The Letter(for Lorraine Kim from Nash)

612 12 12
                                    

Lorytot,

Nung una akala ko hindi ako mahuhulog sayo. Kasi nung una hindi kita maintindihan. Makulit ka masyado. Di ko alam anong meron ka na muli kong naramdaman to. Pero hindi ko ito pinagsisihan. Mahal kita , oo. Kahit di pa kita nakikita. Nakatakda na sigurong maging ganito ako sayo. Patawad kung ngayon nagiging mahina ako. Mahal kita kaya wag mong isiping iniwan na naman kita. Sorry for all the tears that came out from your eyes. I may not your soulmate, your lifetime partner. I may not the perfect guy for you but I know I love you more than I am, During my operation, umiyak ka na naman ba?? Pss. Ngayong gumising ako, Wag ka ng iiyak. Di ko alam kung magtatagal pa ako. Pero ramdam ko na na parang kinakawayan ako ng liwanag. Drama lang. Hahaha. Gusto ko munang isulat topara sayo. Gusto kong malamn mo na kahit di kita nakausap sa tawag dahil di ako makapagsalita, malaman mo na mahal kita.Gusto kong malaman mo na bawat lakas ko ngayon, nanggagaling sa mga salitang binitawan mo. Kinakaya ko pero siguro siguro di lang talaga ako magtatagal. Masakit man na iwan ka pero kakayanin ko, at sana kayanin mo. Salamat sa lahat ng pag aalalang ginawa mo. Salamat din at kinanta mo yung " Hindi Kita Iiwan". Sa pagkarinig mo sa kanta, narinig mo na rin boses ko. Yabang ko noh? Hahaha. Dedicated yun sa taong mahal ko at kilala mo na kung sino yun. IKAW yun. wala ng iba. Pero di ko na yun makakanta sayo dahil nga di na ako makapagsalita. Pero sana narinig ko man lang na kinanta mo yun. Lorytot, ikaw wag kang magtatangkang sundan ako. Hahaha... Oo na amyabang na ako. Pagpasensyahan mo na ako. Pero ito lang maipapangako ko sayo. Mahal kita at hihintayin kita dun. Kahit magtagal ka pa dito. Masaya akong hinatayin ang oras kung saan pwede ko ng hingin sa harap Niya mismo ang kamay mo. Ha! masyado mong iniba ang pagkatao mo. Ilang araw lang ba tayo nagkausap? Ginayuma mo ba ako??  

Mawawala ako ng nakangiti at umaasang kahit Panginoon na ang pumagitan sating dalawa, magiging maligaya pa rin tayo. Magmahal ka ng iba uy! Wag mong paikutin mundo mo sa nawala ng bagay. Kahit importante pa yun sayo. Wag na wag mong pababayaan sarili mo okay? Tatagal ka pa. Mahahanap mo rin ang tamang lalaki para sayo. Kahit isipin pa ng ibang ilusyong  minahal kita. Na imposibleng magkita tayo sa kabilang buhay. Mahal kita at yun lang ang paniwalaan mo dahil yun ang totoo at di yun magbabago kahit paulanan pa ako ng bala. Mahal kita dahil mahal kita. Aasa akong yung taong mamahalin mo ay kaya kang alagaan ng walang pag aalinlangan. Iwan man kita pero alam kong kahit ganito ang nangyari satin, magtatagal tong nararamdaman ko sayo. Masaya akong aalis dala ang mga narinig ko kina espren at  khalid. Ha! masakit na kamay ko pero okay lang. Kahit ito man lang ay magawa ko sayo. May ginawa akong kanta para sayo. Wala pa ton tono kaya tula pa tawag dito.

 Ilang ulit kong sinabi sa sarili kong ito

Na  hindi ikaw at ayoko ng umibig pa

Subalit puso'y ayaw talaga

Ang iwasan ka'y di ko magawa

Ibigin ka'y di ko sinasadya

Ngunit ikaw ang pinili ng puso ko aking sinta

Suklian ka'y di ko magagawa

Sapagkat ako'y mawawala

Ala ala natin di makakalimutan 

Dadalhin ito hanggang sa kamatayan

Inamin ko sayo nung gabing yun

Ika labing siyam ng Pebrero

Isang huling dakdakan

Isang huling aminan

Na alam ko hindi ko makakalimutan

Ikaw ang muling nagpatibok 

Ng puso kong akala ko'y bulok

The Letter(for Lorraine Kim from Nash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon