ONE SHOT

16 0 0
                                    

Araw araw ay ginugulo parin ako ng nakaraan, hindi ko alam kung ano ang maari kong gawin upang matigil ang pagbagabag saakin nito. araw araw akong umiiyak at nagmamakaawa na tigilan na ako ng sakit na nararamdaman ko.

"matulog ka naman bes, lagi kang magdamag na iyak nang iyak diyan" bumukas ang pinto at bumungad ang aking kaibigan na si Xairah.

hindi ko rin alam bakit ako ang araw araw na ginugulo ng mga memoriyang ito kahit na alam ko'y naging sapat naman ako sakanya.

"Kumain ka, bumili ako ng pagkain sa labas." dagdag ni Xai. bihira ako kumain dahil narin sa ayaw kong sumalubong ng tao o lumabas ng aking kwarto.

"Ayaw ko pa." sagot ko sakanya.
"Kumain ka, Eria Rye." banggit niya ng aking buong pangalan na naging hudyat na galit na nga siya saakin.

"Mamaya na, Xairah Ahn." sarkatikong pang gagaya ko sakanya. bumuntong hininga nalang siya at ayaw na akong pilitin pa.

Ganoon ang nagiging araw araw naming interaksyon ng aking matalik na kaibigan.
Araw araw niya akong pupuntahan upang tignan ang kalagayan ko't pagkatapos nito ay papasok na siya sa kaniyang trabaho.

Mayaman ang pamilya ni Xairah, may malaki itong kumpanya. Ganoon din ang pamilya ko kaya't nagkakilala kami sa bussiness gathering. Pareho kaming anak ng mayayaman na CEO na may kalog sa utak. charot.

*fast forward*

Kinukulit ako nitong ni Xairah na sumama ako sa isang bussiness gathering dahil naroon raw ang kaniyang big time crush nye nye.

"Dali na bes! Libre kita ng LV bag." pagmamakaawa nito.
"Okay! Basta libre, g ako." Mabilis kong tugon.

"Mag-ayos kana, may make-up set ako riyan sa may lamesa ko." Saad naman ni Xairah at tumango nalang ako.

Naglagay lang ako ng kaunting make-up at nagsuot ng white silk dress at fur na parang cardigan. naglagay ako ng maliit na white hat sa aking ulo at nagsuot ng heels, ang cute lang. May dala akong LV bag na maliit lang rin, kasya ang phone at wallet ko. Regalo ito saakin ni Xai.

Sumakay na kami sa kaniyang sasakyan papunta sa venue, nauna na raw ang mga magulang niya roon dahil hindi sila pwedeng ma-late. Pagka-baba namin sa sasakyan ay kaagad bumungad ang mga flash ng camera na nakakasilaw. mabuti nalang ay agad akong nahawakan ni Xairah sa aking braso.

Pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang lalaki na kakilala ng kaniyang mga magulang, may mga babae rin kaso gusto niyang makahanap ako ng bago at hindi na maglukmok sa nakaraan.

"Liro!" Sigaw nito sa lalaking hindi ko mamukhaan ngunit nahalata ko na kung sino siya nang makita ang mukha ng aking kaibigan na parang nababaliw sa lalaking ito.
"Xai! Long time no see." Tugon nito. Agad naman akong lumayo sa dalawa dahil ayokong magmukhang thirdwheel 'no, okay nang single at mag-isa char!

"Putangina!" May bumunggo saakin.
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin s-"
"I'm sorry, miss." Natigilan ako nang narinig ang boses niya, agad namang nag-lock ang tingin namin sa isa't isa.
"H-huh?" Nauutal na sabi ko.

Bakit siya narito? Bakit dito pa? Bakit ngayon pa? Asaan na ba si Xairah..

"Rye.." sabi niya at hindi parin inaalis ang tingin saakin.

"Bakit ngayon pa kita makikita, Bea?" Pinipigilan kong mag-crack ang aking boses. Hindi ko aakalain na ngayon ko siya makikita.

Parang bumalik ang mga memoriya saakin, natumba ako sa sahig at kinalaunan ay narinig ko nalang na sumisigaw si Xai.
"Bes! Anong nangyari? Bea, bakit ka narito? Anong ginawa mo!?" Naguguluhang tanong nito.

Nawalan na ako ng malay, pagmulat ng mata ko ay nakita ko na nasa isang kwarto ako at nakahiga sa kama.

Hindi parin ako makapaniwala na nakita ko siyang muli, ang taong nasa memoriyang bumabagabag saakin araw araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our PastWhere stories live. Discover now