Kabanata 10

116 5 5
                                    

Agency.

"You sure all your things are here?" Tanong ni Carlo habang sinasara ang luggage ko.

Tumango ako. "I can buy naman if may nawawala. You know, I have my cards," nakangising sabi ko.

Humalakhak siya. "I'm surprised na hindi mo pa nauubos 'yan."

"Of course, walang mall dito 'no!" Giit ko.

"Then, Manila will make me poor, huh?" Natatawang tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. Kinuha ko ang mga documents ko sa drawer ng closet ko saka ito inilagay sa pangalawang mas maliit na luggage. Carlo is just watching me. Kanina ay nagpresinta siyang ayusin ang luggage ko pero tumanggi ako.

Guys don't know how to conserve space on luggage. Well, that's what I noticed kina Kuya Vlad at Daddy, ewan ko lang sa iba.

Carlo bought the entire building of Ate Lisa which means that all of our remaining things here will stay here. I don't know how he managed to buy this when it is not for sale. Ate Lisa just told me that Carlo talked to her and asked if she can clean the house for us, which she agreed.

Hindi ko naman din kasi pwedeng dalhin sa Manila ang mga binili ni Carlo. It would be so hassle kahit na we have a vehicle.

"Kuya, you are here pala?" Gulat na tanong ni Cha nang makita ang kapatid.

"Rei!" Tili niya saka tumakbo papunta sa akin. Mahigpit niya akong niyakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. "Kuya Leo, pakilagay na po ang gamit ni Rei sa van."

Ang lahat ng gamit namin ay nasa kabilang van habang kami ay nasa isa pa. Carlo is in the third row, sa likod naming tatlong magka-kaibigan. We are talking nonstop about our plans when we reach Manila.

"Pwede na tayong lahat magbar kasi legal age na tayo," tumili pa si Cha habang niyugyog kaming dalawa ni Gab, pinagigitnaan kasi namin siya.

"Charlynn!" Dinig kong saway ni Carlo sa likod.

"Come on, Kuya. It's not like I'm still a minor. Even Mom and Dad allowed me to go to bars back on Pontevedra," pagdadahilan nito.

Pasimple kong nilingon ang lalaki. Masama ang tingin nito sa kapatid at nang makita na nasa kaniya ang atensyon ko ay ngumiti sa akin. Umirap na lang ako.

May sayad!

Nakatulugan ko ang byahe namin. Nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Naabutan ko pa si Carlo na nasa tabi ko.

"What the heck are you doing here!" Inis na sigaw ko habang inaayos ang aking buhok. "Nasaan sina Cha?"

"Stopover muna raw. Nagu-gutom," sagot nito.

Inirapan ko lang siya bago lumabas ng van. Nakita ko ang dalawang kaibigan na nag-aabang sa akin.

"Ang tagal ka namang ginising ni Kuya," sabi ni Cha bago lumingkis sa aking braso. "Kakain muna tayo. Okay naman 'tong Jollibee sa'yo?"

Umirap ako. "Mukha ba akong maarte sa pagkain?"

"Oo."

Sabay pang natawa ang dalawa kong kaibigan dahil sa parehas nilang sagot. Inirapan ko sila bago alisin ang kamay ni Cha sa aking braso saka naunang pumasok ng Jollibee.

Hindi ko maalala kung nakakain na ba ako rito sa Jollibee pero pakiramdam ko ay hindi pa. I'm not really familiar with their menu kaya matagal ko pa itong pinagmasdan, hindi gaya nina Gab at Cha na ready na ang order.

"What's yours, Rei?" Nakangiting tanong ni Cha.

Saglit ko siyang nilingon bago muling binalik ang tingin sa menu.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon