Part 11: Ang Simula ng Digmaan

202 16 7
                                    


Part 11: Ang Simula ng Digmaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 11: Ang Simula ng Digmaan

ENCHONG POV

"Ang kailangan nating gawin ay pabagsakin si Baek at wasakin ang mga bagwis niyang nag-pproduce ng mga bagong spawn ng mga Renocos. Magagawa lamang natin ito kung tayo makakalapit sa kanya pero paano ba? Halos daan daang renocos ang nakapalibot sa atin. Kung saan ay maliliit lang ito na parang mga paniki ay madaling patayin, ngunit hindi dahil halos kasi laki na natin ang mga ito. Narito ang ideyang naisip ko, sabihin niyo sa akin kung may idadagdag kayo," ang wika ko at isa isa kong ipinaliwanag sa kanila ang mga bagay na dapat naming gawin.

Ang lahat ay nakinig at sumang-ayon sa aking ideya. Ang sabi nina Surya at Rael ay posible naman daw ito ngunit nangangailangan pa rin ng malakas na kapangyarihan at enerhiya kung isasagawa. Pero dahil wala naman kaming choice ay gagawin namin ang dapat gawin.

Ang bawat isa ay may importante parte kaya't kailangan namin ng tiwala sa kakayahan ng bawat kasapi ng aming pangkat.

"Handa na ba kayo?" tanong ni Rael sa lahat.

"Handa na! Best of luck!" ang sagot ng bawat isa, pinagdikit dikit namin ang aming kamao bilang isang team na sasabak sa labanan.

At ilang segundo bago matapos at mawasak ang barrier sa bunganga ng kweba ay mabilis kaming lumabas. Sa bungad palang ay sinuntok na ni Tob ang lupa bilang panimulang atake.

Ang lahat ng mga ugat, sanga, baging at halaman sa lupa ay umangat na siyang nagtaboy sa mga renocos na umaatake sa aming paligid. Habang tumatakbo kami ay ikunukumpas ni Tob ang kanyang kamay at humaharang ang mga sanga at ugat ng halaman bilang proteksyon. Ang ibang mga sanga ay humahampas sa mga kalaban sa itaas upang mas makatakbo kami ng maayos.

"Ikaw na Oven!" ang sigaw ni Tob.

Nagtatakbo si Oven patungo kay Rael at Rouen, dito ay inihagis siya ng mag-ama sa ere. "Shutangnaaaa wait!! Hindi pa ako ready! Mga shutaaa lagi na lang ganito!!" ang sigaw ni Oven habang lumilipad sa ere dahil para lumipad ang lahat ng mga renocos sa kanyang paligid.

Pinagkaguluhan si Oven ng mga halimaw sa itaas at noong magkumpulan ang mga ito ay biglang sumabog ang isang pink na enerhiya sa buong kalangitan na dumurog sa mga kalaban doon.

Nagkulay pink ang buong alapaap at ang mga kalaban sa ere ay halos sumabog rin! Malaking bawas na nagawa ni Oven sa populasyon ng alaga ni Baek.

"Tangna parang human nuclear si Oven ah!" ang sigaw ni Rael tawa ito ng tawa noong makitang umuusok ang katawan nito at tumilapon na parang kometa sa lupa.

Matapos ang parte ni Oven ay lumipad si Chaim sa ere at nagliwanag ang kanyang katawan. Nagpakawala ito ng malakas na enerhiya ay humawi sa mga kalaban tumutugis sa amin. Gumawa rin siya malaking barrier sa paligid upang hindi makapasok ang mga kalaban.

Nagtatakbo naman si Surya, ang mga renocos na sumasagupa sa aming harapan ay hinarang niya ay ginawang mga gintong abo. Sinuportahan din niya si Chaim na noon ay nagmistulang harang sa itaas upang mapigilan ang hindi mabilang na kampon ng dilim. Makikita ang isang malaking psychic wall o parang gate sa itaas at nasusunog ang mga dumidikit dito.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon