TAKE ME TO YOUR HEART-Ashlie Chapter Six

2.5K 66 3
                                    

HINDI nakatulog nang maayos si Dannah kaya papasikat pa lang ang araw ay nasa kusina na siya at nagluluto ng makakain para sa kanilang almusal.Ginulo ang isip niya ng maraming katanungan tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi.Naligo lang siya, nagising kaagad ang kanyang Tita Nida at na rescue si Alfie.Nalinis na ang kuwarto niya na parang walang nangyari.


Pumasok tuloy sa isip niya na baka pinlano ng bestfriend niya iyon at ni Zaldy, kasabwat din ng mga ito ang Tita Nida.Pero bakit naman sa dinami-rami ng puwideng gawin para i-set up siya, sa isang lalaki ay iyon pa ?


" Good morning, good morning! parang wala lang nangyari kagabi, ah, " bungad ng bestfriend niyang si Mitch.Dumeretso agad sa kanilang Tita Nida para humalik." Hello, Best.Hindi ka yata nakatulog ng maayos no? ang aga mong nagising. "


" May kinalaman ka ba sa nangyari nang nakaraan gabi? " tanong niya rito.Huling natandaan niya ay nauna ito natulog.


" Anong kinalaman sa nangyari? " maang-maangan na balik tanong nito sa kanya.


Pinukol niya ito ng tingin na nagtatanong. " Talagang wala ka'ng kinalaman, Best? " tanong uli niya rito.Duda talaga siya, may kinalaman din ito.


" Wala nga, Pasensya na best, kung hindi 'ko kaagad nasabi sa'yo na kung puwide ibigay mo kay Alfie, 'yong susi para sa guest room.Napagod kasi ako ng subrang, "mahabang turan nito.


" Good morning ladies , " bungad kaagad ni Zaldy, kapasok lang din nito sa kusina.


"Zaldy maupo ka na ng makapag-almusal na kayo, bago kayo bumalik ng kampo, " ani Tita Nida.


" Dannah, matagal pa ba 'yang niluluto mo? " baling ni Tita Nida kay Dannah.


" Patapos na po Tita, "sagot naman niya rito.At saka kinuha na ang fry egg na nakasalang sa non stick pan.Pagkatapos niyon ay inihain niya na sa hapagkainan ang mga pagkain na niluto niya.Tinulungan naman siya ni Mitch sa paghanda ng mga iyon sa lamisa.


" Si Alfie? " tanong ni Tita Nida.


" Baka natutulog pa Tita, "sagot ni Mitch.


" Dannah, Tapos ka na ba riyan? " tanong uli ni Tita Nida sa kanya.


" Opo, Tapos na po Tita, Bakit po? " May nahalata siya sa kanyang tiyahin na paborito siya nito ngayon umaga na tawagin. ' Anong nangyari? ' tameme na tanong niya sa sarili.


" Tawagin mo na si Alfie , ng makasabay natin siya sa pagkain, " anito.


" Huh?" 


" Tawagin mo na si Alfie, " sabi nito uli.


' Gusto pa talagang gisingin, ' aniya sa sarili.Napalakas pala ang pagkabigkas niya.


" May sinabi ka Dannah? " tanong ni Tita Nida.


" Wala po, sabi ko tatawagin na po, " aniya.At saka hinakbang ang kanyang mga paa at tinungo na ang guest room para tawagin ang kanilang buwisita.

Take Me To Your Heart by: Ashlie DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon