1: Kidnapped

75 1 7
                                    


——

"Hoy! George, anong drama mo diyan 'te?" Napatigil ako sa pag-eemo ko ng biglang sumigaw ang kaibigan kong kalahating tao, kalahating kabayo. Punyetang 'to, agaw trip.

"Aba Misty, kumain ka nalang diyan ng damo! Tangna. Agaw eksena ka talagang kabayo ka eh."

"Hoy babaitang panlalaki ang palayaw! Lamang ka lang ng konting paligo sakin! Bruhang 'to kala mo kung sinong dyosa! Pakyu." Ang dami pang sinabi wala naman nagbago, mukhang pa rin siyang kabayo.

"Bahala ka nga diyan. Aalis muna ako," sabi ko habang naglalakad papunta sa pintuan nyang pinamumugaran ng anay.

"Walang pumipigil sayo, gaga,"

Hindi ko nalang siya pinansin. Aba naman, sayang ang araw ko kung makikipagtalo lang ako sa kabayong 'yun.

Paglabas ko ng kuwadra este bahay ng kaibigan ko, sumalubong sa akin ang mga maliit na bahay at mabahong paligid. Bwisit na mga aso 'to ginawang public cr ang daanan. Pero sanayan nalang 'yan.

Pumunta ako sa maliit kong bahay. Ako nalang ang mag-isa sa buhay. Ulila na ako. 20 years old. Single and ready to mingle. Char!

"Hello George..." salubong sakin ng pangit kong kapitbahay na nasa tapat ng pintuan ng bahay ko.

"Tangina Tikboy, magtoothbrush ka nga sa inyo." Ngumiti lang siya, kaya mas lalo kong nakita paninilaw ng ngipin nya. Ew. Kahit naman poorita ako, marunong naman akong magtoothbrush at maligo 'no. Pero ang isang 'to, mukhang kinacareer talaga nya.

"Gusto ko lang naman manligaw sayo, George." Kung ikaw lang ang manliligaw ko, mas gusto ko pang tumandang dalaga.

"Eto piso, bumili ka ng pantoothbrush mo."

Hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay ko.

Nagpalit lang ako ng damit at gumora na. Kailangan kong maghanap ng trabaho.

Habang naglalakad ako, may tumapat sa akin puting van at may lumabas na mga lalaking nakatakip ng stocking ang mukha. Tanginang mga 'to. Ang lakas ng trip ampucha. Pero mas nagulat ako nang lumapit ang dalawa sa akin at binuhat ako nang isa na. Parang sako.

"Hoy gago! Ibaba mo ko! Wala akong pang ransom! Tangna!" Bingi 'ata 'tong kumag na 'to eh. Sinakay lang nila ako sa van may tinakip silang panyo sa akin at unti-unting nandilim ang paningin ko.

—-

"Pandak! Sigurado ka bang ito 'yun?"

"Tangina kang ilong ka. Hindi ko alam. Wag ako tanungin mo!"

" Eh gago. Ikaw kaya yung nagturo sakanya."

"Tanga. Bakit mo naman kinuha?"

"Eh kasi tinuro mo!"

"Ano bang pinagaawayan nyo?!"

"Manahimik kang alien ka! Tangina kasing pandak 'to."

Mga punyeta. Ang iingay alam na natutulog iyong tao eh!

Dinilat ko ang mata ko para makita ang mga gagong nambulabog sa beauty rest ko. Tumambad sa akin ang puting kisame. Teka, ang alam ko walang kisame ang bahay ko.

"Nasaan ako?!" Napatingin ako sa tatlong lalaking nagtatalo na akala mo mga lumaklak ng isang baldeng gluta sa puti. Tinalo pa kutis ko.

"Secret." Sabi nung pinakamaliit sa kanila. "Andami mong alam, magpatangkad lang hindi." Sabi nung uhm, malaki 'yung ilong?

"Paliitin mo muna 'yang ilong mo!"

"Ishtaaaaaaap!" Sabi nung isa with matching hands pa. Tangna ang weird naman ne'to. Tapos tumingin siya sa akin.

"Hello Miss! Ako si V, as in victory. Nandito ka sa hide-out namin. At kinidnap ka namin!" Tapos pumalpak pa na parang tuwang tuwa. Baliw.

"Wala akong pake. Uuwi na ako. Wala akong panransom. Mahirap lang ako." Tatayo na sana ako pero pinigilan ako nung pandak.

"Teka, wait! Bawal ka pang umuwi! Magagalit sa amin si Master!"

"Ano bang kailangan nyo?!" Maygahd. Nasisira na ang brain cells ko sa mga ito.

"Hindi ko rin alam! Ako nga pala si Jimin, at eto naman ilong na 'to ay si Jungkook. Meron pang apat nagdodota lang, mamaya ay nandito na rin 'yun."

Pasalamat sila gwapo- este mukha silang mga bakla. Pwe.

"Tss. May pagkain ba kayo? Gutom na ako!" Sabi ko nalang. Mamaya na ako iisip ng paraan kung paano makakalabas dito. Masyado nang nagwawala ang mga etchoserang creatures ko sa tiyan.

"Meron. Halika, baba tayo!" Aya sa akin ni V? Ang weird ne'tong lalaking 'to. At dahil gutom na talaga ako, napagpasiyahan ko nang bumaba. Pagbaba ko, nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Tangina, sabi na eh. Mga bakla 'to eh, ang gwagwapo pa naman.

"Hindi kami bakla, sadyang mahilig lang sa pink si Jin. At siya ang nagdesign nito. At alam naming gwapo kami." Sabi ng katabi kong si Jimin? Wow ha? Mind reader?

"Hindi ako mind reader. Sadyang tanga ka lang at sinasabi mo ng malakas."

"Pfft-." Pigil na tawa nung nasa likod nya. Jungkook ba 'yun?

"Dibale nang tanga, atleast matangkad." Sabi ko nang marating namin yung dining table.

"HAHAHAHAHAHAHA. Tangna pre. Laughtrip." Sabi ni jungkook. Aba punyeta 'to ang OA. Pinabayaan ko nalang sila. Basta ako gutom. Umaaaaaayghaaaad food come to momah. *O*

——

Vote. Comment.

Escaping from Bangtan boys [BTS FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon