Chapter 30 - Child

1.9K 72 25
                                    

Thank you for always waiting! Salamat din sa pag-vote at pag-comment. Unedited. Malapit na tayong matapos!

May contain typos and grammatical errors. 

PLEASE, focus on achieving your dreams. Those words kept on popping on her mind while the whole day of the qualifying exams went. Doon lamang siya naka-focus at hindi hinayaang ma-distract na naman siya sa pinakamahalagang exams na 'to. This would test if she could continue to fourth year. Dapat pag-igihan niya.

Tahimik ang isang buong review center dahil nakayuko ang lahat sa kanilang mga libro habang naghihintay ng proctor for the afternoon exams. Katabi niya ang kanyang kaklase sa night class na siyang close online classmate niya. Napagtatanungan niya ng mga assignments kung may na-miss ba siya at mga announcements ng department.

"You're one of best students here, Diwata. Tinanggap mo na ba ang offer ni Prof. na maging isa sa mga quiz bowlers? You could be the leader and bring pride to our school every regional contests."

"I am still thinking about it."

"Ano ba ang nasa Alegre at hindi mo maiwan-iwan? You know, napakatalino mo incase nakalimutan mo na naman. Maraming scholarships ang magpapa-aral sa'yo kung scholarship ang problema mo, Diwata."

Vina always did this to her. Gusto nito na sa school na mag-aaral kasi mas ma-de-develop nga ang kanyang kakayahan kapag napapaligiran siya ng actual na mga professionals.

"Lilipat na nga ako sa face to face learning, Diwata kasi wala talaga akong masyadong naiintindihan sa online," dagdag pa nito. Tama nga naman si Vina. Minsan napakahirap e-comprehend ang mga lessons kung hindi niya masyadong naiintindihan ang mga example problems.

"Pag-iisipan ko, Vina." Hindi na niya problema ang scholarship kasi sasapat na ang sini-sweldo niya mula kay Levi para pag-aralin ang sarili.

"Saka naghahanap ako ng roommate sa apartment na nahanap ko para may ka-share ako sa rent at utilities."

"Malapit lang ba sa school?"

"Isang ride lang. Malapit sa Fuente Circle. Sobrang lapit lang 'non. Nakakasakay naman agad."

Recommendable talaga sa kahirapan ng kanyang degree na mag-face to face learning. Ano bang humahadlang kasi sa kanya? Ang pag-ibig na wala siyang kasiguraduhan?

Tama si Levi. Mas maraming opportunities sa siyudad, sa lugar kung saan malapit siya sa kanyang mga pangarap. Makakamit niya ito rito kaysa sa Alegre. The new love that burned inside her overpowered her passion for her dreams.

Ano bang nangyayari sa kanya? Mas dapat niyang i-prioritize ang kanyang mga pangarap! Si Levi na ang nagtutulak sa kanyang abutin ang mga ito. He was passionate about supporting her.

And Noelle in the picture made her fears grew. Mauudlot na naman ang pag-asa na mabibigyan siya ng assurance at commitment. Pero gaano nga ba kataas ang chance na mabibigyan siya kung loveless naman ang marriage na ito? This love was one-sided.

Oh God! Gaano ba katigas ang bungo mo, Diwata?! Paulit-ulit na lang tayo sa mga katanungan na 'to?! Why don't you just focus?!

Pagkatapos ng madugong exam, kahit hindi pa siya naka-recover sa kanyang paghihirap doon, humarang sa labas ng room ang department head at 'yong professor niya. Kinabahan siya kasi kapwang nakatingin sa kanya ang dalawa na halatang may hinihintay.

"Diwata, pwede kang makausap?" tanong 'nong chairman kaya tumango siya agad. Kinawayan siya ni Vina na maghihintay ito sa labas.

"Good afternoon, Sir Lee and Sir Lyle. Ano po maitutulong ko po?"

"Have you decided already about my offer?" si Sir Lyle.

"And we need you for the upcoming annual accounting quizbowl," dugtong ni Sir Lee. "Nasasayangan ako sa'yo, Diwata. You are really brilliant. You can be a JPIAN officer, leader, and you can do more. Gaya ng offer ni Sir Lyle, hindi mo na dapat pro-problemahin ang scholarship."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon