FALLING FOR A BAD BOY [COMPLETED]
A romance novel written by keity_cutieBLURB:
Para sa isang babaeng pinaglaruan ng tadhana, pakiramdam niya'y wala ng pag-asa. Siya si Bianca Dela Fuentes na punong-puno nang kalungkutan sa kaniyang puso at para bang walang katapusan ang pagdurusa nito. Ngunit isang lalaki ang darating upang muling gumising at magpangiti sa kaniyang mga labi. Siya si Kevin Jacob Scott, ang matipong lalaking pinagkakaguluhan sa unibersidad na pinapasukan. Ang lalaking magbibigay buhay at kulay sa kaniyang masalimuot na buhay.
Ngunit ang lalaking minamahal niya ay nakatakda na pa lang ikasal sa iba. Ang akala niya ay panahon naman upang maranasan niyang sumaya ngunit hindi pala iyon ang nakatakdang mangyari. Iiyak na lamang ba siya sa isang sulok habang ang minamahal niya ay pinapasaya na ng iba o ipaglalaban niya ito? Ngunit paano kung malaman niyang ang lalaking minamahal niya ay ang bunga nang pagtataksil ng kaniyang ama sa kanilang pamilya?
Habang buhay na kalungkutan at pighating walang katapusan na lamang ba ang kaniyang tanging madarama? Paano pa siya lalaban kung hanggang sa dulo'y mawawala ang lahat sa kaniya at patuloy na magiging bangungot ang buhay niya? Kasabay pa nito ang unti-unting pagkadurog at pagkawala ng lahat ng lakas niya. Kung ikaw man siya, lalaban ka pa ba? Kakayanin mo ba? Kakayanin mo bang lumaban sa napaka-kumplikadong sitwasyon alang-alang sa iyong minamahal o gigisingin mo lamang ba ang iyong sariling hindi talaga kayo ang para sa isa't isa?
A/N: Gusto mo bang magbasa ng ganitong klase ng nobela? Nasa ikalawang pahina ang mga link.
BINABASA MO ANG
NOBELA
RomanceGusto mo bang magbasa ng ROMANCE, SPG, and TRAGIC STORIES? Halina't tuklasin ang mga nobelang isinulat ng isang dalagang manunulat. Sama-sama tayong kiligin at mapa-sana all sa love story ng ating mga bida. NOBELA [Exclusive and Non-Exclusive novels...