X14: Coming Back Home

61 2 0
                                    

X14: Coming Back Home

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X14: Coming Back Home

LV*

Magda-dalawang linggo nang hindi pumapasok si Nessie sa klase at medyo naba-bother na ako.

Ang sabi nila magsi-celebrate lang sila ng birthday ng Papa nila sa Japan, pero nung tinanong ko si Ate kung bakit wala pa sina Nessie ay hindi ako sinagot ni Ate.

Nagpunta ako sa kanila pero walang tao at walang sumasagot.

Tinanong ko si CL kung may alam siya, pero gaya ko ay wala rin siyang ibang alam.

Hindi rin nagrereply o kahit seen man lang si Nessie sa message ko sa kanya.

This leaves me with no other choice.

Arliza.

Bago pa siya makalabas ng room ay hinarangan na namin siya.

"Ano na naman ba to? Akala ko ba okay na tayong lahat?" may bahid ng inis na tanong sa min ni Arliza.

"Nasan na si Nessie? Magda-dalawang linggo na siyang hindi pumapasok." diretsong tanong ko sa kanya.

"Okay lang ba siya?" tanong naman ni CL.

Napabuntong-hininga si Arliza then she looked me straight in the eyes, then at CL.

"May nangyari kay Kuya Neon sa Japan, yun lang ang pupwede kong sabihin sa inyo." sagot niya.

May nangyari kay King?

"What do you mean may nangyari kay King?" usyoso ni Ice.

Napa-irap si Arliza saka ay pinandilatan ng mata si Ice.

"Secret nga di ba? Bingi ka ba brad?" aniya.

Ano namang koneksyon ng nangyari kay King sa hindi pag-pasok ni Nessie?

"Then why is she not back yet? Di ba kasali siya dapat nun sa Battle of the Bands last Tuesday? Bakit wala siya?" tanong ko ulit.

Malungkot na tiningnan ako ni Arliza. Napansin kong medyo namumula ang mga mata niya na para bang...

"Hindi pwedeng iwan ni Nessie ang Kuya niya doon. As for what reasons, secret. Walang clue." mariing sagot niya.

Napatango ako.

"Okay, okay. So kelan sila uuwi?" tanong ko ulit.

"Kapag okay na ang lahat.Teka, ba't andami mong tanong? Anong meron?" kunot-noo niyang tanong.

I gulped and pursed my lips.

"Nothing." maikli kong sagot.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Arliza na para bang kini-kwestiyon niya ang buo kong pagkatao.

"Wag mo kong ma-nothing nothing Louis Vuitton. Alam kong nagpunta kayong Japan." aniya. "Were you stalking Nessie?"

"No!" mabilis kong sagot.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon