TIKTIK-ASWANG (A SHORT TRUE TO LIFE STORY)

28.1K 62 27
                                    

AUTHORS MESSAGE: sana po magustuhan niyo po ito, sorry po kung may mga mali na words......{vote and comment}enjoy reading!!!!!!



Naranasan nyo na bang atakihin ng tiktik-aswang or sabi ng iba eh manananggal...Ito pong story na 'to ay kwento ng lola ko..Matagal na itong nangyari pero isishare ko sa inyo na totoong may aswang!!!



Way back, 1954...



Gabi yon mga alas-7pm ng gabi...Dati kasi panahon pa ng mga lola natin, eh maaga pa lang daw tulog na mga tao...Boring pa kasi nuon, walang tv, computer at iba pang mga gadgets di ba, so walang magawa ang mga tao nuon kundi ang matulog...

Taga-manila kami ...tignan nyo nga nasa city pero maagang natulog di ba...Kwento ng lola ko, wala pa daw ang lolo ko, kasi ang work ng lolo ko ay makinista ng tren PNR pa nuon yun, in short sya ung driver ng tren...panahon pa ng hapon ngwowork ang lolo ko duon...So hindi alam ng lola ko kung anong oras or araw ang uwi ng lolo ko...pero nung gabing yun schedule ng lolo kong umuwi kaya naghintay ang lola ko...

Habang naghihintay sya sa pagdating ng lolo ko, naisipan nyang manahi gamit ang kanyang makina...Inabot na pala sya ng ilang oras ng........

May nadinig daw syang biglang lumagapak sa bubong ng bahay....syempre hindi pa uso ang kisame kaya bubong agad,, so dinig talaga ang ingay di ba..

Hindi pinansin ng lola ko yun pero nadinig nya at naramdaman nya na parang may mga yabag sa bubong...Kahit kinakabahan pinagpatuloy nya ang ginagawa nya hanggang sa....

May napansin syang parang sinulid...opo sinulid na nang sundan nya, eh nakita nyang papuntang bubong...at ang parang sinulid na iyon ay nakatapat sa tiyan nya na 7months pa lang.....opo buntis ang lola ko nuon....

Lakas loob hinawakan daw ng lola ko,,ung parang sinulid na nakita nya at medyo matigas daw at matulis....Naisip ng lola ko na aswang yun kaya agad-agad kinuha nya yung gunting at pinutol niya ang bagay na iyon...Bigla daw may sumigaw na pagkalakas-lakas sa bubong at narinig daw ng lola ko biglang may lumagabog palayo ng bahay...Natakot daw sobra ang lola ko...Nang tignan daw nya ung bagay na parang sinulid na naputol nya....Laking gulat daw nya nang makita nyang isang putol na bahagi ng dila...opo dila ang bagay na naputol ng lola ko...

Laking pasasalamat ng lola ko na ligtas ang batang ipinagbubuntis nya , ito nga ay ang tito ko...

Mula nuon ay hindi na naisipan ng lola kong manahi ng gabi....

HOPE YOU LIKE IT MGA READERS!!! HINDI NAMAN ITO NAKAKATAKOT PERO ITO PO AY TOTOONG NANGYARI...HINDI GAWA-GAWA LAMANG!!! NASA INYO NA KUNG KAYO AY MANINIWALA...PERO AKO AY NANINIWALA PO KASI SA LOLA KO NANGGALING MISMO ANG KWENTONG ITO.....MARAMING SALAMAT PO SA MAGBABASA NG KWENTO KO...GOD BLESS US ALL!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yehey! Daming ngbasa ng story ,,, sana po mgcomment kayo and vote din po..,.pero anywY Maraming salamat po sa inyo readers... Love you all..,,,,,mwhaaaa2x
.
.
.
.
.
.
2

Ito namang karanasan na ito sa aswang ay na-experienced ng brother ko.,,,,,

Mga ala-una ng madaling araw hindi makatulog ang brother ko dahil maalinsangan, naisip nyang bumaba sa 1st floor ng bahay at lumabas, ang pwesto ay sa labahan ng nanay ko ,,, prenteng-prente syang naninigarilyo ng may makita syang anino sa sementadong kinauupuan nya,, tingin nya ay isang malaking ibon daw dahil malaki ang anino ng pakpak nito,,,,,,

Tumingala sya para tignan kung ano iyon,, kitang-kita nya sa itaas ng bubong ng kapitbahay namen ay isang napakalaking ibon na kulay itim ,, habang titig na titig sya biglang lumipad at nakita nya ay taong mabalahibo na may malaking pakpak....at hindi pala malaking ibon kundi taong aswang,,,sa takot ng brother ko ay tumakbo sya papasok ng bahay at hindi na nya inulit ang paglabas ng ganung oras...
---------- At hindi lamang ang brother ko ang may ganitong karanasan sa aswang pati ang kapitbahay namen ay nakaranas din........
------------Isang gabi mga 11pm daw kwento ng kapitbahay namen,, isa syang ina syempre sa dami ng gawaing bahay sa maghapon ay sa gabi na lang sya nakakapaglaba......
Habang nagbabanlaw ng mga damit ay may bigla daw lumipad sa pwesto nya kung saan sya naglalaba,,,ang lakas daw ng hangin at tumingala sya sa bubong ng katabing bahay at nakita daw ng kapitbahay namin ang anyo ng isang tao na may malaking pakpak na itim,, tinitigan nya ng husto ito at napagtanto nyang ito ay aswang,,, sa takot nya hindi na nya tinapos ang paglalaba ng mga damit at sya ay patakbong pumasok sa bahay nya,, at hindi na sya naglalaba sa gabi....
.
.
.
.
.
.
.
Heppppp,,,, ito lamang po ang update ko sana po ay magustuhan nyo mga readers....thank you.....
Please vote, comment mga readers...

TIKTIK-ASWANG (A SHORT TRUE TO LIFE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon