Sabi nila hinahanap daw ang true love. Bakit ako hindi ko naman sya hinanap? He was with me all along.
" Sandy! " there he is.
Si Axil Marcus Vallejo. Ang aking one true love. With tantalizing brown eyes, pointed nose and sexy lips he was so d*mn perfect.
Malas nga lang kasi hindi ako ang gusto nya. Kung bakit ay hindi ko alam.
Ako nga pala si Sandy Marquez. 16 years old and a 4th year high school student.
Maganda naman daw ako sabi ni Lola. Mabait sabi ng bestfriend ko. Matalino naman ako sabi ng teachers ko. At higit sa lahat sweet daw ako sabi ni Axil. I have all the qualities of a lady.
Bakit hindi nya ako magustuhan? Ano pa bang kulang?
Lahat na nga ng pagpapa-impress ginawa ko na pero wa epek parin sa kanya. Ang manhid lang e noh?!
Tapos heto na naman sya at kakausapin ako. For sure tungkol na naman yan dun sa malanding hipon na Sabrina na yun.
" What? " I said in an angry kind of tone.
" Galit ka na naman sakin. Ano bang kasalanan ko sayo? " tanong nya na nagkakamot ng ulo.
" Trip ko lang, bakit?! " I said without looking at him.
" Sige, para mawala yang init ng ulo mo punta nalang tayo sa mall. " ngumiti tapos sya.
Dyan naman sya magaling e. Ngingitian nya ako para makuha ang loob ko tapos ako naman si tanga at papansinin agad sya. Kasi naman!
" Don't you give me that smile of yours! Ayokong sumama sayo. "
" Bakit naman? Sige na, please? "
How could I ever resist this cute creature?
" Fine. Saglit lang ha? "
" Of course. "
* * *
Dinala nya ako sa mall na malapit sa bahay namin. Pagdating namin dun ay hinila nya ako papunta sa isang sikat na coffee shop doon. We were holding hands papunta doon hanggang sa makarating kami doon.
Hindi ko alam pero ang bilis ng heartbeat ko nang mga oras na yun. Bakit kasi kailangan nya pang hawakan ang kamay ko?
This guy really never failed na pakiligin ako. Lagi syang gumagawa ng mga bagay na dapat ginagawa lang ng mga couples. He was sweet. Kaya siguro hindi ko maiwasang mahulog sa kanya.
" Anong order mo Bhe? " he said then smiled sweetly. Nasa harap na pala kami ng counter.
There he was again with his endearment.
" Kahit ano lang. " I said.
Ano ba kasi ang real score para sa amin? Were all of his actions meant nothing? Was there no romantic feelings afterall? I want answers.
Ilang minutes lang at naka-serve na ang order namin. Nagsimula na syang kumain pero ako nanatili lang na tulala. I want to look at him like this.
Suddenly, I felt the urge to ask him and confess to him.
Ever since I was a kid he was my hero, my superman, and my knight in shining armor. I grew up being dependent on him.
Yun lang siguro ang malaking pagkakamali ko.
8 years old ako nun and he was 16 years old nang una syang ipakilala sakin ng kuya ko. Bestfriends silang dalawa kaya naman naging close din kami.
I was too young that time. I'm naive about so many things. Akala ko nga dati simpleng crush lang ang meron ako para sa kanya pero habang tumatagal mas lalo kong nare-realize na mahal ko sya.
Alam ni Kuya ang feelings ko para kay Axil pero hindi nya ako ini-encourage sa nararamdaman ko. Bahala daw ako sa gusto ko tutal daw dalaga na ako.
Kaya nga naisip ko na siguro hindi naman masamang mag-risk. Afterall, the ones you'll regret are the chances you didn't take. So, i'll grab this chance.
Bahala na after this.
" Axil? " napatigil sya sa pag kain at tumingin sakin.
" Yes? "
" May gusto lang sana akong sabihin at itanong sayo? "
" Ano yun? " he looked at me seriously.
" Let me first ask the question. "
" Sure. " he took a sip from his coffee.
" What's the real score between us? "
Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Hindi sya nakaimik agad.
" Answer me. " utos ko.
" We're friends, right? You are my little sister. " he said.
Little sister? That's how he sees me? Friend and sister?
" Wala bang chance na magkagusto ka sakin? " I felt my tears about to escape from my eyes.
" What are you talking about? I mean we're friends. Best friend ko ang kuya mo. Isa pa, Sandy, teacher mo ako. "
There he said it. May point nga naman sya. Teacher ko sya. Ang saklap diba?
" I like you a lot Axil. You are my first love. Kaya ko namang hintayin ang time na magiging pwede na tayo. "
" No Sandy. There will never be a time for us. I'm engaged to my girlfriend. "
Okay. Natalo na ako. Hindi ko na ipipilit pa ang gusto ko. Atleast naliwanagan na ang isip ko.
Hindi pwedeng maging kami.
" I better go. Thanks sa time Axil. Sorry. " I stood up and left.
How unfair love was. Bakit kasi hindi nalang gusto ko sya at gusto din nya ako?
Minsan talaga mapagbiro ang pag-ibig. Mahal mo pero hindi pwede. Mahal mo pero may iba syang gusto.
It really hurts when love plays with your fate.
BINABASA MO ANG
When Love Plays (One Shot Story)
RomancePaano kung ang lalakeng gusto mo ay hindi pwede sayo?