Mataliens

2K 28 9
                                    

"Call all the mataliens immediately Commander." sinabi iyon ng Queen nila sa Mato Planet. 

Makalipas ang limang minuto napuno na ang 'palasyo' ng Mato Planet dahil silang lahat ay ipinatawag ng kanilang Queen. Siya ang pinaka-malakas sa buong planeta na ito,siya rin ay may kakayahan na alisin ang mga alaala mo.

"Maraming salamat sa inyong pagpunta. Mayroon lang akong gustong sabihin sa inyong lahat mga mataliens,may mga misyon kayo na gagawin--"

"Huy! amin na nga yan ehh!" napatigil naman sa pagsasalita ang kanilang Queen dahil sa malakas na sigaw ng isang matalien. Napukaw naman sila ng attensyon kaya naman tumahimik ito at nag-smile na lamang.

"M4 and M5,si Queen ay may sinasabi. Makinig kayo upang maintindihan ninyo!" sigaw naman ni Commander na nasa kanan ni Queen. Si commander ay pangalawa sa pinaka-malakas sa Mato Planet,siya rin ang nag-silbing tagapag-train ng mga mataliens para sa oras na kapag may mang-aangkin ng kanilang planeta. Lagi rin silang handa sa kahit anumang bagay

"*ehem* sinasabi ko nga ulit na may misyon kayo. Ugali na natin na tuwing ika-blue moon ng ating planeta ay nagpapadala tayo ng mga 'guardians' sa planetang Earth para sa isang napaka-swerte na babae upang bantayan sila.Iiwanan niyo sila kapag sa loob ng isang month ay hindi nyo siya nagustuhan at ayaw niya rin sainyo,makakapag-stay naman kayo sakanila kapag sa isang buwan ay gusto niyo ang isa't isa. Ginagawa natin ito dahil ito ay nagpapakita kung gaano tayo nagpapasalamat sa Planetang earth sa pinag-tanggol nila ang ating planeta dati." Totoo ang sinasabi ni Queen. Sila ay nagpapadala ng mga 6 na mataliens sa planetang Earth upang maging guardians sila. Bawat blue moon ay may isang swerteng babae na pipiliin ni Queen upang banatayan ng kanyang mataliens.

"Queen sino po ba ang inyong pipiliin sa libo-libong mataliens na nandito?" bulong ni Commander kay Queen na nakatingin sa mataliens niya.

"Ang pipiliin ko ang mga 'warriors' na group ng mga mataliens. Alam kong sa 6 na mataliens ay iba't iba man ang ugali pero may tinatagong care para sa ibang mataliens nila at alam kong magiging okay sila sa pagpapadala natin sakanila sa planetang Earth." pagsagot sa bulong ni Queen kay commander.

Sa Mato planet kasi libo-libo silang mataliens. Ang libo-libong iyon ay may mga grupo na naglalman ng 6 mataliens per group. Ang 'warriors' ay isa sa mga grupo sa mataliens na kilalang-kilala dahil sa oras ng labanan ay sila ay nakakatakot pero kapag tapos na ang kanilang training araw araw ay sila ay masiyahan at friendly.

Madaming bulong-bulungan ng mga mataliens kaya naman nagsalita na agad si Queen. "Ang mga mataliens na pupunta sa Planetang Earth para maging guardians ay walang iba kundi ang 'WARRIORS' na grupo ng mga mataliens." 

Lahat ng mataliens ay nag-clap naman. Ang mga 'warriors' na grupo ng mga mataliens naman ay lumapit kay Queen at sila ay nilagyan ng mga medalya ang isa't isa sakanila. Isa itong pagpapakita ng Queen nila na sila ay swerte dahil sila ay napili dahil ang ibang mataliens ay walang mga magulang hindi nila naramdaman kung ano ang pakiramdam ng may pamilya. Minsan din kasi may nangyari na noong may mga mataliens na pumunta ng Planet Earth ay sila ay napunta sa isang mabait na babae at doon naramdaman ng grupo ng mataliens kung paano magkaroon ng ina. Pagka-ayos naman ang relasyon niyo ng inyong babantayan sa 1 month hindi naman kayo babawiin ng Queen at pede kayong manirahan sa Planetang Earth kasama ang binabantayan niyo,meron pa namang contacts ang mga mataliens sa Mato Planet at may kapangyarihan pa naman sila.

"Your mission will start tomorrow" pagkasabi ng Queen ay nag-bow ang 6 na mataliens na kabilang sa 'warriors' na grupo ng mga mataliens. Ipinahiwatig naman ni Commander na maari nang bumalik sakanilang ginagawa ang mga mataliens. Naiwan naman ang 6 na mataliens kabilang sa 'warriors' na grupo.

"Bago pa man kayo pumunta sa Planetang Earth at gawin ang mission niyo,meron naman itong rules and regulations.Dapat lamang na sundin niyo ito dahil sa ikabubuti niyo rin naman ito." pumasok ang 6 na mataliens kasama si commander sa isang kwarto or sabihin na nating isang MALAKING kwarto. Ito ang tinatawag nilang 'Matalien Space' may mga naka-tagong spaceship rito at dito rin nag-tratrain ang mga mataliens isa itong malaking kwarto na pwede ang 1 million na tao. May kakayahan ang kwarto na ito na magbago ng 'scene' meron ring mga kagamitan dito na para sa mga mataliens para mag-training. 

"M4,wag ka na mag-tangkang pasukin ang kwarto na iyan."napansin kasi ni commander na parang gustong pumasok ni M4 o matalien 4 sa kwartong iyon. Ayaw na ayaw ni commander at Queen na may pumapasok doon kaya naman nilagyan nila ito ng harang para walang makapasok.

*Ano ba ang meron dun?* tanong ni M4 sa sarili nito habang naglakad na palayo sa pinto na iyon.

"Tara at pumasok muna tayo sa 'matalien palace' para masabi sainyo ni Queen ang mga rules ng pagpunta niyo sa Planet Earth." pagkasabi ni commander ay nawala na sila sa isang iglap. Gumamit kasi si commander ng portal kung saan pede silang pumunta kahit saan sa Mato planet pwera nga lang sa ibang planeta pero bawal sila gumamit ng portal kapag nasa loob na sila ng 'matalien palace'

Pagpadating nila sa Matalien palace nakita naman nila agad si Queen na naka-upo at lahat naman sila ay nagbow. Pinaupo naman ang mga 'warriors' na grupo ng mataliens sa mga upuan.

"Sasabihin ko sainyo ang mga rules ng pagpunta niyo sa planetang Earth. Isa niyo itong mission,pagka-blue moon lang natin ito ginagawa kaya't kailangan mababait din ang ipapadala natin na mga mataliens." tumango naman si commander at ang mga 'warriors' na grupo ng mataliens.

May ibinigay na mga papel si Queen at commander sa mga warrior na grupo ng mataliens.

*Papel na binigay sa mga mataliens*

RULES AND REGULATIONS:

1.Do not tell to others that you have powers and you're a matalien except for your 'matoki angel'

(paepal na author note: matoki angel nalang po ang ating itawag sa aalagan nilang human.Out of ideas.O'sya bumalik na sa pagbabasa. Mehehe~)

2. Do not let other people see you doing your power.

3.Act normal as if you're a human.

4.Your 'matalien watch' should be always activated so that the commander can tract you.

5.Do not let other poeple hurt your matoki angel always defend him/her.

"walang no falling in love?" tanong ni M3 habang nakatitig sa papel.

"bakit magaganda ba sila?" tanong naman ni M1 na parang inosente

"hmm. alam ko mas maganda si commander at queen eh!" pagsasabi naman ni M2

Sa Mato Planet kasi ay 2 lamang ang babae. Si commander at Queen lang ang babae doon. Lahat kasi ng babaeng 'mataliens' ay nasa ibang planeta upang protektahan sila. Si Queen at Commander lamang ang naglakas-loob na tumira sa Mato planet kasama ng mga mataliens dahil sila ay malakas narin at sila ay may matatag na loob.

"Bakit gusto niyo bang lagyan ko?" pabirong tanong ni commander sa 'warriors' na grupo.

"5 rules lang naman yan at dapat niyo lang naman tuparin o gawin lahat yan. Tandaan ninyo dapat protektahan niyo ang inyong matoki angel." muling paalala ni Queen sa mga mataliens at lumabas na ito. 

"Goodluck bukas.Wag kayong mag-alala tatawagan naman kayo ni magandang commander araw araw eh. Mwahahahaha! gamit ng hologram.Sosyal!"

"Ano kayang mukha ng mga earthling?" tanong nilang anim

"Basta mas maganda ako sa mga earthling!" sabi naman ni commander.

(paepal na author note: sige commander feel na feel mo eh!)

★ ~☆ ★ ~☆ ★ ~☆ ★ ~☆★ ~☆ ★ ~☆★ ~☆ ★ ~☆

Thank you naman sa pagbabasa.

Once again, this is a B.A.P Fanfiction! (*0*)

Inspired kasi ako kay 'Krisylala' dahil sa story niya na B6A ay nahawaan na'ko ng pagiging baby! Mwahahaha :3

Himchan,Daehyun and Zelo! <3

Mataliens (B.A.P Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon