11.
She's a goner
Sisa
"Serenity are you still awake?" Naramdaman kong naupo si Mommy sa gilid ng kama ko.
"Hulaan mo?" Sarkastiko kong sambit habang nakapikit ang mga mata't nakahiga parin sa kama. Hay, si Mommy talaga... Matutulog na nga ako, magpapahabol pa ng sermon. Pwede bang i-record niya nalang tas papakinggan ko bukas—but as if namang papakinggan ko talaga. I'm into rock and roll, mom's sermons are like Metallica on crack mixed with demonic vibes and outburst. Yeah, that's about it.
I love my parents but they tend to be the antagonist in my life... Yeah, it's a love-hate relationship.
"Alam kong nagtatampo ka kasi pinagalitan ka namin, pero anak para sa'yo rin naman tong sinasabi namin eh... Anak hindi lang si Julia ang nagmamalasakit sayo... Anak kakampi mo rin kami." Giit niya saka marahan na hinimas ang noo ko.
Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa kumot nang pakiramdam ko'y maiiyak na ako. Ano ba naman 'to, ba't bigla akong naiiyak. Ba't ganito tong nararamdaman ko? Ba't gusto kong yakapin si Mommy at umiyak ng umiyak sa bisig niya?
"Hindi kasalanan ang pagmumura. It's an exercise freedom of speech." Sabi ko na lamang saka dali-daling tumagilid para lang 'wag niyang makita ang tuluyang pagtulo ng luha ko.
"Sweetie, you have a wild young heart. Too much freedom will get you in trouble. Too much freedom could hurt people including yourself... You're young, you have no idea how mad the world—"
Sa sinabing iyon ni Mommy ay napaupo na lamang ako at hindi na siya hinayaang matapos pa sa sinasabi.
"I have no idea?" Napasinghal ako. "Mom you have no idea how scared I am to show my face at school ever since they learned about my adhd! Alam mo ba kung ano ang tawag nila sa akin mula noong elementary ako?! SISA! Mom everyone calls me Sisa because they think I'm crazy just like that woman in Noli me tangere! I know how crazy the world is! I felt it! I heard it! I'm not allowed to kill them or to punch them kaya bibig ko nalang ang ginagamit ko tapos ngayon pagagalitan niyo ako kasi pinagmumura namin sila ni Julia?! Mom how am I to defend myself?! Ano ganun nalang?!" I poured my heart out as tears were streaming down my face but then, Mom suddenly hugged me. In a snap, I became the weakling that I've always been. I buried my face in her shoulder and cried as loud as I could.
"You are my baby and I know that you are better than everyone else. Anak, wag kang bababa se lebel nila. Pagminura niyo ba sila, may magbabago ba? Oo anak, masarap makaganti pero para ka naring bumababa sa lebel nila. Yung mga nang-aaway sayo? Naiinggit lang sila sayo kasi mas higit ka sa kanila. Hindi ka dapat magalit sa kanila, sa halip kaawaan mo sila... You are a very smart, beautiful and good-hearted kid. Alam kong napakalayo ng mararating mo sa paglaki mo." Sabi pa ni Mommy saka hinalikan ako sa noo kaya napayakap na lamang ako sa kanya ng mahigpit.
Unti-unti akong bumitaw sa kanya hanggang kapwa na kami nakaupo at magkaharap sa isa't-isa.
"Julia says I'm Osum. And it's spelled as O-S-U-M because I'm unique too." Paliwanag ko sa pagitan ng mga hikbi at habang nagpupunas ng luha ko.
"Well, Julia is correct 100%." Nakangiting sambit ni Mommy kaya tumango-tango ako saka pinahid sa damit niya ang kamay kong puno na ng luha at sipon.
"Does that mean pwede na akong magmura?" Tanong ko.
"Sneaky kid." Bahagyang tumawa si Mommy saka umiling-iling. "Anak, hindi parin magandang magmura ng walang pakundangan. It's not lady-like and not appropriate pag-nasobrahan. I guess its okay to curse inside your mind... basta anak, ilagay mo sa lugar."
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?