Chapter 6- Price Tag

10 0 0
                                    

Ganito ba talaga ang buhay? Minsan masaya, madalas malungkot. Yung tipong kapag nakakakita ka na ulit ng liwanag, may dadating nalang at papatayin ang mga liwanag nayun para dumilim nanaman ang takbo ng buhay. Isang beses lang ako nagkamali tinanggal na agad nila ako sa trabaho. Eh alam ko na may mali ako pero kasi bastos yung lalaki na yun eh. Hindi naman yata tama na porket Andres siya eh siya na ang paniniwalaan. Pero wala akong magagawa ganyan yata talaga ang buhay. Bata palang naman mahirap na. Minsan iniisip ko sana hindi nalang ako lumabas sa tiyan ng nanay ko eh. Baka sakaling mas maganda pa ang buhay. Hindi ko man naaalala kung anong meron sa loob noon, o kung anong nararamdaman ko nung mga panahon na ipinagbubuntis palang ako. Pero ang sigurado mas tahimik at mas mapayapa kaysa sa mundong to.

Noong dumating na ang ika siyam na buwan at oras ng pagsilang saakin ni nanay, bukod sa nahihirapan ang mga buntis na ilabas sa tiyan nila at dumaan sa tamang lagusan papalabas para masilayan ang mundo ng mga baby, ipapasok agad sa kanang bahagi ng wrist ang isang chip, para ma monitor ang presyo ng isang tao. Kahit hindi ko na maalala ang pakiramamdam sa tuwing titigan ko ang right wrist ko, sa bakas at peklat kung paano naipasok sa loob yun, pakiramdam ko masakit. Bukod sa pag putol ng umbilical cord, kailangan pa butasan ang wrist mo. Bakit kaya nila ginagawa to? Bakit nila kailangan presyuhan ang katulad naming mga tao. Kapag tinitignan ko ang forearm ko at nakikita ang presyo ko bilang isang tao, hindi ko maiwasang malungkot, ang haba at laki ng mga kumbinasyon ng mga numero. Sa bawat segundo ng buhay ko, lumalaki ng lumalaki ang presyo ko. Minsan pabor to saakin, para hindi ako basta basta mabili nalang ng kahit na sino. Pero minsan iniisip ko kung ito din ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Macky. Dahil baka hindi niya kaya ang halaga ko. Hindi niya ako kayang bilin. Kahit na nangako siya saakin na kahit magkano pa ang abutin ng halaga ko. Bibilin niya ako, paghihirapan niya ako. Pero nasan siya? Iniwan at hindi na nagpakita pa.

Tinanong ko si nanay noon, bakit masyado naman yata akong mahal. Sabi niya hindi daw niya alam, maraming daw dahilan kung bakit ganito ang halaga ko. Hindi na din daw niya mawari. Kung hindi man ako, pero sa Cena, isa ako sa pinakamahal. Sabi nga ni Dillion, paano naman daw may magmamahal saakin eh kapag nakikita nila ang presyo ko siguradong babaluktot daw ito at maghahanap nalang ng iba. Pero kahit naman ganito ang presyo ko how I wish ma withdraw ko kahit kalahati lang nito. Madalas gusto kong isipin at malaman kung bakit ganito ako kamahal. Pero di bale nalang, wala rin namang pupuntahan ang pag-iisip ko na yun, malaman ko man, hindi naman nun mababago ang katotohanan, na iniwan lang ako ng pinakamamahal kong si Macky, at usad pagong padin ang buhay namin.

Bwisit talaga, wala nanaman akong trabaho, saan na ako nito ngayon? Yung Hot&Spicy na nga lang pinagkakakitaan ko mawawala pa.

"Sis, ano ba nangyari, nabalitaan ko, nasibak ka daw ah? What happened ba? Bakit mo naman binastos yung customer? Ano ba nangyari? Bakit mo ba siya binuhusan ng mga order niya?"

"Yung totoo Dillion, nagtatanong ka pero parang alam mo naman na lahat ang nangyari."

"Oo nga actually. Pero sabi nila binastos mo daw siya kasi biniro ka niya, which I don't believe of course naman diba? I wanna hear your side."

"Syempre naman no, bakit ko gagawin yun. Bastos kasi siya Dillion, parang feeling niya naglalaway yata ako sakanya, na late lang naman ako kasi sa lugar nila bawal ipasok yung scooter ko, hindi ko alam kung bakit, kaya no choice ako at naglakad, tapos ayun. Oo aaminin ko, natulala ako nung una kasi sobra naman yung dating at itsura niya. Parang nakakalaglag panty talaga, pero nung sinabi niya saakin na baka daw gusto ko siyang tikman, aba umakyat yung dugo sa ulo ko, akala mo naman lahat papatusin siya."

"Well, based sa kwento mo sis, mukhang pinagnasaan mo siya aminin? Pero yummy ba talaga? Mala Jericho Andres ba? The hottest bachelor of all time?"

"Siya nga."

"Siya? Nga? As in si Jericho Andres yung umorder at nakita mo? Sis! Oh my the ahhh! Bakit mo naman siya binuhusan, he don't deserve that, shet bakit ako umabsent! Sana ako nalang yung nag deliver, kung ako yun, nung sinabi niya na gusto siya tikman? Aba walang ng arte arte, dirediretso na, babuyin na niya kung gusto niya, kanya na! Si Mr. Andres na yun! Kaloka ka super! Ahhh, pagsisisihan ko ang pag absent kong yun panghabang buhay!!!!!" AHHHHHHH!"

"Oo ewan ko sayo! Sama naman ng ugali di bale na."

Itong taong to, napakahusay. Ang sama naman ng ugali ng tao na yun. Oo gwapo, mabango, lahat na, pero ewan ko kumukulo dugo ko pag-naaalala ko siya. Binigyan ako ni Dillion ng calling card ni Helga, yung dati naming kasamahan sa flowershop ni Mang Petals, kailangan daw ng assistant photographer, syempre grab ko na ang chance, pera din to. Ang loka lokang Dillion after two weeks, nag resign na, mas gusto daw niya mag photo photo nadin daw. Talagang ayaw ako mawalay nito sa tabi niya, minsan nga iniisip ko baka may gusto to saakin, pero mukhang hindi talaga kami talo. Madaming racket, minsan sa birthday, minsan para sa mga magazines at kung ano ano pa. Natuto nadin ako ng iba't ibang techniques kung paano kumuha ng magandang shot. Nakakaenjoy naman pala to. Malaki din ang kita kumpara sa paonti onti at fix na sahod sa Hot&Spicy. Nakapag close ng deal si Helga sa A&A ang most prestigious company for Fashions and Lifestyle kami daw ang mag co-cover ng July issue nila. Malaki daw ang kita dito hati hati kami nila Dillion.

4:00 am tumunog na ang orasan ko, kailangan ko na bumangon at mag-ayos para sa shoot ng cover ng A&A sa may Eprata, maganda doon, mabundok at doon daw kami sa malapit sa Fate Falls. May leadership training daw kasi ang mga A&A doon for three days at kami ang magcocover nun. Nagimpake ako ng mga damit ko, naligo at inayos ang lahat. Sagot naman ng A&A ang lahat ng expenses namin, pati yung tutuluyan namin for three days lahat lahat kaya wala kaming dapat alalahanin. I'm so excited and I just can't hide it.

Money Can Buy Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon