Party.
"Oh my god, Reisha!" Malakas na tili ni Tyra nang makita akong pumasok ng kaniyang office. "Wala talaga akong duda sa modeling skills mo..." Sabi niya habang nilalapitan ako.
Humalakhak ako. Kulang na lang ay lumuhod siya sa akin para sambahin ako. Pabiro kong hinawi ang buhok ko na nagpahalakhak sa kaniya.
"Well, you really are good at this pero ang ugali mo lang talaga," ngiwi niya.
Umiling na lang ako saka tumawa. Pinanood namin sa malaking screen ang malaking video ko galing sa shoot. I'm wearing a red two-piece. Hindi iyon basta lang na isang litrato, isa iyong short advertisement video na nakaflash sa kahabaan ng EDSA.
"I am so damn proud of you, Reisha!" Tili niya.
"You should be," mayabang kong sagot.
Inirapan niya lang ako. After this, nagsabi na ako na ang mga hindi masyadong demanding na offers ang kukuhanin ko. Nanghihinayang nga siya kasi kung kelan naman mas dumami ang nag-ooffer sa akin, saka naman ako magfo-focus sa study. Sabi ko nga sa kaniya na mabilis lang 'yan dahil hindi naman ako titigil sa pagtanggap ng offers unless syempre, makaka-epekto sa pag-aaral ko.
The next days were fast. Nagkaroon pa ako ng sagutan with my classmate because they forced me to join the school's events. One of the reasons nga kaya ako pumipili na lang ng kukuhanin na projects ay para makapagpahinga tapos pipilitin nila akong sumali sa gano'n?
Kairita!
Sinipat ko ang mukha ni Gabriella habang inaayusan siya. Seryoso siyang nakapikit at halatang kinakabahan dahil nanginginig ang labi. Napangiti ako.
How adorable. Masyadong innocent ang isang ito. I feel like I know why Cartier likes her. She looks like an angel.
She's wearing a nude short sleeves off shoulder gown. Dapat nga ay kulay itim ang ipasu-suot ko sa kaniya kaso ayaw niya dahil masyado raw iyong revealing. I am wearing a backless maroon gown, while Charlynn is wearing a tube black gown na pink ang glitters.
"You're done. Is it okay?" Tanong ko nang iharap si Gabriella sa harap ng salamin.
Tumango siya sa akin. "Thank you! You're the best!"
Umirap na lang ako. Tumayo siya kaya naman ako naman ang naupo. Si Charlynn ay inaayusan na ang sarili niya, nandito silang dalawa sa kwarto ko dahil malaki ang salamin ko kumpara sa kanila.
Kunot-noo kong nilingon si Gabriella nang sipatin niya ang sarili niya sa salamin. Naglagay ako ng mga kailangan sa mukha ko. Kakatapos ko lang maglagay ng eyeshadow nang muling bumalik si Gabriella sa salamin.
Umismid ako. "Hindi ka mapakali riyan. I can't focus tuloy on my make up," reklamo ko.
"Paanong hindi ako kakabahan? Unang beses ko itong makakapunta sa ganiyan kalaking event."
"Ano ka ba? Birthday lang naman ni Kuya Cartier ang pupuntahan natin," singit ni Charlynn.
Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Gabriella sa sinabi ni Charlynn.
Don't tell me, hindi niya alam? Carlo told me about this party kaninang umaga. Hindi ba sinabi ni Cartier sa kaniya?
"W-what?" Halatang gulat siya.
"Last minute nga ito. Hindi naman sana magkakaroon ng event kung hindi lang lumuwas sina Mommy. Kaya huli ko ring nasabi sa inyo," sagot naman ni Charlynn habang sinusuot ang diamond necklace niya.
Nakita kong nagmamadali niyang dinampot ang purse niya. Ngumisi ako habang pinapanood siya.
My gosh! Why Charlynn can't notice anything?
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomansaFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...