Ako si Danica Joy Sarmiento. Simpleng tao. Tipikal. Walang kakaiba. Well, maliban na lang sa maputi ako, yun na.
16 years old. Nag-aaral sa Destiny University, medyo may kaingayan ako lalo na pag mga best friends ko ang kasama ko.
Kahit naman 'di ako kagandahan, nagkakaroon pa rin ako ng crush. Tao lang ako noh
So ayun na nga, sa lahat ng crush ko, s'ya ang kakaiba.
"Hoy Nica, ano bang tinutunganga mo dyan?" Bulyaw sa kin ni Angel Lastimoza, bestfriend ko. Kabaliktaran ng pangalan nya ang ugali nya .. Sa ibang tao. Pero sa 'ming magkakaibigan naman, mabait yan.
"Baka iniisip nya kung bakit sya iniiwasan ni Josh." Si Jamie Erica Tan naman yan, matalino, maganda, mabait. Perfect girl.
"Oo nga no. This past few days parang iniiwasan niya ako. Ano kayang meron?"
"So, hindi pala siya ang iniisip mo? Eh sino? Si Jake?" Nakapamewang na tanong ni Angel.
"Slight?"
"Ba't naman kasi sa isang goon ka pa nagkagusto? Mas mabuti pang maghanap ka ng iba at wag mo ng ipagkalat yang unrequited love mo dun sa goon na yun. Baka saktan ka pa nya eh."
"Thanks for the concern Angel ha. Kaya nga tayo tayo lang ang nakakaalam na crush ko sya eh." Sarcastiko kong sagot sa kanya.
"May mga reason naman siguro kung bakit cold at gangster yang si Jake." Sabi naman ni Jamie.
Thanks Jam. T-T ang bad talaga ni Angel
"Btw, hindi goon o gangster si Jake no."
"Eh anong tawag mo sa grupo ng mga lalaking nambubully at nananakit?"
"Barkada ng maangas?"
"Pinahaba mo lang eh."
"ANDYAN NA ANG DANGER ZONE!! GRABIIIEEEE ANG GWAPO TALAGA NI FIRST." Sigaw ni Barbie. Blockmate namin.
"Oh. Tahimik na ang lahat ha! Baka mamaya, kung ano pa gawin nila sa 'tin." Troy, epal lang din yan na blockmate namin.
Aii. Oo nga pala. Nasa cafeteria kami ngayon, vacant kasi kami ng 2 hours.
"First? Di ba si Jake yun?"
Ayaw na ayaw kasi ni boyfriend na tawagin syang Jake. Ewan ko kung bakit. Pero siempre joke lang na boyfriend ko sya. As I said earlier, sya ang crush ko. MY ULTIMATE CRUSH.
BINABASA MO ANG
I Crüsh You
Teen FictionKung wala kang crush, abnormal ka. Pero yung lahat na lang ng crush mo nilalayuan ka? ABNORMAL ka ba para layuan nila? Pero that's not enough reason naman para layuan ka nila eh. They should be thankful pa nga kasi may crush ka sa kanila, diba? diba...