Pahinga.
"Nice to meet you. Reisha, right?" Tanong ni Eunice Vien, kilalang artista, nang iwan kami ng make-up artists namin.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Yes. Nice to meet you as well."
"I heard bago ka lang?" Tumango ako. "But you already have a big project like this?" Gulat na tanong niya. "I mean, no offense pero gumamit ka ba ng connection?" Taas-kilay niyang tanong.
Halatang gusto niyang maintimidate ako sa kaniya pero sorry na lang siya. Siya ang dapat na maintimidate sa akin.
"Do I look like I need that?" Natatawang tanong ko. Hinawi ko ang buhok ko saka inikot ang upuan ko paharap sa kaniya. "And, you considered this as a big project?" Kunwaring gulat na tanong ko.
"Not really," hilaw siyang ngumiti bago humarap sa malaking salamin sa tapat namin. "Pero sa mga kagaya mo, I bet this is big."
Sarkastiko akong tumawa bago humalukipkip.
Ang bruhang ito! Akala mo ikinaganda ang kaputian! Kung si Gabriella siguro ay interested sa modeling, nasisiguro kong wala na siyang career ngayon.
"Not really. I just tried accepting Tyra's offer because I'm bored but it turns out good kasi nakilala ako kaagad..." Mahina akong humalakhak habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw? I heard it took you years to be this successful? I mean, not really successful," I chuckled.
Nakita kong nawala ang ngiti sa labi niya. Maarte kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko.
"Oh, sorry. I didn't mean that."
"Yo—"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon ang may-ari ng kilalang cosmetic line na si Ms. Hazel. May dala siyang dalawang malaking bouquet ng bulaklak habang naglalakad palapit sa amin.
"Oh, my! What a beautiful day!" Sabi niya.
Tumayo ako para bumati sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka iniabot ang dalang bulaklak.
"Ang ganda ng dalawang model ko," sabi niya. "Good afternoon, Reisha. I'm glad that you accepted our offer."
"No, Tita. Actually, I am glad that you chose me kahit na bago lang ako sa industry na ito," nakangiting sabi ko.
"Hija, you deserve it. When I saw your portfolio from Tyra, I immediately told her that I wanted to meet you!" Tumatawa niyang sabi.
"Thank you, Tita."
Hinawakan niya ang kamay ko saka ngumiti sa akin. Nakita kong nag-aalangan pa siyang bumeso sa akin dahil sa make-up ko kaya ngumiti na lang ako.
"And of course, our teen star..." Tumawa siya habang hinaharap si Eunice.
Eksaheradang tumawa si Eunice bago hinawakan ang kamay ni Tita. "Thank you, Tita. I'm so glad that I renewed my contract here."
"It's my pleasure, Eunice."
"Looking forward for more projects with you, Tita."
"Likewise, Hija..." Nakangiting sagot niya.
Nilapag ko ang bouquet ng bulaklak ko sa inuupuan ko saka humarap sa salamin. Inayos ko ang buhok ko habang pinapanood sila sa salamin. Ngumiti sa akin si Tita Hazel kaya napangiti rin ako.
"Are you guys ready? We will start the shoot now. I heard from Tyra na you still have some projects to review," sabi sa akin ni Tita Hazel.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, Tita. Medyo babawasan din ang kinukuha ko because of my class. Ayaw ko pong maapektuhan ang pag-aaral ko because of my this."
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...