Kabanata 5

156 15 0
                                    

"BAKIT SIYA LANG?!"

"PALABASIN MO NA KAMI DITONG DEMONYO KA!"

Nagkaroon ng kaguluhan nang marinig ng lahat ang sinabi ng pumapatay na palalayain na si Kyle.

Di niya akalain na gagawin to ng pumapatay. Hindi lang naman siya ang utak sa likod na pagresolba nitong problema pero bakit siya ang pinili?

"Manahimik nga kayo, mga tanga!" Sigaw ni Nicole na siyang nagpatahimik sa lahat.

"Sa tingin niyo ba palalayain talaga siya? Ang kikitid talaga ng mga utak niyo eh," Nakangising sabi nito at umiling.

"Nagsabi siya ng eksaktong lugar at oras, Nicole," saad ni Jeff. "Mukhang palalayain niya nga si Kyle."

Napakuyom ang kamao ni Nicole. Di maaari ito, di pwedeng makalabas lang yung babaeng yun ng ganoon kadali.

Bumuntong-hininga si Nicole. Pilit iniisip ang mga pwedeng mangyari pagsapit ng gabi at lumubog na ang araw.

"Kailangan nating magplano. Tara sa multi-purpose hall," pangunguna ni Jeff sa lahat.

Agad na lumisan ang mga estudyante sa gate at pumasok sa multipurpose hall sa pangunguna ni Jeff.

Di maiwasan makatanggap ng matatalim at masasamang tingin si Kyle. Di pa rin nila mapasok sa kokote nila na makakalaya ang babaeng to.

Nang makapasok na sila, di maiwasang magtanong ni Ella.

"Sigurado ka bang ligtas tayo dito? Baka mamaya marinig lang ng killer ang pag-uusapan natin," tanong nito.

Nagsitanguan lamang ang lahat. Nagulat na lamang sila ng lumabas sa kung saan si Candace, ang nawala sa katinuang estudyante.

Hila-hila nito ang walang-buhay na katawan ng kasintahan. Si Richard.

"Halika ka na, Bimby. Umalis na tayo dito. Nandito ang tenga at mata ng demonyo. Kailangan nating umalis. Tara!"

Kumakanta pa ito habnag hila ang bangkay sa bandang leeg.

"Si-no nga ba ang pu-ma-pa-tay? Siya ba? Oo! Hihihih"

Walang tinuro si Candace sa mga nagkukumpulang estudyante pero di nila maiwasang magtinginan sa bawat isa.

Nagpakawala ng isang malakas ng iyak ang baliw na estudyante. "WALANG HIYA KA! PATI SI BIMBY DINAMAY MO!" Sa harap ng lahat, kita nila ang katawan ni Bimby na naaagnas na idikasyon na matagal na itong patay.

Lumabas ng hall si Candace habang hila si Richard o ayon nga sa kanya ay Bimby.

Nag-iyakan ang mga kababaihan. Ito kasi ang hinahangaan nilang first year na hindi lang gwapo ay malakas pa ang dating kahit sa anong year level.

Pinakalma sila ni Jeff. Inutusan nito ang mga kayear level na asikasuhin ang mga nakababata.

Wala na silang ibang masasandalan kung hindi ang isa't-isa. Dahil simula ngayon, isa na silang pamilya na handang umalalay sa bawat miyembro.

"Walang lalabas dito. Kailangan lang nating hinaan ang mga boses natin para hindi niya marinig," sabi niya sa mahina ngunit maririnig ng lahat na tono. Nagsimula naman silang kumalma.

Nang humupa na ang tensyon ay nagsimula ng pagusapan ng tungkol sa paglaya ng mamamatay tao kay Kyle.

"Papaalisin talaga natin siya?" Maraming di nagugustuhan ang takbo ng paguusap. Malamang dahil sa kahit anong anggulo nila tingnan makakalabas at makakalabas talaga si Kyle.

"Bat di natin siya gawing pain?" Suhestiyon ng isang 4th year na ikinalingon ng lahat. "Imposibleng di siya magpakita ng personal sa babaeng yan. Sa gayon, pwede natin siyang patumbahin. Iisa lang siya, marami tayo." Pinagisipan ni Jeff ng mabuti ang plano ng kamag-aral niya. Lahat sila makikinabang kung ganoon ang magiging takbo ng kwento.

The Truth about our ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon