Paano-I

10 1 0
                                    

MOVE ON.
Dalawang salita lang yan na napakadaling bigkasin pero napakahirap gawin para sa nakararami.
Paano nga ba magmove-on?

"Ang hirap."
"Hindi ko kaya."
"Masyado ko siyang mahal para kalimutan."
"Move on? Madaling sabihin, mahirap gawin."

Ang mga yan ay ilan lamang sa mga nasasabi natin sa tuwing nababanggit ang salitang move on .

Mahirap? Oo sa una. Syempre sariwa pa yung sakit eh.
Iiyak ka. Hindi yan maiiwasan, lalo na pag gabi? Gabi ang pinakaperfect timing para umiyak diba? Walang nakakakita sayo. Walang maningialam. Ikaw lang at ang sarili mo sa mga oras na yun. Pero tandaan mo, ang pag-iyak okay lang yan sa una. Okay na okay lang. Pero yung araw-arawin mo na, halos gabi-gabi nalang? Yun ang hindi okay. Mali na yun. Isipin mo ha, paano ka makakamove-on kung iniiyak mo nalang lagi? Nakakadagdag ba yan sa proseso ng pagmomove on mo? Hindi diba. Mamamaga lang yang maganda mong mata. Ang gawin mo sanayin mo ang sarili mong huwag siyang iyakan. Kasi kahit ilang timba o ilang drum pa ng luha ang iiyak mo kung alam mo naman sa sarili mo na hindi na kayo babalik sa dati, then why bother to cry? Pinapagod mo lang ang sarili mo. Kaya mamayang gabi matulog ka, wag kang iiyak, gumising ka kinaumagahan, ngumiti ka, at kapag nagawa mo ito sabihin mo sa sarili mo: "Kaya ko palang matulog at gumising ng hindi siya iniiyakan. Bukas at sa mga susunod na araw, kaya ko ulit. KAYA KO."
Hindi naman talaga siya mahirap gawin. Nagiging mahirap lang ito sa kadahilanang naitatak na diyan sa isip mo na mahirap at hindi mo kaya. Pero subukan mong palitan sa utak mo ang maling nakatatak diyan ng salitang kaya mo. Makakaya mo yan. Pero kung kokontrahin mo tong mga nababasa mo, talagang walang mangyayari sayo. Kesa kontra ka ng kontra, bakit di mo nalang subukan kasi wala namang mawawala eh. Be open to any suggestions and helps given by your friends or family. Especially kung alam mong makakatulong ito. Kasi kung may mga tao mang makakatulong sayo, sila yun. Pero tandaan mo rin na maliban sakanila, sarili mo parin mismo ang talagang makakatulong sayo.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 07, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Paano magmove-on?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora