Buddy.
Malakas na humagalpak ng tawa si Tyra habang nakatingin sa kaniyang iPad. Nakasandal ako sa swivel chair sa loob ng conference room ng agency habang ini-intindi ang assignment ko.
"Natutuwa ako na naaawa kay Carlo," tumatawang sabi niya. "He really did sacrifice his peace just for you to get off the negative spotlight."
Umismid ako. Nag-post na ako ng public apology sa mismong social media account ko pero wala na sa akin ang atensyon nila. Pala-isipan sa mga tao kung sino ang babae ni Carlo De Dios. Tama nga siya, mas mababaliw ang internet sa ginawa niya. Carlo is a well-known architect, bukod doon isa siyang De Dios na kilala dahil sa company nila na isa sa kilala sa bansa.
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip habang tinitingnan si Gabriella na nila-lapag ang order ko. Nagulat pa siya nang mag-taas ako ng kamay.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"I wanna talk to the manager," mataray kong sabi.
Nakita ko ang pag-lingon ng mga tao sa paligid ko. Nag-bulungan sila tungkol sa ginawa ko. Narinig ko pang sinabi na umiiral na naman ang ka-malditahan ko.
"Bakit ba?" Tanong ni Gabriella na halatang kinakabahan.
"I said, I wanna talk to the manager," may kalakasan kong sabi.
Nakita kong nagkumahog na lumapit sa akin ang isang lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Gabriella at bahagya iyong hinatak sa gilid niya. Kumunot ang noo ko.
Why is he holding my friend like that!
"G-Good day, Ms. R-Reisha..." Nakangiting bati niya, halata pang kinakabahan siya dahil nanginginig ang labi niya. "I am Darren Abad, the restaurant's manager. H-How may I help you?" Tanong niya.
"I wanna eat with her," sagot ko sabay senyas kay Gabriella.
Nakita ko ang bahagyang pag-alma niya nang tumingin kay Gabriella, parang sinenyasan ito na tumanggi sa akin. Bumuntong-hininga si Gabriella saka tumingin sa akin.
"Ma'am, I'm sorry but we have a protocol that we are not allowed to eat with customers while on duty," deretsong sabi ni Gabriella.
Ma'am? Gusto kong tumawa. Alam kong naisip kong pahirapan si Gabriella noon pero pakiramdam ko hindi bagay sa kaniya ang ginagawa niya ngayon.
"Are you saying no to me?" Kunwaring naooffend kong tanong. "I have something to discuss to her that's why I'm here," sabay baling ko sa manager niya.
Nakita kong pinalibot nito ang tingin sa paligid bago mahinang bumuntong-hininga. Awkward siyang ngumiti sa akin saka tumango. Napataas ako ng kilay.
"S-Sure, Ms. Reisha. I'll just put her on break while you're talking to her," sabi nito bago balingan si Gabriella.
Napangisi pa ako nang makitang sinenyasan niya ang kaibigan ko na maupo sa harap ko. Kinuha niya ang dalang tray ni Gabriella bago muling humarap sa akin. Nagtaas ulit ako ng kilay.
"I'll give you a privacy, Ms. Reisha. Excuse me," sabi niya bago yumuko at umalis sa lamesa namin.
Malakas na bumuntong-hininga si Gabriella habang inaayos ang kaniyang uniform.
"Ano ba 'yon?" Tanong niya.
"I'm bored," nakangusong sabi ko. "Wala si Charlynn sa bahay. I don't have a gig right now kaya nasa bahay ako. Wala rin naman ako sa mood na gumawa ng assignments. I want to shop some things."
"Nagta-trabaho ako, Rei. Mamaya pa ako uuwi," sagot ko.
Ngumuso ako bago hiwain ang steak na nakahain sa akin. Si Gabriella ay nagsimula ring kainin ang Carbonara na nasa tapat niya.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...