Libog

9.1K 12 1
                                    

.

.

.

January 26

Dalagang biktima ng rape, natagpuang patay sa isang bakanteng lote

by: Mark Vinnie Buen Amante

Sa isang bakanteng lote sa Tandang Sora St. Caloocan City, natagpuan ang bangkay ng 20-anyos na nakilalang si Chloe Fernan.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad pauwi mula sa paaralan ang babae ng hilahin siya mula sa kalsada patungo sa loob bakanteng lote sa tabi nito na nagkataong may mga yerong nakaharang sa paligid.

Ayon sa pulisya, nang magawa nang matapos ang panggagahasa ay pinalo ito ng bato sa kanang parte ng ulo nito na nakita ilang metro mula sa katawan ni Fernan.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang resulta ng DNA test sa semen sample na nakuha sa loob ng biktima. Inaasahan na ang resulta ng naturang test ay isang malaking tulong sa pagtunton sa salarin sa krimen.

Hanggang ngayon ay wala pa ring suspek ang pulisya.

As reported in The People Newstand

======

Si Gerald ay isang call center agent. Nagsimula siyang mamasukan bilang customer service representative, dalawang taon na ang nakalipas. Maayos naman ang suweldo. Sapat na para sa pangangailangan niya.

Pangangailangan.

Kilala si Gerald dahil sa hilig nito sa pagpunta sa mga bar at mga clubhouse, at mga cabaret. Kung tatanungin ang mga kasamahan niya tungkol sa kaniya, marahil ay sasabihin nilang adik siya. Isang sex addict.

Mula pa pagkabata ay tila nahilig na siya sa mga sekswal na mga babasahin. Na napunta naman sa panonood ng mga pornographic films ng araw. Hindi niya tinago ang ganoong pagkahilig niya. Ang totoo nga niyan ay parang proud pa siya na ginagawa niya yun.

Halos ipagsigawan niya nga ang una niyang mga experience sa mga kaibigan niya (first BJ, first sex, first...). At hindi rin siya nauubusan ng mga kwentong puno ng kalibugan. Isa ring dahilan kung bakit barubal din ang mga nakakasundo niya.

Marami nang mga babaeng dumaan kay Gerald -- marami na siyang natikman, madalas niyang sabihin. Ngunit hindi pa rin nawawala yung pagkahilig niya sa sex. Kung tutuusin nga ay parang mas lumala pa ang pagkahilig niya.

Kapag day off niya sa trabaho, palagi siyang nasa mga strip club. Madalas na lasing, pero mas madalas na may ka-table na babae. Ganito ang routine ng buhay niya. Trabaho, babae. Trabaho, babae. Hindi na baleng walang tulog, basta hindi mawawala ang babae. Kasunod na jan ang alak.

Pero wala talagang tatalo sa babae.

Hindi nagtatagal ang mga nakakasamang babae ni Gerald (matagal na ang dalawang buwan para sa kaniya). At sa lahat ng mga babaeng nakasama niya, wala siyang minahal. Ilang beses siyang minahal, pero wala siyang naibalik kahit isa.

Magaling siyang magsalita, yan ang dahil kung bakit marami siyang naging babae. Magaling siyang mambola at manligaw. Ang bawat 'I love you' na lumalabas sa mga bibig niya, walang laman. Ang bawat 'mahal kita' sa mga text niya, may kasabay na tawa.

Walang siyang babaeng sineryoso kahit kailan. Para sa kaniya, ang babae ay nanjan lang para palipasin ang init sa katawan niya. Para palabasin ang libog sa pantog niya. Yun ang babae para sa kaniya. Isang malaking sex toy.

Walang bagay na nagpabago sa isip niya. Marahil ay mas umiiral ang isa niya pang ulo kaysa utak niya, madalas na puna ng mga nakakaalam ng buhay niya. Pero wala silang magawa. Dahil si Gerald ay isang sex addict. Isang sex maniac. Walang bagay sa mundong maglilinis ng utak niya.

Libog (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon