Isang gabi sa gitna ng maynila. Isang putok ang gumising sa tahimik na gabi.
Iniilagan niya ang mga bala habang nag hihikab at nagiisip kung paano niya babayaran ang tuition sa susunod na pasukan. Nahihiya na rin kasi siyang mangutang kay Aling Rosing dahil sa hindi pa rin bayad ang mga dating utang niya rito at wala na siyang ibang maisip kundi kapalan ang mukha at muling lumapit sa matanda. At habang iniisip niya ang mga bagay na'to ay tuloy siya sa pagilag sa mga balang galing sa lider ng kilalang gang ng maynila ang Matcho Gang. Nakangiti pa ang hangal habang kinakalabit nito ang gatilyo ng kanyang Glock 17 hanggang sa naubusan ng bala ang lider na hunghang.
"Lagi mo na lang inuunsiyame ang mga lakad namin Dante. Maawa ka naman sa amin maliit na isda lang kami bakit hindi mo kalabanin at hulihin ang mga malalaking isda."
"Walang maliit at malaking isda sa akin alam mo yan. Pareparehas lang kayong kanser ng lipunan. Kaya kung ako sa inyo ay magsisuko na kayo at wag ng lumaban dahil alam mo namang wala rin kayong ibubuga."
"Ulol! Wala sa bokabolaryo namin ang sumuko Dante. Hindi pa tapos ang laban, mga bata ilabas ang super bazooka."
Inilabas ng Macho Gang ang pinagmamalaki nilang super bazooka na nakatago sa kanilang malaking truck at itinarget ito kay Dante.
"Ayaw niyo talagang sumuko." Sagot ni Dante habang kapanteng tinitignan ang super bazooka na ipanlalaban sa kanya ng biglang.
BOOM!!! Isang malakas na putok at mabilis na paglabas ng bala galing sa bunganga ng super bazooka, kasabay din nito ang pagalakhak ng lider ng Matcho Gang.
Tumakbo ng mabilis si Dante patungo sa kumakaripas at nakakabalasik na bala at nilabas niya sa kanyang mga kamay ang kulay pulang aura na nagpahinto sa bilis ng bala. Hawak hawak ni Dante ang bala sa kanyang mga kamay at handa ng ibato pabalik sa mga ulupong na kumakalaban sa kanya.
"Bago ko ito ibalik sa inyo, muli ko kayong tatanungin. Susuko na ba kayo?"
Halos nangiluhod sa kanyang harapan ang mga miyembro ng Matcho gang at ang iba sa kanila ay nagtakbuhan dahil sa lakas na ipinakita ni Dante. Nadapa at gumulong ang iba sa kanila habang kumakaripas ng takbo. At katulad ng normal na superhero movie muli na namang nanalo ang kabutihan sa kasamaan, nadakip at nakulong ang buong miyembro ng Matcho gang pero hindi parin nito naresolba kung saan kukuha ng pang tuition si Dante.
"Balot!!! Balot!!! Balot!!!"
Si Temyo isang mabuting tatay at asawa samakatuwid isa siyang mabuting padre de pamilya, nagtitinda siya ng balot sa gabi at tagabutingting naman ng sirang appliances sa umaga. Hindi sumagi sa isip niya ang magnakaw o gumawa ng karahasan sa kapwa para suportahan ang kanyang pamilya, ngunit ang lahat ng ito ay nagbago ng minsa'y napadaan siya sa isang eskinita.
"Balot!!! Balot!!! Balot!!!"
"Hoy! Isang balot nga!" Isang sigaw galing sa grupo ng mga tambay na nagiinuman.
Ito ang mahirap at iniiwasan ni Temyo sa kanyang trabaho ang mapagtripan ng mga lasing na tambay.
"Isang balot po ba sir? Trese lang po ang isa."
"Hindi naman namin tinatanong kung magkano. Bigyan mo kami ng isa." Sabay tawanan ang mga lasing.
Sanay na si Temyo sa mga ganitong eksena pero hindi parin maalis sa kanya ang takot at kaba. Sino ba ang hindi kakabahan sa mga tambay na malalaki ang katawan kesa sa kanya. Limang malalaking lalake na walang suot pangitaas at mga lango sa alak, limang mga lalake na pumapapak ng balot na kanyang itinitinda. Sarap na sarap ang mga lalake sa pagtira ng mga balot ni Temyo halatang halata ang dami ng kinain nila dahil sa kalat ng mga balat na nahulog sa sahig.
"Mga sir, naka kinseng balot po kayo. Bale 195 po lahat-lahat.."
"Pare sinisingil ka." Sabi ng isa na naka sumbrero.
Tinuro naman ng lalakeng longhair ang katabi niyang kalbo at sinabing.
"Hindi mo ba kilala kung sino itong kasama namin ha? Isa siya sa mga lider ng Matcho Gang, siya si Burgito."
"Kung gusto mo pang umuwi ng kumpleto sa pamilya mo, umalis ka na. Uwi!!!" Panakot ng lalakeng naka sumbrero.
Sumagot si Temyo ng mahina at nginig ang boses. "Wala po-po kasi akong benta mga si-sir at at wala po akong perang pang abono".
Nangdilat ang kalbo na tinatawag nilang Burgito at nagsalita.
"Abay! Ayaw mo talagang umuwi tangna ka.!!!" Isang sampal ang kumawala kay Burgito na nagpaatras kay Temyo sa kanyang kinatatayuan. Sumunod dito ay suntok ng lalakeng may balat sa kanyang pisngi at biglang nagsalita.
"Hawakan niyo at baka makatakas." Isang tadyak naman sa tagiliran ang nagpaluhod sa kawawang si Temyo, isang tadyak galing sa lalakeng may subo ng toothpick. Tinayo naman agad ng mga lalake si Temyo sa kanyang pagkakaluhod.
"Ano kaya mo pa! Ha? Hahaha... Tangna mo di ka namin pauuwiing buhay."
"Maawa po kayo sa akin. Nagtratrabaho lang po ako ng maayos."
"Itong mga suntok namin ang trabahuin mo gago!."
Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ng kawawang mambabalot at sinundan pa ito ng maraming sipa at di mabilang na tadyak hanggang siya'y bumagsak ng tuluyan sa lupa.
Nagsindi ng yosi si Burgito at humithit. "Puta ka napagod kami sayo. Kapkapan yan at kunin lahat ng pera."
"Maawa po kayo sa akin, kahit wag niyo ng bayaran ang mga balot na kinain niyo, wag niyo lang kunin ang pera ko. Para po sa pamilya ko yan. Maawa kayo."
"May lakas pang magsalita ang gago." Sabay tadyak sa mukha ng kawawang lalake na nagpawala ng kanyang malay at bumali ng buto niya sa ilong.
Tinapon ni Burgito ang upos ng sigarilyo sa kawawang si Temyo.
"Malalim na ang gabi, wala ng sasagip sayo."
BINABASA MO ANG
Ang mga Superhero na hindi kilala. (Kwentong sablay at gaya-gaya ni Dudong Daga)
General FictionWala naman Superhero sa Pilipinas. Kagaguhan lang yun. Ang meron dito mga Gago!