"Sabrina, may naghahanap sa'yo sa labas." Ani mama na kakapasok lang ng bahay galing sa pamamalengke.
"Ha, sino naman?" Takang tanong ko.
Mom shrugged her shoulders. "Aba'y sino pa ba? 'Edi 'yung maliit." Natatawang aniya.
Oh, right. Susunduin nga pala ako ni Queza ngayon. "Bakit hindi mo pinapasok, 'ma?" Agad akong tumayo at dali-daling sinuot ang tsinelas ko't pumunta sa labas.
"Anong hindi? 'Ayon kaya ang pinsan mo." Aniya habang nakaturo kay Queza na sitting pretty sa couch sa may living room. "Ate Madrid, pakitulungan po ako rito huhu, ang bigat." Hindi ko naman na pinansin ang dalawang nagtatawanan sa may kusina saka ako dumiretso sa may living room.
Tignan mo nga naman ang babaeng 'yon, wagas kung makaupo sa couch habang nakain ng chocolates mula sa basket na naroon sa table namin, at heto pa, may gana pang manood ng TV!
"Ano ba 'yon?!" Ayaw paistorbong aniya nang kinalabit ko siya.
"Aba, ikaw pa ata may ganang magalit dito beh. Eh, kabibili lang ng nanay ko 'yang kinakain mo!" Sigaw ko sa kaniya, nanlaki naman ang mata niya." Akin na nga 'yan," agaw ko sa kaniya ngunit ayaw niyang ibigay. "Isa, akin na sabi!" Para kaming batang nag-aagawan sa pagkain.
"Sabrina, Queza! Ano ba 'yan? Ang aga-aga ang ingay niyong dalawa!" Sigaw ni Mama mula sa may kusina. Ugh, whatevah.
Padabog akong umupo sa kabilang couch katabi ng inuupuan ng babaeng 'to. Kay aga-agang magpa-init ng ulo, jusmiyo marimar. Masama ko siyang tinignan ngunit pa-inosente lang siyang nakatingin sa akin.
Nangingkit ang mata ko, alam ko ang pinunta nito sa akin, eh.
"Kung manghihiram ka ng damit pang-party mo ay wala! Nasa labahan lahat ang damit ko!" Pangunguna ko aa kaniya. Nagtatakha niya akong tinignan.
"Egzzzciouseeee meeeeei! Kailan pa ako nanghiram sa'yo ng damit?" Matapang niyang balik sa akin.
Napaisip naman ako, oo nga naman, kailan nga ulit siya huling nanghiram sa akin. "Whatever!" Pananaray kog balik sa kaniya. "So, what brings you here?" Seryosong tanong ko saka kumuha ng chocolate sa hapagkainan.
"Hmm.." nambibitin niyang panimula.
Hinintay ko ang sasabihin niya at nanuod ng TV. Inalis ko sa pinapanood niya kaya ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin. So what? This is my house anyway.
"Come with me." Dugtong niya. Nilingon ko siya, what? Saan naman kaya akong balak dalhin nito.
"Ako hindi ako natutuwa diyan sa mga pa-gimik-gimik mo na 'yan, ah. Alam mo bang grabe na ang pag-aalala sa'yo ng magulang mo, Queza Devoir Sanchez?!" Bulyaw ko, agad niya akong nilakihan ng mata.
"Ano ka ba naman, 'wag ka ngang maingay diyan!" Bulong niya sa'kin sabay tapon ng matalim na titig. "Malimit nalang naman ako umalis ngayon." Pagdadahilan niya pa. Malimit daw?
"Tigil-tigilan mo nga ako, pwede ba? Ayaw kong mapahamak, Queza, sinasabi ko sa'yo kukurutin na kita!" Napapakamot kong sigaw, naii-stress ako sa pinsan kong 'to. May ilang beses narin akong na-sermunan ng mga magulang nito, pero ako 'eto todo takip.
"Minsan lang naman 'to, Sab. Dali na, sumama ka lang sa'kin!" Aniya. Matalim ko siyang tinignan.
"Hay naku! 'Yang minsan-minsan mo diyan tayo napapahamak, eh. Pang-ilang minsan mo na ba 'yan?" Nadidismaya kong tugon. Ah, basta, kahit anong mangyari hindi ako sasama.
YOU ARE READING
THE SPARKS BETWEEN US
Teen FictionSparks between a girl who never fell in love and a boy who secretly admire his highschool crush since the day he heard the girl singing in a room. Would they be able to meet again after the campus famous guy birthday party? How and where they will m...