ANG PANGAKO

106 1 0
                                    

Ang Pangako

Sina Ysabel at Tomas ay matalik na magkaibigan at wari na ring tunay na magkapatid dahil sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa.

Hindi lumaon at nakapagtapos na ng high school silang dalawa at naging magkasintahan. Ngunit ang pagtatapos nila ay isang wakas sa kanilang pagkikita. Gusto ng mga magulang ni Ysabel na sa Maynila siya mag-kolehiyo at si Tomas naman ay mag-kokolehiyo sa kanilang probinsya.

Bago pa man umalis si Ysabel kinabukasan, nagkita sila ni Tomas sa bukirin at doon nag-usap habang gusto na matulog ng araw sa kanluran. “Paalam Tomas, sana ‘di mo ako makalimutan,” paalam ni Ysabel. “S’yempre naman, Ysa,” pangako ni Tomas sabay yakap kay Ysabel. “Basta ipangako mong magkikita tayong muli”, sabi ni Ysabel. “Pangako”, sagot ni Tomas. Simula noon, ‘di na silang nagkita muli.

Lumipas ang maraming taon, naisipan ni Ysa na dalawin at kausapin si Tomas sa probinsya. Sabik na sabik siyang tumungo sa bukirin at laking gulat niya at naroon din si Tomas. Niyakap niya ito ng mahigpit sabay sabing, “Na-miss kita, sobra.” Hindi umiimik si Tomas. Biglang may narinig si Ysa na tumatawag sa kanya. Iyon ay si Alfred na kapatid ni Tomas at kung tumakbo ay simbilis ng hangin. “Ate Ysa,” tawag ni Alfred. “Bakit,” nagtatakang tanong ni Ysabel. “Naaksidente po kasi si kuya Tomas kaninang umaga. Natagpuan siyang nakahandusay dito sa bukirin. Mabuti na lang po at napagtanto kong nandito ka,” paiyak na paliwanag ni Alfred. At umalis na ito.

“Ysa, mahal na mahal kita. Tinupad ko pa rin ang aking pangako,” sabi ni Tomas at biglang naglaho. “Panginoon, bakit mo po siya kinuha sa akin kaagad?,” sigaw ni Ysabel at biglang nahimatay.

*end*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon