IRENE BAE TAN
A month has passed, and everything changed between Lisa and I. Lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Madalas na nga kaming mag dine out or coffee na nakasanayan narin ng mga kaibigan ko.
At ang pinakamaganda sa lahat, hindi na ako pinaghahanap pa ng media. Buti nalang talaga at walang nakakita sakanila kung anong oras man umalis noon dito sa bahay sina Ate Yuri at Suzy.
"Ate, darating ba si Ate Lisa?" Tanong ni Yeri habang nag-aayos ng mga natirang pagkain sa hapag.
"Oo, bahay niya na ito e." Mapang-asar na sagot naman ni Wendy. Lagi na rin kasi yung batang yon dito, minsan madadatnan ko nalang siyang naghihintay sa gate or basta nalang din nagpapalipas ng gabi dito. Nagpapang-abot na rin silang lahat dito madalas.
"Hindi nagrereply e. Nasaan daw ba yun, Jisoo?" Taas kilay kong tanong, pero binigyan lang naman ako ng nakakalokong ngisi ng isang ito.
"Nakakaselos na yan, Irina!" Biro pa ni Jennie na busy sa print outs niya. May event kasi sa school on monday.
"True. Nagseselos na nga ako e." Gatong din ni Seulgi. Hindi ko alam kung seryoso ba siya or ano e. O ayaw ko lang bigyan ng meaning ang mga actions niya.
"Umuwi un ng maaga e pero ang sabi - - -."
"Sorry, matraffic kasi." Anang ng taong pinag-uusapan namin, saka tuloy tuloy na pumunta sa kusina para ilapag ang mga dala niya. Di naman halatang at home na at home siya diba?
"Oh. Ate Lisa, hinahanap ka ni Ate Irene kanina pa." Yeri, na halos mapunit na ata ang bibig sa laki ng ngiti nito.
"Bakit? Sorry. Sinabi ko naman kagabi na may aaisikasuhin ako, diba Bae? Nakalimutan mo?" Bulong niya pa pero dinig naman ng lahat. "Kumain kana?"
"Tapos na. Kumain ka, kuha ka nalang ng mga - -."
"Eto nalang, sayo to diba? Para Less hugasin." Anang nito sabay lagay ng pagkain sa mismong pinagkainan ko. Halos ata lahat kami hindi nakagalaw at mataman nalang itong pinapanood.
"You're using one plate, spoon and fork? Wow! MANANG IRENE! IKAW NA?!!" Nakakalokong kumento ni Jennie sabay tapik sa balikat ko. Hindi ako nakaimik dahil hindi naman siya ganito. Sa baso siguro, guilty ako doon, pero sa ibang bagay like spoon, hindi naman. Ngayon lang talaga, AS IN!
"Ha! Ganyan na kayo ka-close? Since when?" Seryosong tanong ni Seulgi na nagpabalik sakin sa pagkatulala.
"A month ago. Big deal ba ang panggamit ng mga to? Nakakatamad kasing maghugas ng madami." Inosenteng sagot naman ni Lisa kaya lalong kumunot ang noo nung isa.
"Seul, samahan mo muna ako kunin ung mga sinampay ko sa taas." Hila ko sakanya para wala ng sagutang mangyari pero natigil din kami dahil sa paglabas ng balita sa TV.
BREAKING NEWS
VP Son's daughters Yuri and Suzy Tan were spotted buying almost all items on the said convenience store. Rumor said that their unidentified sister may have been staying around the city.
"Parang malapit lang to sa street niyo, Ate." Kalmado ngunit my diin na wika ni Jennie.
"Baka naman kamukha lang yan, tignan mo nga balot na balot." Kabadong sagot ko, at pakiramdam ko namutla ako dahil sa sabay sabay nilang paglingon sakin.
"Oo nga naman. Pero ang galing naman ng nakakita sakanila. Stalker?" Anang ni Lisa, pero hindi parin matanggal tanggal ang tingin niya sakin.
"Ganyan naman kapag anak ng pulitiko." Kumento naman ni Seulgi. "Either way, baka naman hindi yan totoo at ano naman ang gagawin nila dito sa street na to?"