Akala nya ba apektado pa rin ako. No way.

"Tell her I will be there in a hour"
Seryosong sabi ni Akiro. Hindi na ako lumingon sa kanya at dare-daretso na lang na umalis. Huminga ako ng maluwag bago pumasok sa elevator.
I guess sila pa rin hanggang ngayon.
I would finally say that leaving him is worth it.......for them.

"Naya!"
I greeted her as soon as I entered the café. She greeted me back.

"Buti napadalaw ka!"
Masayang sabi nya.

"Namiss ko kasi bigla 'yung blueberry cheesecake eh" sabi ko. Tumawa naman sya at umiling.

"Kahit 2 taon na hindi ko parin makuha 'yung timpla mo mas masarap kasi yung sayo eh"

Binigyan nya ako ng isang slice nito. Masarap nga. Masasabi kong pinagaralan nya talaga.

"Hindi ko talaga makuha 'yung timpla mo eh" natawa naman ako sa sinabi nya.

"With practice makukuha mo rin 'yun" sabi nya nasa school pa daw ang anak nya. Binigyan nya rin ako ng Isang buong cake nito para daw maipatikim mo kila mom and dad.

Dumaan muna ako kila mom and dad at binigay sa kanila ang cake tsaka ako dumaretso sa condo para magbihis ngayon na kasi 'yung pa-party ni Sierra. She's finally going to settle down. I mean we're already 26 some of them are finally settling down, some has a kid, some is starting to build their own family but me...I don't know kung anong mangyayari.

Nagsuot na lang ako ng yellow dress with bikini inside it. Sabi kasi ni Sierra pool party na lang daw ang gusto nya. Ewan ko na 'don. I curled my hair at hinayaan itong lumugay Hanggang bewang ko.

I drove there and I hear not so loud music. Nakikita ko na rin ang ibang mga Ilaw. Huminga ako ng malalim. 2 years na rin akong hindi nakapunta sa mga ganito.

"Oh my gosh!, Piatrice!"
Sierra greeted me in her high pitched voice.

"You look beautiful"
Puri nya at sinuri ang kabuuan ko. Muka naman akong walang pakialam dahil nalingon-lingon lang ako sa paligid. Doon ko nakita si Akiro with his friends and si Xien. Hindi pwedeng mawala sila dahil kaibigan din sila ni Klirton.

"Hey guys, remember Isabella?"
Sabi ni Sierra habang nakahawak sa bewang ko.

"Yeah, we already know her, hi I'm Klirton, Sierra's fiance" seryoso ngunit nabobosesan ko ang maloko nitong personalidad.

"Hi."

"Cyvin"
Sabi na lang 'nong isang muka seryoso rin. Kasunod naman na nagpakilala ay si Apollo kasunod ay si Zion, Hellion. Pinagtataka ko ay kung bakit masyado yatang malayo si Xien kay Akiro kung dati naman ay halos hindi sila mapaglayo.

"Huy gago ka Zion!, Sabi ko hanapin mo si Sari lagot ka kay Apollo, hanapin mo na!" Rinig kong sabi ni Klirton.

"Ano ka gold?, Hayaan mong mabaliw si Apollo kakahanap 'don hindi naman ako ang may kasalanan" masungit na sabi ni Zion. Teka si Sari. Nasan na nga ba 'yun.

Uminom na lang ako ng ladies drink at umayos ng upo. Kanina pa kasi ako naiilang sa nakakabwesit na pasulyap-sulyap ni Akiro. Hindi ba sya nahuhuli ni Xien.

"Akiro..magbabanyo lang daw si Xien" rinig kong sabi ng Isang babae na katabi ni Apollo ngayon. Kaibigan yata ni Xien. Tumingin naman ako kay Akiro na tumango kay Xien.

"HO! PARTY!"
nanalaki ang mga mata ko ng makita ko si Sierra na ginigilingan ang kanyang mapapangasawa. Nakahawak naman si Klirton sa bewang nito. Ang wild.

"Huy gago Sari ano ba!?, Tama na yan!" Napalingon naman ako sa gawi ni Zion na pinipigilan si Sari na uminom ng mga hard drinks.

Ano bang nangyayari sa dalawang ito?

I excused myself para magcr. Naboboring na rin naman ako 'don. Wala akong ginagawa. Nakakainis dapat pala hindi na lang ko nagpunta.
Matapos kong magfreshen up lumabas na ako.

"Hi babe"
Nakunot naman ang noo ko ng may sumulpot na lalaki sa harap ko.

"Oh my god you must be kidding!"
Iritang sabi ko at umiwas para makadaan.

"Suplada mo ah-"

"Suplada ako sa mga taong hindi ko gusto" seryosong sabi ko.

"Abat!-"

"Is there a problem?"
Nanindig naman ang balahibo ng ng marinig ko ang baritanong boses na iyon sa likodan ko. Naamoy ko rin ang pamilyar nyang pabango.

"Akiro!, ahh Wala bro naguusap lang kami" I rolled my eyes.

"Leave."
Malamig na sabi ni Akiro. Agad namang umalis yung lalaki ngayon hindi ko tuloy alam ang gagawin ko dito.

A moment of silence. Hinihintay ko lang na umalis sya dahil nararamdaman ko pa rin ang presensya nya sa likod.

"I'm done Akiro,"
Napatigil naman ako ng marinig ko ang boses ni Xien. Kalalabas nya rin sa Cr na pinanggalingan ko kanina. Nasa loob rin pala sya. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko ngayon.

Nagulat naman si Xien ng makita ako. Tumingin pa sya kay Akiro na nasa likodan ko rin ngayon. Hinihintay nya pa si Xien kaya sya nandito.



______________________________________

:)

Officially Unmarried Where stories live. Discover now