Chapter 2

0 0 0
                                    

Kianna's POV

"Hindi mo naman sinabi Ki na ang ganda at sobrang cute naman pala ng kapatid mo." Sambit ng lalaking papunta ngayon sa pwesto namin ni Kuya. "Hi! I'm Jordan Smith, best friend of Kian." Nakangiting nakalahad pa ang kanyang kamay kaya tinggap ko rin ito at nakipag shakehands. Hahalikan niya pa sana ito ng hilain na ni Kuya ang kamay ko kaya naman napatawa na lamang ito.

"And I'm Charles Roi Lee, Nice to meet you!" Masiglang pagpapakilala ng lalaking gwapo ngunit cute rin, sa tingin ko napaka friendly niya at medyo childish, heheh.

"Ang cute mo naman." I hug him while giggling niyakap din naman ako nito pabalik ngunit agad namang tumikhim ang mga kasamahan namin kaya napabitaw rin kami agad sa isa't-isa.

"Ang daya sakin shakehands lang samantalang kay Charles niyakap. Tsk" kunwaring nagtatampong sambit ni Jordan, heheh bahala siya diyan, siya din naman ang nakipag shakehands eh.

"Shut up, Jord!" Pagsuway sa kanya ni Kuya

"Okay, okay."

"Jiro Ryle Lee. Cousin of Charles, nice to meet you!" Nakangiti ring pagpapakilala niya. Nilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko rin ito agad. Kung si Jordan ay maypagka playboy, si Charles na medyo childish, si Jiro naman ang good boy.

"Hi Jordan, hi Charles, hello Jiro. Nice to meet you too! I'm Kianna Louise Silvestre." Masigla at todo ngiti ko ring pagpapakilala sa kanila. Kaya napangiti rin sila pati na si Kuya.

"Ang cute-cute mo talaga." Masayang papuri ni Charles sakin kaya naman mas lumawak pa ang ngiti ko. Ngunit bigla na lamang kumulo ang tiyan ko kaya nahihiyang yumuko na lang ako. Sandaling natahimik naman sila at biglang natawa.

"Seems that someone here is already hungry huh." Nakangiting ginulo pa ni Jiro ang buhok ko kaya naman napanguso na lamang ako.

"Let's go now, Baby. Pumunta na tayo sa cafeteria para maka kain ka na. I'll buy you anything you want but not too much sweets okay?" Agad namang nag ningning ang mata ko dahil sa sinabi ni Kuya.

"Really?" Excited na tanong ko pa sa kanya at ng tumango siya ay agad-agad ko na rin siyang hinila palabas ng classroom kaya napatawang sumunod na lamang sila ng mga kaibigan niya.

Nang makalabas na kami ay agad na rin kaming nagtungo sa cafeteria, Meron pa nga silang pinag-uusapan ngunit hindi naman ako maka relate dahil hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na lamang iyon inintindi. Pagpasok namin sa loob ng cafeteria ay biglang nagtititili ang mga kababaihan kaya naman napakapit na lamang ako kay Kuya dahil hindi ko naman alam kung bakit sila tumitili. Hindi na lamang iyon inintindi ng mga kasama ko at nagdiri-diritsong tinungo ang crystal made na mesa na siyang naiiba sa lahat ng mesa dito sa cafeteria.

Matapos kaming mag lunch ay agad din naman na akong hinatid ni Kuya kasama ang mga kaibigan niya sa next class ko. Natapos ang Araw na ito na lahat ng subjects ay nagpakilala kami, meron din namang nag discuss ng lesson at meron namang nag self-introduction lang ang pinagawa sa amin.

_*_*_*_*_*_*_*_

Nakaupo ako ngayon sa may study table ko habang nagpapractice ng Calligraphy, nagagandahan kasi ako sa mga letterings kaya nakahiligan ko na rin itong gawin. Naka focus ako sa pag susulat ng biglang may kumatok sa pinto, bumukas iyon at inuluwa nito si Mommy habang naka ngiti.

"Hi Mommy." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Hello Baby, how was your day?" Tanong niya sabay yakap sa akin.

Unexpectedly Yours Since Birth - Mafia StoryWhere stories live. Discover now