Chapter 7- Fate Falls

9 0 0
                                    

Okay everything is all set and ready. Handang handa na ako sa adventure. Go all the way to Eprata! Eprata here we come!!! Kita mo naman tong si Dillion wala pa ngang araw nakashades na, hindi makapag hintay te? Wow, bongga may service pa kami ah, may coaster all together with some of the employees in charge sa cover and sa leadership training. Mukha naman silang mababait. Exciting talaga.

"Sis, nagdala ka ng pangswimming mo?"

"Swimming? Bakit may oras ba tayo para magswimming doon?"

"Sis naman syempre, pag dating ng gabi, hindi na tayo mag shoot kasi syempre tulugan na, pwede na tayo mag chillax at mag enjoy!"

Oo nga no, buti nalang pang limang araw ang dala ko. Sabi nila sa Eprata mo matatagpuan ang Fate Falls. Kaso hindi talaga doon ang destinasyon namin pero malapit na daw yun doon, sa gitna ng gubat.

"Sis alam ko yang iniisip mo, are you thinking what I'm thinking?"

"Haha, ano Dillion, yung Fate Falls?"

"Korak! Ano ka ba syempre kaya nga excited na excited ako, bata palang ako pinangarap ko ng makapunta diyan diba, tapos ito na one step closer na ako. Hindi ako papayag na hindi lumangoy doon."

"Kasi ano? Sabi nila ang alamat daw ng Fate Falls, kapag lumangoy ka doon, kasama ang isa ang taong mahal mo, magmamahalan kayo ng wagas?"

"Well oo, pero sis, ang kwento daw kasi dun, may dalawang nag-iibigan, pero tutol ang lahat sa kanilang pagmamahalan. Hanggang sa umabot sa wala ng nagawa ang lalaki, ikinasal sa iba ang pinakamamahal niyang babae. Doon daw sa isang batis sa taas sa gitna ng gubat ang tagpuan nila. Nangako daw kasi yung babae, na darating siya doon tatlong araw pagkatapos ng kasal niya para sumama na siya doon sa love niyang guy. So umaga palang ng ikatlong araw pagkatapos ikasal ng babae, yung lalaki daw pumunta na sa batis. Naghantay ang lalaki at lumipas ang napakaraming oras. Hanggang inakala niya na hindi na dadating yung babae. Pero sa gitna ng gabi, dumating ang pinakamamahal niya, kaya lang, sabi niya, hinahabol siya ng kanyang asawa at iba pang mga kalalakihan, takot na takot ang babae, kung kaya't tinanong nung lalaki kung mahal daw ba siya nung babae. Syempre oo, mahal na mahal nila ang isa't isa. At dahil daw, ang mga magulang nila ay iniba at diniktahan yung tadhana nilang magsama panghabang buhay. Magkayakap na tumalon ang dalawang nagmamahalan sa batis, magkasama, magkayakap. Pumikit daw sila habang magkadampi ang kanilang mga labi sa ilalim ng tubig. At doon magsasama sila magpakailanman. Ilang segundo lang ang lumipas isang napakalakas na lindol daw ang yumanig nasira ang buong kagubatan at ng matapos ang pag lindol isang napakagandang Falls ang lumitaw. Ang dating simpleng batis ay nasira and they considered the Falls as a beautiful disaster. Hindi na nakita ang dalawang nagmamahalan. Kaya maraming naniniwala na sa wagas na pag-iibigan ng dalawa nabuo ang isang magandang Falls na iyon. Kaya tinawag na Fate Falls, at kung sino man ang magkasamang lumangoy, ay magsasama at magmamahalan din daw ng wagas tulad ng dalawang magkasintahan."

Narinig ko nanaman ang alamat na yan. Si Macky, yan ang paboritong lugar niya. Naniniwala siya sa hiwaga ng Fate Falls. The day na hiniram niya ako kay nanay dahil may pupuntahan daw kami. Dito yun, sa Fate Falls. Along the way, excited na excited siya. Dadalin daw niya ako sa lugar kung saan naniniwala siyang kapag lumangoy daw siya kasama ang taong gusto niya, hindi na daw ito mag hihiwalay at magmamahalan ng lubos. Nagtaka ako nung sinabi niya saakin yun. Sabi ko: "Bakit? Kakakilala lang natin, mahal mahal ka na agad?"

"You know what Paneng, I've waited for this time to come. I never felt like this before, yeah, weird pakinggan. Pero the very first time that my eyes caught you, that was also the same time that my heartbeat like it has never done before."

"Macky parang imposible naman yata yan, kakakilala lang natin tapos sasabihin mo parang mahal na mahal mo na ako."

"No Paneng, I've known you for so long, hindi mo na ba talaga ako maalala?"

Money Can Buy Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon