Paglisan

8 1 1
                                    

Paglisan

Sa sakit nakahalukipkip,
Kasabay ng hangi'ng sa buhok ko'y kumakalabit,
Pagpatak ng luha'ng, basa'y kumakapit,
unti- unting nagiging hagulhol sa pait.

Mga masasayang kahapong nagdaan,
maaari pa bang balik balikan?
'pagkat ako'y nasasabik sa nakaraan
kung saan ayos pa ang lahat ng ating kalagayan.

Ramdam ko pagpatak ng iyong luha,
ako'y naguguluhan, ito ba'y isang hinuha?
tayo ba'y nakatadhana na nilikha,
para pagdusahan ang sakit na animo'y mga dukha.

Nalunod sa lalim ng binitawang dahilan,
Nabingi sa tahimik na iyong paglisan,
Sa palayong paghakbang ay nais ka nang sundan,
Bagkus mas piniling rumespeto't umiba ng daan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaglisanWhere stories live. Discover now