Love.
Sobrang sama ng pakiramdam ko kinabukasan. Naghahalo ang sakit ng ulo ko (because of hangover ) at ang sakit ng pagkababae ko. Wala si Carlo sa tabi ko pero naririnig ko na may kumikilos sa baba kaya alam kong nandoon siya. Hindi siya umuwi. Napangiti ako.
Marahan akong naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina, gumagawa ng fried rice. Nilingon niya ako nang maramdaman ang presensya ko. Napairap na lang ako nang ngitian niya ako.
"Gising ka na pala," nakangiting sabi niya. "Good morning."
"M-Morning," tipid kong bulong. "I forgot what happened last night. Nakapag-paalam ba ako kina Cha?"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Pumikit siya nang mariin bago umigting ang panga.
Anong nangyari rito? Kanina lang ay nakangiti tapos biglang nagagalit? Mas malakas pa yata ang topak nito sa akin e.
Kunot-noo niyang pinatay ang stove saka sinalin ang niluto sa malaking bowl bago umiling sa akin.
"Nauna silang umuwi sa atin. Napaaway si Kuya kagabi," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Am I partying too much that I didn't know that something happened last night?
"W-What happened?" Tanong ko.
Pinanood ko siyang ihain sa lamesa ang mga niluto. Gumawa pa siya ng kape for me and for him. Sinenyasan niya akong maupo na, bagay na agad kong sinunod.
"What happened, Carlo?" Tanong ko ulit.
"Baka nagselos lang?" Kibit-balikat na sagot niya.
Jealous? May nagugustuhan ang kapatid niya rito? I wonder what happened last night.
Ang alaala ko lang kagabi ay tungkol sa amin ni Carlo. Nag-init ang pisngi ko nang maisip iyon.
"Selos? Kanino? He likes someone from here?" I asked curiously.
Nakita ko na namang nagsalubong ang kilay niya. Masama ang tingin niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"What? I am just curious," sagot ko.
"Why are you curious? Do you like him?" Tanong niya.
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. "Are you stupid? I haven't meet him pa nga. I'm just curious, okay? He's not staying here tapos he likes someone from here yata?"
Tumango siya. "The girl is still a minor when he met her. Hinintay niya yata na maglegal age bago pormahan."
Nagulat ako sa sinabi niya. It was surprising. I didn't know that a guy a like him can wait someone. He must be so serious to that girl.
"Do I know the girl?" Tanong ko.
Tumango siya. "Gabriella."
"Oh...my gosh!" Napahawak pa ako sa bibig ko para pigilan ang pagtili ko.
Gabriella? I mean, Cha once told me that Gabriella isn't close to her Kuya. She's scared of Cartier and yet, Cartier likes her? How is that possible?
Hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. Marahan akong sumimsim sa kape ko habang nakatingin sa kawalan. I wonder, what will be Gabriella's reaction kapag nalaman niya na Cartier likes her. That he even waited for her.
"How's your hangover?" Biglang tanong ni Carlo.
"It's getting better unlike kanina..." Sagot ko. "Mas masakit ang katawan ko," matalim ko siyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...