ERRORS AHEAD
-
-
"Ilalagay ko nalang sa taas 'tong bag niya, baby." Napataas ang kilay ko nang lumambing ang boses ni Ryzen samantalang saakin ay parang laging nanunuya.Malaki ang bahay ni Tanya, dalawang palapag at sa unang palapag ay ang sala at ang hagdan papunta ng second floor tapos sa ilalim ng hagdan ay may tatlong sunod-sunod na pinto na ang hula ko ay kwarto ang dalawa tapos banyo ang huli.
Kung didiretsohin naman ay ang daan papunta yata sa kusina o ano, hindi ako magaling mag-describe sa mga bagay-bagay kaya tama nang nakikita ko ito at manatiling tahimik habang ninanamnam ang bawat anggulo nito.
~*~
Hindi ko alam kung gaano ba kabilis ang panahon at pagpitik ng kamay ng orasan at hindi ko man lang namalayan? Parang kailan lang ay isa akong tahimik na estudyante na laging nagd-daydream, pero heto ako ngayon at nagtatago sa isang lugar na nagsilbing aking tahanan sa ilang buwan na nakalipas habang bilog ang aking tiyan.
"I have duty, Papapuntahin ko nalang si Ryzen dito para may kasama ka—"
"Tanya, no need na. Kaya ko naman ang sarili ko." Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay habang seryosong nakatingin saakin.
Nasa hapag kami ngayon at nag-uumagahan ng tumawag ang isang nurse na kailangan daw ng tulong niya dahil siya lang naman daw ang nakakapag-pakalma sa isang pasyente na may PSTD.
"Kailan ko kaya maririnig sayo na tawagin mo akong ate?" Kumagat siya sa hawak niyang egg sandwich at pinaghila ako ng upuan.
"Hindi naman tayo nagkakalayo ng height kaya ayos na 'yan!" Inirapan ko siya na siyang ikinatawa naman niya ng hindi makapaniwala.
Umiiling-iling ako habang minamasdan ang maamo niyang mukha na tuwang-tuwa sa pagbabago ng ekspresyon ko.
"Kumain kana nga! Sinisira mo ang araw ko." Pagsusungit niya pagkatapos ang malakas na tawa.
Minsan nga nagtataka na ako kung buntis rin to eh, pabago-bago ng mood swings.
Sa ilang months na kasama ko siya sa isang bubong ay siya ang nagsilbing silong ko sa mga panahong nawawala ako. lagi niya akong pinapaalalahan na parang siya na ang aking nagsilbing ate, nanay at tatay ko. Minsan sinasamahan niya ako kapag may check up ako sa OB ko na siya rin mismo ang nag-recommend saakin.
Kaya ang laki ng pasasalamat ko na nakilala ko siya, tatanawin ko ito na isang malaking utang na loob hanggang sa mamatay ako.
Sa isang salita, lagi siyang nandiyan saakin kahit ng mga panahong halos ikamatay ko ang depression, nandiyan siya—silang dalawa ng boyfriend niya.
Pero ilang buwan ang nakalipas at napapansin ko ang pagbabago ng boyfriend niya, parang hindi na siya 'yong nakilala ko noon na laging nanunuya o nang-aasar ang mga mata at ngisi.
Nang umalis na siya ay siya namang dating ng boyfriend niyang si Ryzen, tahimik lang kami na nasa sala habang siya ay busy sa kaniyang cellphone. Minsan nga naririnig ko siyang may kaaway sa kaniyang cellphone na ang hula ko ay kapatid niya yata, ayon sa narinig ko.
"I-I need to ahm.." napapakamot siya sakaniyang batok tanda ng pagkahiya saakin.
Agad ko naman nahinuha ang gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasiaDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...